PAYNE'S POV Hindi ko maiwasang hindi maawa kay Claire. Ganon pala ang nangyari sa mga magulang niya. Si Caroline pala ang may pakana ng lahat. Kahit kailan napakasugapa niya. Hindi lang sa pera, pati na sa kapangyarihan. Mabilis silang pinosasan ng mga police. Nakita kong nagtataka si Mom kung paano napunta rito si Coleen. Dahil ang alam niya ay napakulong na siya sa Canada. Alam kong gagamitin ni Caroline si Dad para pabagsakin kami. At alam ko rin kung gaano niya kamahal ang anak niya. Kaya naman matapos ang pangyayaring iyon, kahit hinang-hina ako dahil sa tinurok nila sa aking poison, pilit kong kinontak ang isang tauhan ng Gray. Pinapiyansahan ko si Coleen. Nang umuwi kami, pinauwi ko na siya sa Pilipinas, agad siyang sinalubong ng mga tauhan namin sa airport bago siya kinuha.

