Chapter 3
Raynier
Pinuntahan ko si Zoey, sa kaniyang apartment. Nalaman ko na galing siya sa condo unit nila Mommy at Daddy. Noong nakaraan kasi binigyan ko siya ng attached teccase na may maraming pera.
Gusto ko kasi na magbakasyon muna siya sa kanila para makaiwas siya kay Mario. At ang pera na ibinigay ko sa kaniya para sana iyon panimula niya na negosyo sa lugar nila para hindi na muna siya rito bumalik San Agustin. Ayaw ko malagay sa kapahamakan ang buhay niya.
Galing ako sa condo unit ng kapatid ko na si Raydin. Medyo nakainom ako. Tinawagan ako ni Mommy na pumunta roon si Zoey at ibinigay nito ang pera na ibinigay ko sa kaniya sa mga magulang ko. Kaya sakay ng aking motorbike pumunta ako sa apartment ni Zoey.
Pagdating ko roon masakit na tingin ang ibinungad niya sa akin sa pintuan.
"Ano ang ginagawa mo rito? Ayaw na kitang makita pa!" galit nitong sabi sa akin.
"Babe, mag-usap naman tayo. Ilang araw mo na akong hindi kinakausap," sabi ko sa kaniya
"Wala na tayong pag-uusapan pa, Raynier. Sinira mo ang relasyon nating dalawa. Huwag mo akong hawakan dahil nandidiri ako sa'yo!" galit na galit nitong sabi sa akin na para bang pinandidirihan niya ako.
"I'm sorry, pero kailangan kong gawin iyon dahil-"
"Dahil kaya mo akong lokohin! Nakikipag-s*x ka roon sa babaeng iyon tapos magpapaliwanag ka pa sa akin? Uutuin mo na naman ako? Ibinalik ko ang pera mo sa mga magulang mo. Hindi mo ako masusuhulan dahil alam mo na minahal kita. Hindi ko kailangan ang pera mo, hindi ko kailangan ang taong manloloko!" Tuluyan na nga siyang napahagulgol habang sinusumbat niya iyon sa akin.
Hinawakan ko ang kamay niya at kinabig ko siya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Alam ko na sobra siyang nasaktan ng makita niya kami ni Sheila na naghahalikan.
"Babe, mahal na mahal kita. Patawarin mo ako. Subalit kailangan kong gawin iyon, kailangan ko si Sheila, para sa kaligtasan mo. Patawarin mo ako hindi ko sinasadya na saktan ka," umiiyak ko na rin na paghingi ng sorry kay Zoey.
Ayaw kong saktan ang damdamin niya. Napapahagulgol pa siya sa balikat ko. Sobrang nasasaktan ako dahil nasaktan ko ang babae na mahal ko at iniingatan ko.
"Anong nagawa ko para lokohin mo ako? Sabi mo sa akin hindi mo ako lolokohin. Kaya pala binigyan mo ako ng gano'n kalaking halaga gusto mo umuwi ako sa San Luiz dahil gusto mo pala akong lokohin, para hindi ko makita ang panloloko mo sa akin!" umiiyak niyang sabi sa akin.
Malakas niya akong itinulak na naging dahilan para kumalas ako sa kaniya ng yakap.
"Mali ang iniisip mo. Mahal na mahal kita, Zoey. Hindi ko sinasadya na saktan ang damdamin mo," sabi ko pa sa kanya.
"Sinaktan mo na ako, Raynier. Wala na tayong dapat pang pag-usapan.
Umalis ka na rito! Ayaw na kitang makita pa!" galit nitong pagtataboy sa akin.
"Hindi ako aalis rito hangga't hindi mo ako mapapatawad!" sabi ko sa kaniya.
"Kung hindi ka aalis, ako ang aalis!" galit nitong sabi sa akin. Tinulak niya ako at lumabas siya ng gate.
Nakita ko sa hindi kalayuan na may taong nagmamasid sa aming dalawa ni Zoey. Nang makita nito na pumara si Zoey ng taxi agad itong sumakay sa motor bike nito.
