Malalaki ang mga hakbang na pumasok si Hailey sa computer shop na nasa labasan lang ng Ateneo university kung saan siya pumapasok ng hapong iyon.
Dati na siyang tinext ng boyfriend niyang si Dave na magpunta doon kaya kahit labag sa kalooban niya just like the old times umo-oo na lang siya sa lalaki.
Sa sobrang pagmamadali ay hindi niya sinasadyang makabungguan ang lalaking noon ay eksaktong tumayo habang nakaharap sa computer nito.
Nalaglag pa ang dala niyang project sa major subject niya kaya't kaagad niya iyong dinampot. Akmang pupulutin niya ang ID niyang kasamang nalaglag ng maunahan siya ng nakabanggaan.
At nang tumayo at mag angat siya ng tingin para kunin iyon dito ay ganoon na lang ang pagsinghap niya. Si Mr bastos na manyak kasi iyon and this time nakangisi muli itong nakatitig sa hawak-hawak nitong ID niya.
"Hailey Kirsten Tejano.
4th year BS in Electrical engineering."
Nakangising basa nito sa ID niya. Nagngingitngit ang pusong inagaw ko iyon dito pero kaagad na nakailag ito dahilan para mahawakan ako nito sa kamay.
"Oops. Sorry. Wala akong kasalanan, baka iniisip mo na namang minamanyak kita." aniyang nakangisi talaga.
Sambakol ang mukhang pilit kong inaagaw ang ID dito hanggang sa makorner ko ito sa gilid ng shop.
Natigilan ako ng magkadaiti ang mga balat namin na siyang nakapag bilis ng pintig ng puso ko, ang mga mata nito'y nakatitig sakin habang nakaangat ang isang kamay nito dahil sa ID ko na hawak nito.
"You know what, you have the pair of the most expressive eyes." anitong inilapit ang mukha nito sa mukha ko.
Kinakabahang lumayo ako dito dahil pakiramdam ko ay napapaso ako sa titig nito idagdag pang napakalapit ng mukha nito sa mukha ko.
"Akin na ang ID ko." mabigat ngunit maawtoridad na sabi ko dito.
Minsan ko pang nakitang ngumisi ito hanggang sa pumasok sa secret room ng computer shop, sumunod ako dito para makuha ang ID ko dito pero pagpasok namin ng secret room ng shop ay bigla ako nitong hinapit sa baywang.
Nanlalaki ang mga matang pilit akong pumipiglas sa pagkakayapos nito. Naramdaman ko ang likod ko na sinandal nito sa pader habang abot langit ang kaba ng dibdib ko.
"You know what, you're driving me crazy Hailey." parang namamaos na bulong ng lalaki sa pagitan ng tainga ko.
Ang kamay pa rin nito ay nasa baywang ko habang nakatungkod ang mga kamay ko sa dibdib nito. Halos hindi ako makahinga sa pagdadaiti ng mga balat namin idagdag pang kanina pa nagwawala ang puso ko dito.
Nagulat ako ng saklitin nito ang mukha ko at halikan ako nito sa labi. Mapang akit at marahas. Nanlalaki ang mga matang natigilan lang ako sa ginawa nito habang nakasandal sa pader.
Nang makakuha ako ng lakas ng loob ay pinadapuan ko ito ng malakas na sampal, hindi lang isa kundi dalawang mag asawang sampal.
"Pervert! Stupid! Idiot! Bastos!" kusang lumabas iyon sa bunganga ko habang dumadagundong pa rin ang kaba sa dibdib ko.
Nang balingan ko ang lalaki ay hawak-hawak nito ang nasampal kong pisngi nito habang nagtatangis ang mga panga.
Mabilis akong lumabas ng secret room ng shop at muling natigilan ng makita ko sa labas si Dave. As usual kasama nito ang mga kaibigan nitong sina Miko.
"Oh babe, nandiyan ka na pala. Tara na sa loob." anitong inakbayan ako.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod dito pagpasok. Natigilan lang ako ng makita ko iyong lalaking bastos na nakatingin sa amin.
Madilim ang mukha nito habang nakatingin at nakakuyom ang isang kamao. Napasinghap pa ako ng mapagtanto kong hawak-hawak nito ang ID ko at nakangising ibinulsa iyon.
Wala akong nagawa kundi matalim na tingnan ito hanggang sa makaupo ito sa katapat ng boyfriend kong si Dave habang nakaharap sa computer nito.
Ibig sabihin ito ang ka one on one kalaban ng boyfriend niya? Muling napuno ng ingay ang secret room ng shop ng pumasok sina Ron, kilala ko ito dahil kaklase ko ito.
Pinagtaasan ko ito ng kilay ng makita kong tinapik nito sa balikat iyong lalaking kanina ay mapangahas na hinalikan ako at tsaka naupo sa tabi nito.
