CALLA'S POV Nagising ako nang nasa bisig ako ni Nico. Mahimbing siyang natutulog habang magkayakap kaming dalawa. Tumayo ako at nagbihis, paglabas ko ng kwarto. Bumungad sa akin si Tita na busy sa kusina habang tinutulungan ang mga katulong. Agad akong pumunta sa kaniya habang nakangiti. "Oh, Hija. Gising ka na pala," sabi niya pa. "Tita—" "You can call me, Mama if you want," nakangiting sabi niya. "Can I?" nahihiyang sabi ko naman sa kaniya. "Of course! You're my daughter in law, soon," sabi niya at ngumiti. Ang sarap sa pakiramdam na maging isang Gray. Hindi ako sigurado sa sinabi niya namagiging daughter in law niya ako pero ngayon pa lang ay maghahanda na ako. Kahit hindi pa nag-propose si Nico sa akin. Minabuti kong tumulong na lang sa kanila. Sunday ngayon, kaya wala silang