Malakas ang loob ko na tauhan ito ni Mario.
Dali-dali rin akong sumakay sa motorbike ko at sinundan ko si Zoey.
Shit! Halatang si Zoey, ang pakay ng lalaking iyon. Ilang minuto pa kami na nagkakakarerahan ng naka-motor bike.
Umuna ito sa sinasakyan ni Zoey na taxi. Huminto ito sa hindi kalayuan sa gilid ng kalsada.
Kitang-kita ko ang pagbunot niya ng baril. Kay Zoey iyon nakatutok. Binilisan ko ang pagpatakbo ng aking motorbike. Inunahan ko ang taxi na sinasakyan ni Zoey. Nang nauna na ako sinalubong ko ang taxi.
Wala na akong pakialam kung ano ang mangyari. Bago pa makalapit ang taxi na sinasakyan ni Zoey, sa lalaki ay binundol ko ng malakas ang lalaki at tumalisik ito sa gilid ng kalsada. Subalit hindi ko na kontrol ang motor bike ko, kaya malakas itong sumalpok sa taxi na sinasakyan ni Zoey.
Tumalsik ako sa kalsada. Kitang-kita ko kung paano bumangga ang motor bike ko sa taxi. Nakita ko kung paano basagin ng motorbike ko ang salamin ng taxi. Hindi ko alam kung mabubuhay pa ang sa loob dahil sa lakas ng impak.
"Zoey!" sigaw ko subalit sa isip ko na lang iyon. Ilang sandali pa dumilim na ang paligid ko at hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari.
Nagising na lang ako sa isang hindi pamilyar na silid. Inilibot ko ang aking paningin sa kulay puti na kisame.
Parang wala pa ako sa aking sarili. "Dude, kilala mo ba ako?" tanong sa akin ng isang nakaputing lalaki.
Malabo ang paningin ko. Hindi ko sinagot ang tanong niyang iyon. Subalit tiningnan niya ang aking mga mata at inilawan niya ito.
Kung hindi ako nagkakamali siya ang doktor ko.
"Dok, kumusta ang anak ko?" boses ni Mommy.
"He is unconscious, Mrs. Harris," narinig ko na sagot nito kay Mommy.
"Raynier, anak. Mabuti gising ka na," umiiyak na sabi ni Mommy.
Hindi ko maigalaw ang buo kong katawan. Parang namamanhid ito.
Maya-maya bigla na lang bumalik sa akin ang nangyari.
"Zoey!" banggit ko sa pangalan ng girlfriend ko.
"Doc, anong nangyayari? Bakit bumababa taas ang heartbeat ng anak ko?" nag-aalalang tanong ni Mommy sa doctor ko.
"Lumabas muna kayo, Misis Harris. Ako na ang bahala sa anak ninyo," sabi ng doktor ko kay Mommy.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Mommy.
"Si Zoey, Mom?" mahina kong tanong subalit alam ko na naririnig niya iyon.
Umiiyak lang si Mommy habang tinitingnan ako.
Tinurukan ako ng doctor ko. Ilang sandali pa parang hinihila ang mga mata ko ng antok. Nakatulog ako at hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Zoey.
Subalit hanggang sa panaginip ko galit pa rin na sinusumbatan ako ni Zoey. Hanggang sa muli akong nagising.
Maliwanag na ang paningin ko at nakaupo si Mommy at Daddy sa aking tabi.
"Anak, mabuti gising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Daddy sa akin.
"Oh, thank God at gising ka na, anak," wika naman ni Mommy.
Gusto kong bumangon subalit pinigilan ako ni Daddy.
"Huwag ka munang bumangon dahil malaki ang mga sugat na natamo mo," sabi sa akin ni Daddy.
"Si Zoey? Kumusta si Zoey, Dad?" tanong ko kay Daddy.
"Huwag kang mag-alala kay Zoey dahil okay lang siya," sagot sa akin ni Mommy.
