CHAPTER 7

1501 Words
Walang pagsidlan ang aking takot sa klase ng kanyang tingin sa akin,hindi ako nakakilos ganun din siya nagtitigan lamang kaming dalawa kung hindi pa dumating si Madam ay baka hanggang ngayon ay nakatulala pa rin ako sa aking kinatatayuan. "Candy!ano bang ginawa mo!" hasik ni Madam sa akin na ikinayuko ko. "P-pasensya na po madam hindi ko po sinasadya" paghingi ko ng tawad at mabilis na pinulot ang mga basag na bote sa sahig. "Dios ko Candy kay bago-bago mo pa lang dito!ganito na ang damage na ginawa mo sa bar ko!" Nakapa mewang niyang sigaw habang abala pa rin ako sa pagpupulot ng mga basag na bote,nasugatan pa ang aking daliri ngunit hindi ko na ito alintana pa dahil sa kaba na aking nararamdaman. "Mr.Ibrahim pasensya na po bagong salta kasi ngayong gabi pa lang at first duty ng bago naming waitress kaya mali-mali ang trabaho,ako na ang humihingi ng tawad'" utal-utal na sagot ni Madam sa lalaking nakabanggaan ko. "Follow me!" yun lang ang dinig ko sa estrangherong nabangga ko,ang lalim pa naman ng kanyang boses,pinapasunod niya si Madam sa itaas. Kung ganoon VIP pala ito kaya pala ganun na lang ang takot ni Madam na nabangga ko ito. "Baklesh anong nangyari dito ha" si Ruselle nilapitan niya agad ako pagkakita niya na tumalikod na si Madam at sumunod sa lalaking VIP ng bar. "Ruselle hindi ko talaga sinasadya,natapilok lang bigla ako" kinuha pa ni Ruselle ang aking heels at pinagmasdan. "Naku naman baklesh bakit ito ang sinuot mo sira na ito" napasapo pa niya ang kanyang noo na tiningnan ang sira niyang heels pinahiram lang kasi niya ito sa akin. "Ang sabi ko sayo yung kulay red ikaw talaga baklesh oh..hayaan mo na dyan at baka magkasugat ka pa parating na ang tagalinis dito pumunta ka muna sa locker room bilis at magpalit ka ng heels yung pula ang kunin mo,mag ayos ka din at namumutla ka talaga" tinulungan niya pa akong makatayo "Pasensya na Ruselle ha pinahiya tuloy kita,unang beses ko ngayong gabi tapos heto na ang naging abala ko sayo" paghingi ko ng tawad sa kanya,tinapik niya lang ang aking balikat at sumenyas na. Kaya tinungo ko agad ang aking locker room,nakasalubong ko pa si Maria. "Candy alam mo ba kung sino yung nakabanggaan mo?" Tanong niya sa akin. "Paano ko malalaman Maria ngayong gabi lang ako nagsimula dito." tugon ko sa kanyang tanong. "Candy ex convict yun! kalalabas lang sa bilangguan at ang sabi ng kasamahan natin na matagal na ditong nagtatrabaho ay regular costumer daw yun noon dito,at ngayon lang nakabalik dahil nakakulong ng tatlong taon" may bahid na takot ang kwento ni Maria. Iba pa naman ang klase ng tingin na ipinukol niya kanina habang dikit ang aming mga katawan. Mabilis akong nag ayos sa locker room kinuha ko agad ang pulang heels ni Ruselle,medyo carry ko na dahil sakto lang ang taas ng takong,bakit ba,naman ang tanga-tanga ko,at itong bughaw ang nakuha kong heels niya,dsla na lang yata ng pagmamadali ko kanina kaya iba ang nahablot kong heels. Pagbalik ko sa bar,binalikan ko yung table 8 na matanda pero wala na ito sa kanyang upuan,kaya kumuha na lang ako ng basahan para maglinis sa mga nagkalat na mga mesa. "Candy!" Nagulat pa ako nang bigla akong tinawag ni Madam. "Po Madam?" tugon ko,nakataas kasi ang kanyang kilay habang pinagmasdan ako na paparating sa kinaroroonan niya. "Madam may iuutos po ba kayo?" wika ko sa mahinang boses,huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Ni request ka ni Mr.Ibrahim para mag serve sa kanya" napahawak pa siya sa kanyang batok na humarap sa akin . "Po sino po yan Madam?" inosente kong tanong batid ko kasi na balisa siya. "Yung nakabanggaan mo kanina Candy siya si Mr.Ibrahim!mukhang napansin ka yata kaya ikaw ang natipuhan niyang magsilbi sa itaas" pagkasabi niya kalahating takot at kalahating saya ang naramdaman ko. Takot dahil siya ang nabangga ko at iba pa naman ang klase ng titig niya nakakatakot, at saya dahil ayun sa mga nagtatrabaho dito malaki daw magbigay ng tip kapag doon ka sa mga VIP masasalang,kaya pagkakataon ko na ito para man lang mabayaran ko ng pakonti-konti ang lumulubo ng bill namin sa hospital. "Walang problema po Madam pupunta po ako at patawad po kanina sa kapalpakan ko,hayaan nyo po pagbubutihin ko na ngayon'" hinggil kong sabi para hindi na siya mabahala,tinapik niya lang ako sa balikat at sumenyas na ito na paakyatin ako sa taas. "Kung ano ang mga iutos niya sayo Candy sundin mo lang" paalala