Magka ano-ano kaya ang mga ito? naisip ko habang nakamasid sa mga ito. Nabaling lang ang atensyon ko sa boyfriend kong si Dave ng umungot ng kiss, pampaswerte daw.
Wala namang kaso iyon sakin pero aywan ko ba't pagkatapos akong bigyan ng smack kiss ni Dave ay nakita kong muling nagdilim ang anyo ng lalaking katapat nito.
Hindi naman siguro ako namamalik mata pero I swear nakita ko talaga itong kinuyom nito ang kamao nito!
Madilim ang mukhang binaba ni Drake ang mga mata sa kaharap na computer. Naiinis siya't parang gustong sugurin si Dave kung maaari lang sana.
He saw he kissed Hailey. f**k! Gusto niyang siya lang ang gumagawa non sa babae at masakit sa dibdib niyang may ibang nakakahawak dito.
"Sa tingin mo matatalo mo ngayon si Dave? Look oh, at talagang sinama pa niya ang girlfriend niya na crush mo." nakangising bulong sa kanya ng pinsan niyang si Ron.
Tiningnan ko ito ng masama bago tumingin sa gawi ng kalaban. "Don't you have trust on me? Bukas makalawa akin na siya." sagot ko dito na lalong nakapagngisi sa pinsan.
Well, hindi naman siguro masamang pangaraping agawin ang babae.. What Drake wants - he gets it all the time, iyon ang kasahihan niya.
"Better luck next time bro, pano ba 'yan? This time nganga ka. Bye!" nakangising asar sa kanya ni Dave ng gabing iyon matapos akbayan si Hailey na walang kagana ganang nakasunod dito.
Hindi ko dinaramdam ang pagkatalo sa laro pero naninikip lang ang dibdib kong makita kong hawak-hawak ng lalaki ang babaeng pinangarap ko.
Minsan ko pang narinig ang pagtawa ni Dave matapos lumabas ng shop nakasunod lang ang tingin ko dito kahit na nang makasakay na ito at ni Hailey sa dala nitong Honda civic.
Nag aalala ako para sa babae, alas otso na nang gabi natapos ang laro nila at naka uniform pa ito habang nakaupo sa tabi ng boyfriend nito kanina.
Banaag nga sa mukha nito ang pagka bored pero halatang napipilitan lang itong samahan ang boyfriend sa computer shop. Ngayon ko lang napagtantong totoo lahat ng sinabi ng pinsan kong si Ron.
"Ano? Nakita mo na, mukhang malakas talaga ang hatak sayo ni Hailey ah natalo ka tuloy sa laro niyo ni Dave." nakangising saad ng pinsan niyang bagong labas lang ng shop.
Hindi ko ito pinansin bagkus ay binato ko dito ang hawak-hawak na susi ng Sedan Tanzanite Blue BMW. Nakangising sinalo iyon ni Ron na siyang nag drive ng kotse.
"Huwag mong sabihing iniisip mo pa rin si Hailey?"
Hindi ko pinansin ang pinsang kanina pa nakangisi sa akin. Alam kong nang aasar lang ito, mabigat ang mga matang sumandal ako sa backrest ng passenger seat at pumikit.
Saan na kaya dadalhin ni Dave ang babae? Uuwi na kaya ang mga ito? s**t! Napamura siya sa naisip. Bakit ba hindi niya mapigilan ang sariling huwag mahulog sa babae?
Nag iwas ng mukha si Hailey para hindi dumampi sa labi niya ang halik na iyon ng kanyang boyfriend. Heto na naman siya, alam na nga niya kung gaano ito ka addict sa online games pero wala siyang magawa para magbago ito.
Kiming nginitian niya ang lalaki bago lumabas sa kotse nito. Hindi na bago sa kanya ang ganoong set up, mas cold pa sa freezer. Hanggang sa maisara niya ang pintuan ng kotse nito ay hindi siya nito kinibuan.
Mabigat ang dibdib na pumasok siya sa gate ng bahay nila at hindi na ito nilingon pa. Maya-maya'y narinig niya ang ugong ng papalayong kotse nito.
Sino bang matinong boyfriend ang ipaparamdam sa girlfriend nito ang pambabalewala? Wala. Tanging si Dave lang iyon at hindi naman siya estupida para hindi iyon maramdaman pero wala eh.. Mahal niya ito.
"You're here. Katatapos lang naming mag videocall ng mommy mo, sayang hindi mo tuloy siya nakausap. Bakit ba kasi late ka na umuwi?"
Matapos ilapag ang bag sa sofa ay pikit matang sumandal ako doon, naramdaman kong tumabi sakin si Arianne ang pinsan kong doktor na kasama ko sa bahay.
"I guess I know the answer, sinamahan mo na naman si Dave sa computer shop ano?"