"Dad, Mom, promise me na huwag niyong pabayaan si Zoey, please? Gusto ko ikasal si Zoey at Raydin, kung may mangyari man sa akin na masama," pakiusap ko sa mga magulang ko.
"Anak, huwag ka magsalita ng ganiya,n" umiiyak na sabi sa akin ni Mommy.
"Mangako kayo sa akin, Dad, Mom. Huwag niyo pabayaan si Zoey," sabi ko sa kanila
Umiiyak na lang si Mommy, habang hinahaplos ang aking buhok.
Ilang sandali pa pumasok ang aking doktor. Napangiti ako ng mapagsino ang doktor ko.
"Mom, Dad, pwede bang iwanan niyo muna ako?" pakiusap ko sa mga magulang ko.
Tumango-tango naman sila at lumabas ng aking silid dito sa hospital.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ng aking doktor sa akin sabay tapik nito sa balikat ko.
"Hihingi sana ako ng favor sa'yo," seryoso kong sabi rito.
"Ano iyon?" tanong nito sa akin.
"Bago iyan gusto ko malaman kung kamusta si Zoey?" Nag-aalala kung tanong para kay Zoey.
"Limang araw na siyang hindi pa nagigising. Subalit ayos naman ang vital sign niya." Nalungkot ako sa sagot na iyon sa akin ni Dr. Dixon. Kung gano'n limang araw na rin pala ako sa ospital na ito
"Pero sigurado ba na magigising siya?" painigurado kong tanong sa kaniya.
"Malakas ang tama niya sa ulo. Pero huwag kang mag-alala lumalaban naman siya. Ang totoo comatose siya. Subalit ginagawa ko naman ang lahat para maligtas siya."
Parang pinanghinaan ako ng loob sa sinabing iyon ng kaibigan kong doktor. Si Dr. William Park Dixon, ang matalik king kaibigan simula noong high school kami ni Raydin. Magkaiba kasi kami ng school ni Raydin noon dahil sa ibang bansa siya nag-aral ng high school.
"Please, gawin mo ang lahat na maligtas si Zoey," pakiusap ko sa kaniya.
"Magpagaling ka. Mabuti hindi malala ang natamo mo. Ano ba ang nangyari?" tanong ni Dr. Dixon sa akin.
"Tulungan mo ako. Palabasin mo na namatay ako. May nakabangga akong malaking sindikato. Papatayin niya si Zoey o sinuman ang malapit sa akin. Kailangan niyang isipin na namatay na ako. Ikaw lang ang makakatulong sa akin," wika ko kay Dr. Dixon.
"Paano ko naman gagawin iyon? Alangan naman na papatayin kita?" naguguluhan nitong tanong sa akin.
"Doctor ka, kaya bahala ka na kung anong gagawin mo basta kailangan mapalabas na patay na ako. Para hindi malagay sa alanganin ang buhay ni Zoey at ng pamilya ko kapag nalaman ni Mario na patay na ako," pakiusap ko pa sa kanya.
Alam ko na titigilan ni Mario ang pamilya ko kapag nalaman niya na patay na ako.
Bumuntong hininga ito ng malalim.
"Pag-isipan mo muna ang gagawin mo. Hindi basta-basta itong gagawin mo. Alam ko kung paano ka patayin, ang ibig kong sabihin alam ko kung paano pansamantalang pahintuin ang hininga mo. Subalit kailangan pag-isipan muna natin ng mabuti," sabi pa nito sa akin.
"Ikaw lang ang pwedeng tumulong sa akin William. Alam ko na magaling kang doktor. Subalit kailangan kong mamatay para sa pamilya ko, sa buhay nila. Kaya ko malayo sa kanila, pero ang hindi ko kaya ang may mangyaring masama sa kanila. Lalo na si Zoey. Kaya tulungan mo ako na lutasin ang problema ko," pakiusap ko kay William.
Bumuntong hininga siya ng malalim. "Sige, pagplanuhan natin ang gusto mong mangyari." Natuwa naman ako sa tugon niyang iyon sa akin.