Solange (Flashback) ______________________________________ It's been eight months mula nung umalis ako sa lugar namin. Natatandaan ko pa yung gabing yun. Umalis ako sa amin at tumuloy sa isang mumurahing Inn. Sa mga oras na yun ay back to zero na talaga ako. Hindi ko alam kung saan ako tutuloy. Hindi na ako nag abala pang tawagan si Elizabeth dahil ayokong madawit pa siya sa problema ko. Wala akong matuluyan na bahay at wala akong trabaho. Yung pera na dala ko ay sakto lang upang matustusan ang pangangailangan ko sa loob ng dalawang buwan. Umiiyak ako nun sa loob ng kwarto ko nang bigla na lamang bumaliktad ang sikmura ko. Dali dali akong tumakbo sa cr at sumuka ng sumuka. Nanghihina ako at ramdam kong nahihilo ako. Masyado ata akong na stress ngayong araw. Sa dami ba naman ng

