PAYNE'S POV Isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago muling hinarap ang salamin. Nakaoverall ako na suot, leather ito kaya nangingintab ako kapag nasa dilim. Tamang-tama lang ang sukat nito sa katawan ko. Kahit na kinakabahan dahil hindi ko alam kung sino ang makakalaban ko. At kung anong klaseng laban ang magaganap. Maya-maya nagsimula na ang laban. Nagsalita na rin ang emcee Nakita ko naman si Mom sa di kalayuan. Nasa gitna siya at seryosong nakatingin sa akin. "Let's welcome! The daughter of our Caporegime. The codename of Graystone," sabi niya. Lumabas naman ako at pumasok sa ring. Seryoso akong nakatingin sa mga tao. First time kong sasabak sa ganitong event. Kaya hindi maalis ang kaba sa dibdib ko. "Her opponents! The codename of Venomatic Girl!" Lumabas siya at pumasok