Hindi ko na sinagot ang pinsan. Mas matanda ito sa akin ng dalawang taon pero mas prefer naming tawagin ang isat isa by our first name ganoon kami ka close since childhood.
At alam nito lahat ang nangyayari sa school at sa lovelife ko ito lang kasi ang pinaka swabeng pinsan na nakakaintindi sakin.
"I told you to stay away from Dave. Kita mo ngang walang patutunguhan ang buhay ng spoiled brat na batang iyon ni hindi ko nga alam kung bakit iyon ang sinagot at minahal mo sa dami ng nagkakandarapa sayo dati." muling saad nitong banaag ang disgusto sa boses nito.
Totoo naman kasi ang sinabi nito, sa dami ng manliligaw niya dati kay Dave lang siya tinamaan ng husto at ang akala niyang mala fairy tale na pag iibigan ay never pa niyang naranasan dito.
"Anyway, hindi ako nagsasawang ipanalangin ka kay Papa Jesus na sana ibigay na niya ang nakatakdang oras para maimulat mo na ang iyong mga mata para iwan ang lalaking iyon. Duh! Gwapo nga mukhang engot naman!"
Dinilat ko ang mga mata para tingnan ang pinsan, nakangisi ito at nakatitig lang sa kanya. Nginitian ko ito at inabot ang kamay nitong nakatunghay sa kanya, well atleast blessed pa rin siyang may pinsan siyang nandiyan lang sa tabi niya.
"Ang sabi ni tita nag follow up daw siya sa embassy kanina and guess what! Malapit ka na niyang makuha sa Amerika!" malapad ang ngiting binalingan ako nito matapos maghain ng pagkain.
Bigla akong nagutom sa amoy ng niluto nito kaya hindi ko ito nasagot, well knowing her mom lahat talaga gagawin nito makuha lang siya sa Amerika.
"Sabi ko nga sana sa madaling panahon makuha ka na niya para chance mo ng maiwan 'yang boyfriend mong walang ibang ginawa kundi bigyan ka ng sakit ng ulo." nakaingos na saad muli nito.
Nginisian ko lang ito, mabigat talaga ang dugo nito sa boyfriend niya at wala na siyang magagawa doon besides talaga namang kahit na sino maaawa lang sa kanya kapag nalaman kung gaano siya nahihirapan sa set up nila ng boyfriend niya.
"Anyway, change topic tayo. I have this patient na sobrang makulit, naaalala mo iyon?" anitong abot hanggang mata nito ang ngiti.
Tumatangong tumingin ako dito habang nginunguya ang pork adobong niluto nito. Wala akong masabi, maganda na nga ang pinsan niya - Doktora na't masarap pang magluto.
"Ito na nga, nagpunta siya ng clinic kanina just to give me flowers and food. Nakakakilig hindi ba?" anitong parang batang nagkwekwento ito.
Tinirik ko ang mga mata dito matapos pandilatan ito. Iniinggit ba siya nito?
"Nanliligaw na ba?" nakataas ang isang kilay na tanong ko dito.
Napalis ang ngiting tinitigan ako nito. Nginisian ko ito ng makita ang pagbabago ng awra nito, ah. Mukhang olats din ito gaya niya.
"Hayaan mo kapag nakapunta ako ng Amerika hahanapan kita ng puti para naman sumaya na ang buhay mo. Haler, ilang taon ka na po pero wala ka pang boyfriend." nakangising saad ko dito.
"Mas okay ng single kaysa naman naka in a relationship pero hindi masaya gaya mo, ano?!" masungit na saad nito.
Sabay kaming nagtawanan ng pinsan habang ninanamnam ang buto ng kinakaing adobo..
Chili spice adobo para sa mga lalaking hindi pa nakikita kung gaano sila kasarap mahalin ng seryoso.
Nakahiga na si Hailey sa malambot niyang kama ng gabing iyon ng tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon sa bag niya at binasa ang text ni Dave.
Wala, simpleng goodnight lang iyon na halatang walang kabuhay-buhay pa.
Mabigat ang dibdib na binalik niya iyon sa bag niya ng mapansin niya ang isang hindi pamilyar na gamit.
ID.. Tama, ID nga iyon, ganoon na lang ang pagsinghap niya ng makita iyon.
"Drake James Montenegro. 4A BS in Business Administration."
Ganoon na lang ang pagbilis ng kaba sa dibdib niya ng mabasa iyon.. Drake pala ang pangalan ng lalaking iyon.
Nakahiga na tinitigan niya ang ID ng lalaki, sa Ateneo din pala ito nag aaral at hindi kalayuan sa building nila ang department ng mga ito.
Nakasunod ang mga matang tumitig ako sa mukha nito, wala sa harapan niya ang lalaki pero bakit ganon? Ang lakas pa rin ng kaba sa dibdib niya.
Ang mga mata nito ay parang nangungusap sa kanya habang ang labi nito ay..