ni Madam bago ako umalis sa kanyang harapan para magtungo sa itaas,pinakuha pa niya ang order nilang wine sa bar counter para ihatid ko sa VIP room kung saan andun si Mr.Ibrahim. Nasa itaas na ako ngayon,minuto pa bago ako pumasok,pinakalma ko muna ang aking sarili at huminga muna ako ng malalim dahil bigla kasing kumabog ang aking dibdib na di ko mawari. Pagbukas ko sa silid nakita ko agad siya sa gitna ng lamesa na naka de kwatro ang upo,nagpang abot pa ang aming tingin,binawi ko ito kaagad dahil sa nakakatunaw niyang titig na hindi ko maintindihan. Kinabahan pa ako na papalapit sa kanyang gawi,pumiyok pa ang aking boses ng magsalita na ako sa harapan niya. "Sir heto na po ang inyong order" mahinhin kong saad. ngumiti sa akin ang may katandaang lalaki na kasama niya "Hi pretty baby" bumaling ang aking atensyon sa matandang kasama niya dahil sa uri ng pagtawag niya sa akin,hinagod niya pa ng tingin ang aking kabuuan, kiyeme na lang akong ngumiti,ngunit nakita ko na sinenyasan siya ng nagngangalang Mr.Ibrahim pati ang kanyang mga kasama na lumipat sa kabilang table. Agad naman silang nagsitayuan bagay na ipinagtaka ko. Ngayon kami na lang dalawa ng estranghero.Nakatayo pa din ako habang naka de kwatro pa rin siyang umupo sa mahabang upuan na humithit ng sigarilyo. "Sit!" ma awtorisado niyang utos sa akin na paupuin daw ako sa harapan niya. Kaya lumapit agad ako at umayos ng upo sa kanyang harapan.Hinila ko pa ang aking sobrang ikli na skirt dahil panay kasi ang titig niya na nakataas pa ang kilay "Put wine in the glass" utos niya habang hithit pa rin ang sigarilyo binugahan niya pa ako ng usok habang nilalagyan ko ng wine ang baso na ikinabigla ko. "How old are you" sa baritono niyang boses na hindi niya pa rin inalis ang kanyang tingin sa akin. "Ahm twenty po," mahina kong usal at iniabot ang alak sa kanya. Pagkakataon ko na rin na humingi ng tawad sa banggaan namin kanina dahil nabasa ko ang kanyang suot na damit. "P-pasensya na po kanina sa kawalang ingat ko po" paghingi ko ng tawad sa kanya,ganun pa rin ang kanyang reaksyon tinitigan niya lang ako at walang salitang namutawi sa kanyang bibig tinungga lamang ang binigay ko sa kanyang alak. nagtaka pa ako at siya mismo ang nagsalin na ng alak,ang akala ko pa naman ay iinumin niya.Ngunit iniabot niya ang baso sa akin. "Drink this" saad niya. "P-po ahm hindi po ako umiinom Sir" pagsasabi ko ng totoo ngunit biglang nangunot ang noo niya "If I said drink..you must drink understand hmm!" seryoso niyang sambit kaya mabilis kong inabot ang baso at walang prenong ininom agad ang alak na kanyang inalok. Napaubo pa ako dahil unang beses kong nakatikim ng alak napakapait pala,humalakhak pa siya na aliw na aliw sa aking hitsura na napaitan sa alak,samantalang ako hindi na mahitsura ang mukha at inuubo. Halos isang oras ko din siyang pinagsilbihan na wala kaming imikan,ako na lang ang yumuyuko palagi dahil halos isang oras na din niya kasing pinag aralan ang aking kabuuan. "Hindi ba siya nagsasawa na pagmasdan lang ako" bulong ko pa sa aking sarili. Naramdaman ko na lasing na ito,dahil namumula na ang kanyang mukha,ilang bote ba naman ang dinala ko dito sa itaas na siya lang ang uminom dahil nasa kabilang mesa ang mga kasamahan niya at may mga tini table na rin ang mga ito. Hindi na nakatiis ang estranghero at nagsalita na sa aking harapan "Pleasure me tonight lad!" Napaangat ako bigla sa kanyang sinabi,kung ganun alam niya na binabae ako! ngunit mas kinabahan ako sa sinabi niyang gusto niyang paligayahin ko siya ngayong gabi.. Balisa ang aking kilos na tumingin sa kanya,napaka brusko ng kanyang katawan at kahit galing preso ito sadyang malakas ang kanyang karisma animo'y isa itong matipunong lalaki. simpatiko ngunit may mawawari kang kadiliman sa kanyang pagkatao. isang masamang tao na nagtatago sa gwapong anyo yan ang nakikinita ko sa kanya. "Are you done studying my face?" Simpatiko niyang tanong,nawala na naman ako sa aking sarili nang mahuli niya akong pinag aaralan ang kanyang pagkatao,base kasi sa sinabi ni Maria na galing daw itong kulungan kaya hindi maalis sa aking isipan ang takot. "Pasensya na po nanininibago lang po ako" sa mababa kong boses sabay hawak sa aking dibdib dahil hindi na talaga ito huminto sa pagkabog simula pa kanina ng umakyat ako dito. "Do i need to repeat what I said earlier huh lad?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD