PAYNE's POV Nagising ako sa tunong ng phone ko. Alas diyes pa lang ng gabi. Mahimbing na natutulog si Fave sa tabi ko. Kuya Nicksonne's calling... "Kuya?" tanong ko. "Azalea! Pumunta ka ngayon dito. Yung mommy at daddy mo nag aaway." sabi ni kuya. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Madalas na mag away si mom at dad. Pero bakit ako kailangan pumunta? Normal lang sa kanila yon. "Sige kuya pupunta na ko." sabi ko. Hindi ko na ginising si Fave. Itetext ko na lang siguro siya mamaya. Mabilis akong bumaba sa parking lot. Dahil gabi na, mabilis lang akong nakarating ng mansion.Sa labas pa lang rinig ko na ang sigawan nila. Masyado nang seryoso ang mga yon kaya minabuti ko nang pumasok. "DALE PLEASE HON, DONT DO THIS TO ME!" naiyak si mom habang nakayakap sa binti ni Dad. Hindi ako kumib

