NIKKI'S POV Huminga ako ng malalim bago ako lumabas ng kotse ko, nabalitaan ko kay tita na andito na raw si Calla nakatira. Umalis na raw siya sa Sandovals residence. Naglakad ako papuntang gate niya, hindi ko alam pero kinakabahan ako. Matagal ko na rin itong pinag-isipan. Oras na nga siguro para mapatawad ko na siya at magka-ayos na kami. Oras na para ituring ko siyang ina ko, matagal na kong nangulila sa kaniya. Hindi na dapat maulit pa yon. Nakailang doorbell ako pero walang Calla na lumabas kaya naman minabuti ko nang sumigaw. Maya-maya may lumabas na isang maid. Agad ko siyang tinawag. "Maam sino po sila?" tanong niya sa akin. "Asan po si Calla?" tanong ko sa maid. "Ay madame, huli ka na, nakaalis na si madame kanina pa," sabi niya na ipinagtaka ko "Huh? Saan siya pupunta?"

