NIKKI's POV Muli kong tinignan si Payne na mahimbing na natutulog. May luha sa mga mata niya. Naalala ko ang nangyari noon. Naulit na naman. Pang ilang beses na tong umiyak siya dahil kay Fave. Sa tuwing nakikita ko siyang ganito nanghihina rin ako. Dito siya hinatid ni Selena sa nahay namin dahil alam niyang mas comfortable siya dito ngayon. Hindi ko lubos maisip sa dami-rami ng lalaki, kay Fave pa siya magkakaganiyan. Ilang taon na siyang ganiyan kay Fave. Pero hindi nagbago yon. Ito ang ayoko, dahil masyado siya magmahal. Sobra pa sa sarili niya. Ito ang kinatatakot ko sa tuwing maiinlove siya ng sobra. Hindi siya basta-basta nakaka-move on. Taon ang bibilangin bago mangyari yon.Till now, 10 years na mula ng maghiwalay sila nong unang breakup nila ni Fave. Pero hindi ko akalain na