Shit! Tinapon niya sa kawalan ang hawak na ID ng lalaki matapos sumagi sa isipan niya ang mapangahas na paghalik nito sa kanya.
Makakaganti din siya. Not now, but soon.
"Hoy, Ronielle Montenegro De Castro. Samahan mo ako sa magaling mong pinsan ngayon na. Ibabalik at kukunin ko lang yung ID kong sinibad niya sakin noong nakaraang araw!"
Matapos mapagtantong mag pinsan ito at ng lalaking bastos na iyon ay kaagad kong nilapitan ang lalaki. Kaklase ko ito at medyo kilala din ito sa pagiging babaero nito,
Mukhang it runs in their blood. Balita ko kasi gaya din nito ang pinsan nitong babaero ang pinagkaibahan lang siguro ng mga ito ay ang estilo para makaakit ng babae.
"Hoy Hailey ah, kung anong namamagitan sainyo ng pinsan ko huwag na huwag mo akong idadamay." nakangising sagot nito.
Sambakol ang mukhang tumingin ako dito. Kasama nito ang bagong girlfriend nitong si Anika na mukhang pinaglihi sa make up sa sobrang pula ng nguso nito.
"Okay fine! Sabihin mo na lang sakin kung saan ko makikita ang magaling mong pinsan!" matigas ang boses na tanong ko dito.
Muli ay ngumisi ito. Tumayo at tinitigan ako. "Don't tell me, nafo-fall ka na sa pinsan ko." anitong nakangisi pa rin.
Tinabig ko ang kamay nito at lumayo dito hindi kasi nakaligtas sa akin ang pagtaas ng kilay ng girlfriend nito. Duh! Akala mo naman aagawin niya dito ito!
"Puwes nagkakamali ka sa sinasabi mo Mr De Castro! May boyfriend ako at kahit pa siguro wala akong boyfriend never kong magugustuhan ang pinsan mong bastos!" matigas na sabi ko dito at tinalikuran ito.
Napatigil lang ako sa paglalakad ng humalakhak at magsalita ito.
"Huwag mo masyadong isipin ang pinsan ko wala siya ngayon."
Nagngingitngit ang kaloobang pinagpatuloy ko na ang paglayo dito. Wala din palang silbi ang paghahanap ko sa lalaki!
Naiinis na inabot ko ang bag at lumabas ng room, talaga yatang sinumpa ang linggong iyon sa kanya bukod na sa hindi siya pinapansin ng boyfriend niya hindi pa niya makita ang lalaking nagmamay ari ng ID na iyon!
Lumabas siya ng university na dala ang bigat sa dibdib niya. Dalawang araw na siyang hindi tinetext ng boyfriend niyang si Dave at as usual parang okay lang dito ang ganoong set up.
Napaka tanga niya lang talaga siguro at pumapayag pa rin siyang huwag i-break ito kahit na ramdam niyang hindi na siya mahal nito.
Nasa ganoong malalim na pag iisip siya ng magulantang siya sa malakas na pagbusina mula sa likuran niya salubong ang kilay na nilingon niya ito at ganoon na lang ang pagbabago ng timpla ng mukha niya ng makita ang hinahanap na lalaki.
Ngumisi ito matapos kumaway sa kanya, alam niyang siya ang kinawayan nito dahil mag isa lang siya sa waiting shed sa labas ng university nila.
Sambakol ang mukhang nilapitan ko ito habang hawak-hawak ko ang ID nito.
"Mr Montenegro mabuti naman at nagpakita ka, ibabalik ko lang itong ID mo nagkapalit kasi tayo ng araw na iyon sa shop ng --
Napaawang ang labi ko ng bigla ay haplusin nito ang pisngi ko matapos sumandal ito sa mamahaling motorbike nito.
Hanep din sa gamit ang lalaki, halos noong isang linggo naka red sports mustang lang ito pero ngayon naka motorbike ducatti naman ito.
Binalik ko ang tingin dito ng akmang ikakabit na nito ang helmet sa ulo. Gulat na napatingin ako dito matapos irapan ito.
"Hindi mo ba narinig? I need my ID nagkapalit tayo!" maawtoridad na sabi ko dito.
Pero wala akong nakuha na sagot dito bagkus ay sinuot nito ang dalang helmet at sumampa sa motor bike nito.
"Hoy, saan ka pupunta?" mabilis kong pinigilan ito sa braso.
Bigla ay nakaramdam ako ng pagkahiya at kaagad na inalis ang kamay dito ng tumingin ito doon.
"Ang sabi kasi ni Ron hinahanap mo raw ako. I even rushed myself coming up here tapos papagalitan mo lang pala ako."
Hindi ko alam kung nang aasar ang lalaki o kung ano pero iba kasi ang timbre ng boses nito para itong nagtatampo na hindi ko mawari. Matapos maipilig ang sariling ulo ay tiningnan ko ito.
"Alright. Once and for all, I just want to ask for the --
Hindi ko na naituloy ang iba pang sasabihin ng buhayin nito ang makina ng motorbike bike nito at pinasibad iyon palayo.
Naiwan akong naguguluhan sa tabi ng kalsada. Seriously? Ganoon ka bastos ang lalaki? Wala akong nagawa kundi sundan ng tingin ang papalayong motorbike nito.
Ang bastos talaga bulong ko at pinara ang taxi'ng paparating.
Lalong naging sambakol ang mukha ko ng maipit kami sa traffic. Pasado alas sais na nang gabi at rush hour na kaya traffic na naman sa edsa.
Sumandal ako sa backseat ng taxi at sandaling pumikit, napadilat lang ako ng makarinig ako ng katok sa salamin ng backseat kung saan ako nakaupo binaba ko ang salamin na iyon para matukoy kung sino ang kumatok.
Nagulat ako ng bahagya ng maramdaman kong may pumisil sa pisngi ko at ng tingnan ko ang nagmamay ari ng kamay na iyon ganoon na lang ang pagkaba ko.
Lalo na ng ibaba nito ang suot na helmet at kinindatan niya ako. Kay bilis ng pagbayo ng dibdib ko sa simpleng ginawa nito.
Kindat lang iyon pero parang mahuhulog na ang puso niya sa pagkakatitig sa lalaki, napaka gwapo talaga nito at talagang habulin ng babae ang dating nito.
"Hija, boyfriend mo ba iyan? Aba siguro nag away kayo ano kaya nag taxi ka na lang at hindi na umangkas sa motorbike na dala niya."
Napatingin ako kay mamang taxi driver. Siguro nakita din nito ang ginawa ng lalaki mula sa labas ng taxi nito.
Minsan ko pang inirapan ang lalaki bago naglakas loob na pakyuhan ito. Nakita ko ang pagngisi nito na lalong nagpabulsok sa damdamin ko.
Ah! Napaka gwapo talaga nito lalo na kung nakangiti ito! Nang umandar na muli ang makina ng taxi ay kaagad kong sinara ang salamin non habang sapo ang dibdib ko.
Ang lakas talaga ng dating ng lalaki sa kanya!
"Manong salamat po." nakangiting iniabot ko sa tsuper ng taxi ang bayad sa metro ng taxi nito.
Matapos ang isa't kalahating oras ay nakarating din sila sa labas ng bahay nila. Akmang bababa na siya ng taxi ng magbukas ang pinto non.
Muli ay tinakasan siya ng mabilis na pintig ng kanyang puso ng mapagsino ang lalaking nakatayo sa labas ng taxi. Hindi ko inalis ang tingin sa lalaking nakangisi pa rin habang hawak ang helmet nito.
Sinundan ba siya ng lalaki sa bahay nila? Pero bakit? Nakita kong sumaludo pa ito sa taxi driver na naghatid sa kanya muli ay nilukob ng kaba ang dibdib niya ng maiwan silang dalawa.
"Ito pala ang bahay niyo? Nice house. Kulang na lang siguro ng asawa para matawag na home." nakangising sabi nito na nakatingin sa bahay nila.
Hindi ko ito pinansin, bagkus ay tinalikuran ko ito at naglakad palapit sa gate ng bahay.
"Hey, aren't you going to talk to me nicely?"
Napatigil ako sa paglalakad at unti-unti ay hinarap ko ito. Nakataas ang isang kilay habang pilit na kino-compose ang sarili dito.
"Kung nandito ka para asarin ako puwes umuwi ka na --
"Ops. Napaka seryoso mo naman po Miss Tejano. Easy lang - naiinlove ako." aniyang nakangisi talaga ito.
Pinagtaasan ko ito ng kilay. Really? Napaka straight forward naman magsalita nito, siya? Naiinlove?
"Yung tungkol nga pala sa ID mo pasensya na ngayon ko lang nai--
Hindi ko na pinatapos ang iba pa nitong sasabihin, inagaw ko dito ang ID ko at mabilis na lumayo dito.
Kaso nakorner nito ako at Isinandal sa gate ng bahay . Ang lakas ng kaba ng dibdib ko ng unti-unti nitong inilalapit ang mukha nito,
Hindi natuloy ang paghalik nito ng makarinig ako ng pagtikhim, kaagad tinakasan ng hiya ang dibdib ko ng makita kong nakatayo ang pinsan ko.
Nagpalipat lipat ang tingin nito sa aming dalawa noon lang ako nakakuha ng pagkakataong itulak ang lalaki palayo.
Naramdaman ko ang paghila ng pinsan ko sa kamay ko ng buksan nito ang gate naiwan sa labas ang lalaki na maang na nakatitig lang kanina.
