Episode 1

2035 Words
Chapter 1 Raynier Dalawang magkasunod na putok ang narinig ko. Kitang-kita ko kung paano nabuwal ang katawan ng isang lalaki sa lupa. Parang hayop lang kung patayin ni Mario Morales, ang lalaki na nasa harap nito kanina. Walang awa niya itong pinagbabaril. Hindi ako makaalis sa pinagkukublihan ko rito sa may abandonadong lote na kabibili ko lang, upang tayuan ng subdivision. Subalit hindi ko inaasahan na sa paglilibot ko rito ay masaksihan ko ang kademonyuhan ni Mario. Ilang araw na rin niya ako hinahanap dahil isang linggo pa lang ang nakalipas nang mapatay ko ang kapatid niya na isa ring demonyo. Muntik na nitong gahasain si Jennifer, ang ex-girlfriend ng matalik kong kaibigan. "Boss, ano ang gagawin natin sa labi ng lalaking ito?" tanong ng tauhan ni Mario. "Hayaan natin na mabulok ang katawan ng lalaking ito rito. At hanapin n’yo Raynier Zeun na iyon dahil siya ang isusunod ko. Kapag hindi ko siya napatay isa sa mahal niya sa buhay ang paglalamayan!" Nagtagisan ang mga ngipin ko nang marinig ang sinabi ni Mario. Napakuyom ako ng aking kamao. Talagang hindi ako titigilan ng hayop na ito hangga’t hindi niya siya makapaghiganti sa akin. Naisip ko ang mga mahal ko sa buhay. Tiyak sila ang pag-iinitan ni Mario kapag hindi ako nito mapatay. Ilang sandali ang lumipas umalis na sina Mario at ang mga tauhan nito. Iniwan nila ang labi ng lalaki na pinatay nila. Nang makasigurado ako na tuluyan na silang umalis, dali-dali akong nagtungo sa kinaroroonan ng lalaki. Sa dibdib ang tama nito, subalit nakita kong gumagalaw pa ito. Hinawakan ko ang lalaki. "Dude, buhay ka pa. Dadalhin kita sa hospital." Hindi siya sumagot. Halatang nahihirapan na siyang huminga. May dinudukot ito sa kaniyang bulsa. Isang bracelet. Pilit niya itong inilagay sa palad ko. "I-ibigay mo—" Hindi pa nga natapos ang sasabihin nito sa akin, nalagutan na ito ng hininga. Napakuyom ako ng aking kamao, habang nasa palad ko ang may bahid na dugong bracelet. Napapakamot na lang ako ng aking sentido. Hindi ko alam kung kanino niya gustong ibigay itong bracelet. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Narinig ko ang tunog ng serena. Ilang sandali pa ang lumipas napapalibutan na pala ako ng mga pulis. Mabilis kong nilagay sa aking bulsa ang bracelet. Ilang sandali pa nasa likod ko na ang isang pulis. Itinaas ko agad ang dalawa kong kamay. "Huwag kang gumalaw o kumilos ng masama!" wika sa akin ng pulis, habang nakatutok ang baril nito sa aking ulo. Agad nitong kinuha ang kamay at nilagyan ng posas sa likuran ko. "Sir, hindi po ako ang pumatay sa kaniya. Nakita ko kung sino ang pumatay!" sabi ko sa pulis. Nang humarap ako, bahagya pang nagulat ang pulis na nagposas sa akin. "Mr. Raynier Zeun Harris, ikaw pala iyan," wika ng pulis. Sa tono ng boses nito, medyo naalarma siya. "Kalagan n’yo ako! Hindi ako ang pumatay sa kanya. Si Mario Morales—siya ang bumaril!" mariin kong sabi, habang ramdam ko ang paninigas ng panga ko sa inis. Tinanggal ng pulis ang posas. Napailing ako at hinilot-hilot ang namumulubhang pulso ko. Sobrang higpit ng pagkakakabit, para bang kriminal na agad ang tingin nila sa akin. "Pasensya na, Mr. Harris…" aniya, pero halatang may alinlangan pa rin sa boses niya. "Totoo ba ‘yang sinasabi mo? Si Mario Morales ang may kagagawan nito?" Diretso ko siyang tiningnan. Hindi ko na pinigilang sumiklab ang galit ko. "Oo. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano niya binaril ‘yong tao—walang laban, parang hayop lang kung tratuhin. At alam n’yo na rin siguro kung gaano kademonyo ang Mario na ‘yon. Pero bakit hanggang ngayon, hindi pa rin n’yo siya mahuli? Ano pa bang ebidensya ang kailangan n’yo, ha?" Nagtagis ang mga ngipin ko habang hinihintay ang sagot nila, pero ang totoo, ni hindi ko na alam kung may aasahan pa ako mula sa kanila. "Kailangan namin ng sapat na ebidensya para mahuli si Mario, Sir," sabi ng pulis sa ’kin. "Sa ngayon, kailangan mo munang magpalamig—o magtago. Tiyak na ikaw ang mapapagbintangan sa nangyari, dahil ikaw lang ang naabutan namin