NIKKI'S POV Nakapamewang ako tinititigan ang cake na gawa ko. For almost three hours, ngayon lang ako natapos. Mabuti n alang at nag-chat si Burol na hindi oa siya makakauwi kaya naman may oras pa ako Since wala rin si Andro rito. "Mom!" Nagulat ako nang may sumigaw mula sa likuran ko. Kaya naman agad akong lumingon kay Andro. "Baby? You're here! Where's mama Monique?" tanong ko sa kaniya. "She's outside, Mom," sabi niya at humalik sa akin. Ang laki na ng anak ko. He's ten years old now. "Oh isasauli ko na ang anak mo. Grabe! Kanino ka ba nagmana? Saan mo ba pinaglihi yan?" pawis na pawis na tanong ni Selena habang nakapamewang pa. "Hello? Malamang bata yan," sabi ko bago ko siyang tinarayan. "Hindi ganiyan kakulit si Katia, hindi normal ang kakulitan ng anak mo," sabi niya pa.