"Sino iyon?"
Hindi ko na sinagot ang pinsan ko bagkus ay malalaki ang mga hakbang na pumasok ako ng bahay dumiretso sa kusina.
Tsaka lang ako kumalma ng makainom ako ng tubig . Geez! Ano bang nangyayari sa kanya?
"Hoy, sino nga iyong gwapong lalaking naghatid sayo kanina?"
Tiningnan ko ng masama ang pinsang si Arianne. Basta gwapo pasok talaga sa panlasa nito.
"Excuse me pero hindi niya ako hinatid!" nagdadabog ang mga paang humakbang ako palabas ng kusina.
"Ha? Eh ano pala? Bakit nasa labas kayo ng bahay? At bakit yakap-yakap ka niya?" tila nasisilihang tanong ng pinsan na sumunod sa kanya.
Hindi ko pinansin ang pinsan,bagkus ay hinablot ko ang bag sa sofa at nagmartsa papasok ng kwarto ko. Narinig ko ang pagtawag nito sa pangalan ko pero hindi ko na ito nilingon pa.
Napasandal ako sa pintuan ng kwarto ng makapasok ako. Bakit ba ang lakas pa rin ng pagkabog ng dibdib niya? At bakit patuloy siyang hinaharass ng lalaking iyon?
Matapos inumin ang laman ng baso ay kaagad siyang pumasok sa shower room. Kailangan lang siguro niya ng shower para mahimasmasan ang puso niya.
Nakangising sumampa sa dalang motorbike si Drake ng gabing iyon nasa labas pa rin siya ng bahay ng babae at aaminin niya natutuwa talaga ang puso niyang nakikita ito.
Nakangising binuhay niya ang makina ng motorbike nito at pinasibad iyon, alam niyang wala sila ng babae pero masaya ang puso niya.. And he might taking risk of his heart.
"Mabuti naman at nagdala ka ng pagkain grabe halos magreklamo na ang tiyan ko sa kakakain ng noodles 'no?"
Nginisian ko ang pinsang si Ron ng abutin nito ang binili kong pagkain sa isang fast food chain kanina, kaagad naming pinapak ang fried chicken at nuggets ng halos sabay.
"Happy ka yata, nakangiti ka all the time habang nakatingin diyan sa hita ng manok?" sarkastikong saad ng pinsan niya.
Nginisian ko lang ito at binato ang buto ng manok dito, nakangising umilag naman ito habang tangay ang nuggets. Dude! He is inlove!
"Siyangapala, nagyayaya ulit si Dave ng rebutt. Pursigido ka talagang talunin nong tao." tawang tawa ito na naupo muli sa tabi niya.
Tumatangong tumingin ako sa pinsan habang iniisip ang susunod na laban kay Dave. Sa isip ko'y bibigyan ko ito ng isang malupit na laban.
Iniwan kong nakangisi si Ron habang nakasunod ang tingin nito. Well, I gotta have some sleep before I end Dave game!
"Drake. Wait!"
Sandaling nilingon ni Drake ang nagmamay ari ng tinig na iyon, it's Cassie. Ex niya ito at hindi niya alam kung bakit this past few days ay lagi itong nakabuntot sa kanya.
Napagkakamalan tuloy ng mga nakakakita sa kanila na nagkabalikan ulit silang dalawa, buntong hingang hinintay kong makalapit ang babae na noon ay may dalang mga libro.
"Are you going home? Can you please help me carry this books?" nakangiting sabi nito.
Kahit wala na kami nito ay ayoko namang maging bastos kinuha ko dito ang librong buhat nito at mabilis na naglakad palabas ng school.
"Drake puwede mo ba akong ihatid sa bahay ngayon? Er.. Kung okay lang sayo ha kasi --
Tiningnan ko ang babae. Hindi ko alam kung anong pakay nito pero hindi na uubra sa kanya ang charm nito, ang ex ay nananatiling ex na lang sa kanya.
"May pupuntahan pa kasi akong iba, I'm sorry but I can't fetch you home." malamig ang boses na sabi ko dito.
Pero laking gulat ko ng sumakay ito sa dalang kotse ko at nakangiting sinara ang pintuan ng passenger seat, wala akong nagawa kundi tahimik na pumasok at naupo sa driver's seat .
"Nagdo-dota ka pa rin?"
Hindi ko sinagot ang babae sa tanong nito, umibis ako sa kotse at maagap na pumasok sa loob ng paborito naming computer shop ni Dave.
Nakita kong bumaba si Cassie sa kotse ko't sumunod sakin. Hindi ko na lang ito pinansin pa, bahala siya kung gusto nitong sumunod sa kanya.
Bahagyang nagulat pa ako ng makapasok ako sa secret room ng shop nadatnan ko kasi sina Dave at ang mga kaibigan nito doon. At sa kaliwang banda ay nakayakap ang lalaki sa baywang ni Hailey.
Hailey, sigaw ng isip ko ng magtama ang mga mata namin. Bakit ba patuloy na sumasama ito sa boyfriend nito? Nagdilim ang anyo ng mukha ko ng makita ko ang pagngisi ni Dave.
"Late ka yata ngayon Mr Montenegro? Mukhang nangangamoy matatalo ka na naman ngayon ah." anitong nakangisi.
Hindi ko ito pinansin bagkus ay nakatutok lang ang tingin ko kay Hailey na nakangiti ang mukha sa tabi nito.
Fuck! Masyadong masakit sa mata niya ang nakikitang sweetness ng mga ito!
"Huwag kang masyadong pakampante Mr Magno, minsan mo lang akong natalo hindi mo ba naisip na pinagbigyan lang kita noon?" maangas na sabi ko dito.
Nangangalit ang mga pangang sumugod ito kaya hinawakan ko ito sa kamay nito. Tinitigan ko ito sa mga mata na may halong galit,
Galit dahil bakit hindi.. Kung sa dota matatalo ko ito pero sa puso ng babaeng katabi nito mukhang malabo.
"Hep Hep! Ano magtititigan na lang ba tayo dito at hindi na maglalaro? Kung ganoon na lang din pala eh di sa labas na lang tayo magbasagan ng ulo."
Ang nakangising pinsan niyang si Ron iyon na nakatingin sa aming dalawa ni Dave, tiim bagang na tinitigan ko si Hailey ng hilain nito ang boyfriend nito.
Mas lalong sumakit ang puso ko ng irapan ako nito. Bumalik ako sa upuan ko't bahagyang tinapunan ito ng tingin, nakakamatay at nag aarok.
"Hindi mo kailangang makipagbasag ulo kay Dave, bakit ba hindi ka na lang lumayo sa kanya?"
Si Cassie iyon na bahagyang binulungan ako. Hindi ko na lang ito pinansin habang nakabusangot pa rin ang mukhang hinarap ang computer sa harap ko.
Bibigyan ko ng isang magandang laro ang lalaki makabawi man lang sa ngitngit na namumuo sa puso niya habang nakatingin siya sa babaeng pinangarap niya.
Drake : The Badboy Psycho ?
Drake Montenegro and Hailey Tejano.
Chapter 8
"Ang yabang mo talaga! Ulol! f**k you!"
Hindi inaasahan ni Drake ang pagsugod sa kanya ni Dave ng mga oras na iyon pilit kasi siyang pinapatay nito gamit ang hero nito pero inunahan niya ito gamit ang isang technique.
Alam niyang laro lang iyon pero hindi niya kasi ito pinagbigyan kahit isang pagkakataon para manalo naman. Hawak-hawak ang pangang nasuntok nito'y hinarap ko ito.
Nang akmang uundyahin ko na ito ng suntok pabalik ay si Hailey ang nakita ko, nakikiusap ang mga mata na hinarang nito ang sarili sa sariling boyfriend nito.
Galit na galit na sa mga upuan ko ibinaling ang galit ko na nagdala ng komusyon sa ibang mga online gamers sa shop.
"Pwede ba next time huwag na huwag ka ng magyaya ng rebutt kung ayaw mong tumanggap ng pagkatalo?!" imbes ay bulyaw ko dito.
Nakita kong susugod sana muli ito pero nahawakan ito sa kamay ni Hailey, nagtaas baba ang inis ko sa nakita.. Can't she see basugalero ang boyfriend nito?
Nagulat ako ng ipiksi ng lalaki ang kamay ni Hailey at mariin itong tinitigan na para bang dito ito nagalit.
"Hindi lang iisa ang araw, humanda ka Montenegro!" galit na sabi ng lalaki bago nito hinatak sa braso si Hailey.
Naiwan akong nagngingitngit ang puso matapos sipain ang manoblock na upuan. Nang balingan ko ang pinsang si Ron ay nakangisi lang ito.
"That's enough. Halos wala ng bago sainyo ni Dave pero patuloy ka pa ring nakikipag laro sa kanya." ang malumanay na sabi ni Cassie na dinaluhan ako.
Dumugo ang panga ko kaya hindi ko na pinigilan si Cassie ng punasan nito ang gilid ng labi ko. Nasa ganoong eksena kami ng makita kong nakatayo sa b****a ng pintuan si Hailey.
Mariing nakatitig sa akin at maya-maya'y kay Cassie naman. Nag excuse ito para damputin ang jacket ni Dave sa kinauupuan nito kanina.
Tinabig ko ang kamay ni Cassie at kaagad na sinundan ang babae ng lumabas ito ng shop nakamasid lang ako sa mga ito ni Dave habang naririnig ko kung paano ito pagsalitaan ng lalaki.
Gusto ko itong ipagtanggol sa lalaki pero alam kong wala akong karapatan. Napaawang ang labi ko't napakunot noo ng iwan ito ng lalaki mag isa sa kalsada at pinaharurot ang kotse na dala nito palayo.
Hindi makapaniwalang tinapunan ko ng tingin ang babae habang yakap-yakap ang sarili dala na rin ng malamig na ang simoy ng hangin.
Seriously, iniwan talaga ito ni Dave mag isa!
Matapos ang matagal na pagtatalo sa sarili'y nilapitan ko ang babae, sinuot ko dito ang jacket na dala ko't obviously nagulat ito.
Tinanggal nito ang jacket na sinuot ko dito at matalim ang mga matang tumingin sakin. Wala ng mas sasakit pa sa ganoong feeling.
"I'm sorry. Nadamay ka tuloy sa --
"It's not what you thinking. And pwede ba? Stop mending around to me? Bakit ka ba lapit ng lapit? May hindi ka pa ba nakukuha sa akin maliban sa kiss? At yung tungkol sainyo ni Dave --
"Bakit ba hindi mo maiwan-iwan ang Dave na iyon? Nakita mo na kung gaano siya kabastos at walang galang sayo? Iiwan ang girlfriend sa kung saan at umuwi mag isa --
"Wala ka ng pakialam sa akin!" anito at naglakad palayo.
Hinabol ko ang babae't sinuot muli dito ang jacket ko minsan ulit nito iyong tinanggal at tinapon. Nag iwas ito ng tingin ng titigan ko ito, Geez! Mukhang nakahanap yata ako ng magpapatameme sa akin!
"Okay, I'm sorry. I'm sorry kung dahil sa akin natalo ko sa laro ang boyfriend mo at kaya ka iniwan dito dahil sakin. Sorry!" sarkastikong sabi ko sa babae.
Mariin akong tinitigan ng babae sa mga mata, nang uuyam at nangangalit. Actually lalong sumikdo ang kaba sa dibdib ko sa ginawa nito, Geez! Titig pa lang niya'y nanlalambot na ang tuhod ko!
"Babe."
Halos sabay kaming napatingin sa nagmamay ari ng tinig na iyon. Buntong hingang hinarap ko si Cassie na bagong labas ng shop dala ang ibang gamit ko.
At nang muling lingonin ko si Hailey ay nakita ko itong sumakay na sa pinara nitong taxi. Naiinis na binalik ko ang tingin ko kay Cassie at sa nakangising si Ron.
"Bakit kayo nag uusap ng babaeng iyon?"
Tumingin ako kay Cassie. Bawat bigkas nito sa salitang binibitawan nito ay parang nang uuyam.
"Alright. I mean, bakit mo nilapitan ang babaeng iyon? Don't tell me may gusto ka sa kanya?" anito na para bang hindi makapaniwala.
Hindi ko ito sinagot, tuloy lang akong lumapit sa kotse kong nakapark sa labas ng shop ng magsalita ulit ito.
"My God Drake, don't tell me hahanap ka na nga lang ng ipapalit sa akin girlfriend pa ng mortal enemy mo!" anitong talagang sinundan pa ako.
Nangangalit ang mga pangang hinarap ko ang babae. Sinaklit ko ito sa balikat habang mariing nakatitig dito.
"Drake you don't know her! Usap-usapan siya sa buong university bilang isang proffesional martyr na girlfriend! Na kahit anong gawin sa kanya ni Dave ay para siyang asong ulol na buntot ng buntot sa lalaki!"
Naningkit ang mga matang lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa braso ng babae habang ang puso ko ay para bang nagwawalang daga sa lakas ng kabog nito.
"Hindi siya bagay sayo Drake, isa siyang martyr, manhid, walang puso hindi nakakaramdam ng pang uuyam at higit sa lahat sabi-sabi nila kaya hindi daw niyan maiwan iwan si Dave dahil magaling daw si Dave sa kama. See Drake? Imagine those people telling that dirty words to her? Ibig sabihin pinagsawaan na siya ni Dave mula ulo hanggang paa pero hindi pa rin siya lumalayo dito ibig sabihin --
"Stop!" sigaw ko sa babae. "Please don't mendle around Cassie tandaan mo walang tayo. Wala ng tayo!" mariin kong sabi dito.
Galit na ibinalibag ko ang pinto ng kotse at pinaharurot iyon palayo. Ang puso ay nangangalit at ang isip ay nalilito .
Galit na pinagsusuntok ko ang manibela hanggang sa mapagod ako.
Bakit nasasaktan ako?
Bakit tila gusto kong itama ang lahat ng sinabi ni Cassie kay Hailey pero pakiramdam ko ay wala akong magawa dito?
And at the same time, galit na galit ako sa puso ko.
Dahil bakit sa kanya pa ako nagkagusto?