dito." Napamura ako sa isip. Ang linaw-linaw ng nangyari, ako pa rin ang lalabas na may sala? Biglang may isang ginang na patakbong lumapit. Halos mabingi ako sa sigaw nito. "Aljun!" Napaluhod siya sa harap ng katawan ng lalaking wala nang buhay. Umiyak siya nang paos, habang paulit-ulit na niyugyog ang anak nito. "Aljun, gumising ka! Anak, maawa ka, gumising ka naman!" Tahimik akong nakatayo sa gilid. Hindi ko alam kung ano’ng dapat kong gawin—wala na akong magagawa para sa anak niya. Tumingala siya sa ’kin. Napatitig sa duguan kong mga kamay. Kita ko sa mga mata niya ang galit, ang hinagpis. "Ikaw ang pumatay sa anak ko! Walang hiya ka!" sigaw niya. "Anong kasalanan niya para kitilin mo ang buhay niya?" Umiling ako. "Hindi ako ang pumatay sa anak n’yo!" sagot ko agad, pilit na pinapakalma ang boses ko kahit nanginginig na ako sa inis at kaba. Pero umiling din siya, mas mariin. "Tumawag sa akin ang anak ko bago siya pinatay. Ang sabi niya—may gustong pumatay sa kanya. Ang binanggit niyang pangalan? Raynier Zeun Harris!" tinuro niya ako, umiiyak. "Minsan na kitang nakita sa TV. Kaya sigurado ako—ikaw ’yon! Ikaw ang pumatay sa anak ko!" Napakuyom ang kamao ko. Hindi ko na napigilang mapamura sa ilalim ng hininga ko. "Pvta ka, Mario…" bulong ko. Lahat ng piraso ng plano niya biglang nag-click sa utak ko. Kaya pala dito niya dinala ’yong tao—sa mismong lupa na kabibili ko lang. Para kapag may nangyari, ako ang unang pagbibintangan. Gago ka talaga, Mario. Pinlano mo ’to lahat. Gusto mo akong ipitin. Gusto mong siraan ang pangalan ko. At ngayon, gusto mo akong makulong—o mapatay. Lumapit sa akin ang isang pulis. "Sir, mabigat na kaso ito. Habang may pagkakataon ka, tumakas ka na. Kami na lang ang bahala rito," mariin niyang bulong sa akin, habang panay ang lingon sa paligid. Ramdam ko ang bigat ng sitwasyon. Gusto kong manatili, gusto kong ipaglaban ang katotohanan—na hindi ako ang pumatay sa lalaking iyon, kundi si Mario. Pero alam kong wala na akong oras. Isang maling hakbang, ako ang isusunod. Napakuyom ako ng kamao habang pinipigilan ang sarili kong sumigaw. Sa huli, tumalikod ako’t tumakbo sa dilim. Tila kasabay ng bawat hakbang ko ang pagbagsak ng bigat sa dibdib ko. Pagbalik ko sa Holand, diretso agad ako sa apartment ni Zoey. Pagkabukas ng pinto, bumungad sa akin ang pinakamamahal kong si Zoey, ang kaisa-isang tao na nagpapakalma sa lahat ng kaguluhan sa buhay ko. "Kumusta ’yong nabili mong lupa sa San Agustin? Nagustuhan mo ba ang location? Kapag nagkataon, tatlo na ang subdivision na pagmamay-ari ng pamilya ninyo sa San Agustin," masiglang bati niya, may ngiti sa labi habang sumisimsim ng kape. Hindi ko siya sinagot. Sa halip, mabilis ko siyang niyakap, mahigpit. Parang gusto kong mawala na lang sa bisig niya ang lahat ng alaala ng nangyari. Ramdam kong nagtaka siya, pero hindi siya kumibo. Hinayaan niyang yumapos ako sa kanya, parang ramdam niya ang bigat sa dibdib ko. "Babe?" Mahina ang boses niya, puno ng pag-aalala. Pero bago pa man ako makasagot, biglang tumunog ang telepono ko. Unknown Number. Napatingin ako kay Zoey, sabay tango. Saglit akong lumayo para sagutin ang tawag. "Hello?" mahina kong bati. "Tumakas ka pala, Raynier..." malamig pero pamilyar na boses ang bumungad. "Pero huwag kang mag-alala. Alam kong hindi ikaw ang may sala. Alam ko rin kung sino talaga." Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. "Sino ’to?" Saglit na tumahimik sa kabilang linya. "Sabi ko na nga ba, makikinig ka... Buksan mo ang envelope sa ilalim ng upuan ng sasakyan mo. Doon mo makikita ang katotohanan." Bago pa man ako makapagsalita, pinutol niya ang tawag. Napabaling ako kay Zoey, habang nakatingin ito sa akin at nakakunot ang noo. Lumapit muli ako sa kaniya at niyakap siya. "Babe, anuman ang mangyari, tandaan mong mahal na mahal kita. Kung anuman ang maririnig at makikita mo... para sa kinabukasan nating dalawa ang gagawin ko," sabi ko habang yakap ko si Zoey. Nagtataka siya. "Ano ba ’yang pinagsasabi mo? May nagawa ka ba?" tanong niya, nakakunot ang noo. Umiling ako at kumalas sa kaniya ng yakap. Ngumiti siya ng matamis, ’yong ngiting hindi ko alam kung kailan ko ulit makikita. "Parang balisa ka, babe. Anong nangyayari?" tanong niya habang hinahaplos ang pisngi ko. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahaplos sa aking pisngi at hinalikan iyon. "Pagod lang ako sa biyahe. At gusto ko lang sabihin... papakasalan kita. Ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay." "Alam ko. Mahal din kita, babe. Gusto mo ba ng kape?" alok niya. Tumango lang ako. Tumayo siya papuntang kusina. Pinagmasdan ko lang siya habang naglalakad. Sa isip-isip ko, hinding-hindi kita pababayaan, Zoey. Kailangan kong gawin ang lahat para hindi ka galawin ni Mario. Dalawang oras akong nanatili sa apartment niya. Ayaw ko munang payagan siyang bumalik sa San Agustin. Secretarya ko siya, pero higit pa roon ang halaga niya sa akin. Pag-uwi ko sa bahay namin, sinalubong agad ako ng bunso naming si Honey. "Good afternoon, Kuya. Mabuti umuwi ka pa!" pang-aasar niya. Nilapitan ko siya, inakbayan, at kinagat ang braso niya. "Aray, Kuya! Mommy! Kinagat ako ni Kuya!" reklamo niya. "Iyakin! Dalagang tao ka na, iyakin ka pa rin," biro ko. Pero sa totoo lang, mahal na mahal ko ang kapatid kong ’yon. Isa siya sa mga matagal kong hiningi sa mga magulang namin. "Kuya naman eh! Ayan na naman ’yong bakat ng ngipin mo!" reklamo pa niya. "Raynier, nandito ka na pala," bati ni Mommy. "Tamang-tama, darating ang kapatid mo mamayang gabi." "Mabuti naman. Wala namang ginawa ’yon sa Amerika kundi mag-racing. Mas mabuti pa, tulungan niya na lang ako sa negosyo. Tuturuan ko siya kung paano patakbuhin ang kompanya." Wala silang alam. Hindi nila alam ang bigat ng pinagdadaanan ko. Pero ayaw kong ipakita. Hindi dapat sila mag-alala. Gabi na nang dumating si Raydin. Ako mismo ang sumundo sa airport. "Wow bro, mukhang lalo tayong gumagwapo ah!" bati niya. "Huwag mo na akong bulahin. Mabuti at naisipan mong umuwi. Kailangan kita. Bukas, tuturuan kita kung paano patakbuhin ang kompanya. Hindi natin alam ang mangyayari, kaya gusto kong may makuha kang kaalaman." "Wow, daig mo pa si Daddy. Pero huwag kang mag-alala, tutulungan kita," sabay tapik niya sa balikat ko. "Dapat lang. Baka bigla akong mawal—" Pinutol ko ang sasabihin ko. "May business trip ako. Ikaw na ang bahala kina Mommy, Daddy, at kay Honey. At pati si Zoey... ikaw muna ang bahala sa kanya." "Pambihira ka naman, bro. Business trip lang, pati girlfriend mo sa akin mo pa iiwan?" "Basta. Mahalaga siya sa akin. Anuman ang mangyari, huwag mo siyang pabayaan." Bilin ko sa kaniya. Pagdating namin sa mansion, tuwang-tuwa ang mga magulang namin. Kompleto ulit kami. Kumain kami ng sabay-sabay. Kompleto ang tawanan. Pinagmasdan ko silang lahat. Gusto kong ipasok sa utak ko ang bawat eksenang ito. Nang natulog na sila, kaming dalawa na lang ni Raydin ang gising. Nasa terrace kami, nagkakape. May iniabot akong kahon sa kanya. "Regalo ko. Kailanganin mo ’yan para sa proteksyon mo," sabi ko. Binuksan niya iyon at nagtaas ng kilay. "Artificial mask? Para saan ’to? Pangit naman." "Basta itabi mo. Isuot mo kapag lalabas ka. May kaso akong kinakaharap. Ayaw kong mapagkamalan ka na ako. Hindi alam nina Mommy at Daddy ang lahat. Ayaw kong madamay sila." "Bro, seryoso ka? Talagang isusuot ko ’to sa labas?" "Oo. At alagaan mo sila. Pati si Zoey." Napabuntong-hininga siya. "Parang namamaalam ka na, bro. Pero alam kong matibay ka. Basta kung hindi mo na kaya, magsabi ka. Damayan kita." Tipid lang akong ngumiti. Hindi ko siya masabihan ng lahat. Hindi pa ngayon. Pero sapat na ang alam niya para protektahan ang mga taong mahal ko. At kung sakaling hindi ako makabalik, alam kong may isang Raynier pa ring magpapatuloy para sa kanila. Si Raydin ay kakambal ko. Pero mas gusto niya sa ibang bansa kaysa mag-asikaso ng mga negosyo. Pero ngayon, kailangan niyang asikasuhin ang mga negosyo namin dahil siya na lang ang pwedeng magpatuloy sa mga pinaghirapan ko at ng mga magulang namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD