Solange
______________________________________
Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad kong kinuha ang tuwalya ko dahil plano ko munang maligo. Pagkatapos nun ay tinuyo ko na ang buhok ko at nag hanap ng pwedeng suotin.
Madami akong mga sexy na damit na pang party dahil bigay to ng pinsan ko na nakapangasawa ng isang retired navy. Minsan lang sa isang taon sila umuwi dito at palagi niya akong dinadalhan ng mga dress. At isa pa, mahilig din akong sumali ng mga pageant nung high school ako.
Kinuha ko ang isang bodycon dress na kulay red pero silk and tela kaya medyo makintab siya. Sobrang baba ng neckline nito kaya naman litaw ang cleavage ko at may konting slit ito sa gilid kaya medyo naeexpose ang legs ko.
Nag apply lang ako ng kaunting make up at pulang lipstick para mag match ito sa suot kong dress. Nagsuot na rin ako ng stilletos na bigay din ng pinsan ko.
Nag coat muna ako dahil nahihiya akong lumabas ng naka ganito. Plano ko na rin mag taxi papunta dun dahil napaka awkward naman kung sasakay ako ng jeep.
Kinulot ko lang ng konti ang buhok ko at kinuha na ang maliit na purse ko. Narinig ko namang tumunog ang cellphone ko.
Si Elizabeth yun, tunatawag.
"Girl asan kana?" Bungad nito sa akin pagka sagot ko.
"Tapos na akong mag ayos pabalik na ako diyan," sabi ko sa kaniya.
"Okay sige, ako din pabalik na dun see you there ingat ka!" Usal nito at agad na pinatay ang tawag.
Lumabas ako agad sa kwarto at nakita ko naman si nanay at tatay na nanonood ng tv at si Dominic na kakarating lang galing sa paaralan.
"Wow ang ganda mo nak!" Bulalas ni nanay nang makita niya akong lumabas.
"Hoy ano yan ate ha? Magpalit ka nga dun!" Pagalit na sigaw ni Dominic at akma pang ibabato sa akin ang sapatos niya.
"Ano ba! Pupunta ako ng party," reklamo ko sa kaniya.
"Aba kahit na mag palit ka padin!" Singhal nito sa akin.
"Alangan namang mag pantalon at tshirt ako dun nag iisip ka ba," sagot ko sa kaniya.
"Hayaan mo na ang ate mo Dominic, minsan lang yan mag ayos," saway sa kaniya ni papa at nakangiting tumingin sa akin.
"Ang ganda naman ng anak ko," puri sa akin ni tatay.
"Thank you po nanay at tatay," sabi ko sa kanila ang tumingin kay Dominic at binelatan sya.
Buti nga sa kaniya panira kasi.
"Nay papayagan niyo ba si ate na lumabas ng naka ganyan! Tingnan mo nga yang damit niya oh!" Reklamo ni Dominic sa kanila.
"Hayaan mo na muna ang ate mo Dominic. Malamang, pang mayamang party yung pupuntahan niya syempre ayaw niya din namang mapahiya," sagot sa kaniya ni nanay.
Tama yan nay!
"At isa pa, malay mo may mahanap na boyfriend na dun yun ate mo," biro naman ni tatay kaya agad nag bago ang ekspresyon ng mukha ko.
"Tay naman eh ayan kana naman sa mga biro mo," sabi ko sa kaniya.
"Hahaha sorry nak. Sya nga pala, may sasakyan naman kayo diba?" Tanong nito sa akin.
"Opo tay gamit namin yung service van ng kompanya," sagot ko sa kaniya.
"Mabuti naman kung ganun. Oh sya mag ingat ka dun nak ah, tapos mag text ka kay Dominic kung pauwi kana para masundo ka niya sa labasan," sabi ni tatay.
"Opo tay,"
"Oy teka lang ate antayin mo ako!" Singit na naman ng papansin kong kapatid.
"Ano na naman ba!" Sagot ko sa kaniya.
"Diyan ka lang mag bibihis muna ako, sasamahan kita palabas," sabi nito at dali daling kumarips ng takbo papunta sa kwarto niya.
Napangiti naman ako sa ginawa ng kapatid ko. Alam kong over protective lang siya sa akin. Napaisip din ako sa sinabi ni tatay kanina tungkol sa pagbo-boyfriend. Siguro nga masyado akong nawili kakatrabaho at nawala na ang attensyon ko sa mga ganung bagay dahil puro nasa trabaho nalang ang focus ko.
"Tara na!" Masungit na sabi nito kaya naman sumunod na agad akonsa kaniya.
"Akala ko ba may sasakyan kayo?" tanong nito sa akin habang naglalakad kami palabas.
"Andun sa kompanya nag aantay ang van. Dun ang meeting place naming lahat kaya naman mag tataxi nalang ako papunta dun," sagot ko sa kaniya.
"Oh sige. Mag text ka sakin kung nakarating kana dun ate ah," bilin nito kaya tumango naman ako agad.
Mabilis lang akong nakasakay ng taxi at agad ko din namang nakita ang van na nasa harap na ng building at kita ko din si Elizabeth na nasa labas nag aantay.
Agad naman akong lumapit sa kaniya.
"Wow!" Bulalas nito.
"Maganda ba?" I asked and consciously checked my outfit.
"Sobrang ganda girl! Mukha kang mayaman!" Puri nito sa akin.
"Hahaha bolera ka talaga tara na nga!" Aya ko sa kaniya at pumasok na sa loob ng van.
Ilang van din ang nakaparada sa labas ng kompanya dahil madami naman ang staffs kaso hindi naman lahat ang makakapunta dahil ang iba ay may mga personal din na gawain.
Pumasok na kami ni Elizabeth sa loob ng isang van. Nag antay pa kami ng ilang minuto dahil meron pang ibang hindi dumating.
Nung paalis na kami ay agad akong nag text sa kapatid ko. Habang tinatahak namin ang daan papunta sa venue ng party ay hindi ko alam kung anong lugar itong dinadaan namin. Basta ang alam ko lang ay pumasok kami sa isang exclusive village at masasabi mo talagang sobrang yaman ng mga nakatira dito dahil puro mansion ang mga nakatayong bahay.
"Grabe napakayaman naman pala talaga ni sir Claude noh!" Namamanghang sabi ni ni Elizabeth habang tumitingin tingin sa paligid.
Ngayon na malapit na kami ay bigla na lamang akong kinabahan. Puro mayayaman ang mga tao dun at mahirap lang ako. Malalaman kaya nila na hindi ako mayaman?
Malamang! Sa brand pa nga lang ng purse ko eh kitang kita na ang pagka cheap nito.
Pero hindi lang iyon ang inalala ko. Ano kayang magiging reaksyon ni Claude kapag nakita ako? Magagandahan kaya siya sakin?
Napatigil ako sa isiping yun. Teka bakit ko ba iniisip ang magiging reaksyon niya? Alam ko namang hindi niya ako makikita sa dami ba naman ng bisita niya ngayon.
Habang papalapit kami ay rinig ko na ang malakas ng tugtog ng upbeat music at mga taong nagkakasiyahan sa party.
At hindi nga ako nagkamali dahil huminto kami sa harap ng isang napaka laking mansion. At kapag sinabi kong malaki, sobrang laki talaga!
Ngayon palang ako makakapasok sa ganito kalaking bahay! Sa magazine at internet ko lang kasi ito nakikita.
"Wow grabe para akong malulula!" Sabi ni Elizabeth nung makalabas na kami. Kinuha ko na rin ang coat na suot ko at iniwan iyon sa loob ng van.
"Sana makahanap ako ng mayamang boylet ngayon," sabi nito.
"Makakahanap ka niyan mamaya," pag i-encourage ko sa kaniya. Kakagaling lang kasi ni Elizabeth sa isang break up kaya naman mas mabuti rin sana kung mababaling sa iba ang attensyon niya.
Pumasok na kami sa loob kasama ng ibang staff ng kompanya at pag gapak palang namin sa garden ay agad na akong nanliit sa sarili ko.
Napakalayo at napakalaki ng agwat ng mundo ko sa mundo ng mga mayayamang tao na ito.
"Solange you're here!" Rinig kong bati sa akin ni sir Arkin kaya naman napatingin ako sa gawi niya.
"Hello sir! Good evening po," bati ko sa kaniya nung makalapit siya sa amin.
"Nakita mo na ba si Claude?" Agad na tanong nito sa akin.
"Hindi pa po sir eh kakarating lang din po namin," sagot ko sa kaniya na medyo sumisigaw dahil masyadong malakas ang music.
"Ganun ba? Sige pumasok muna kayo sa loob at kumain wag kayo mahiya," sagot nito kaya naman tumango ako.
"Sige po see you later!"
Hinila ko na si Elizabeth papasok ng bahay. Hindi ko naman kabisado ang loob ng bahay dahil first time ko palang dito. Sumusunod lang naman kami sa mga taong nasa unahan namin.
Nakarating na kami sa loob at talaga namang nakakalula ang laki ng bahay! Napakaganda ng mga disensyo at halatang mamahalin ang mga kagamitan.
"Tara na girl kumain na tayo para makahanap na ako ng boylet," nagmamadaling aya sa akin ni Elizabeth at hinila ako papunta sa dining area.
Pagdating ko dun ay napakadaming pagkain! Sa tingin ko ay aabutin ako ng ilang araw bago ko matikma isa isa ang mga putahe dahil sobramg dami talaga! Feeling ko nga hindi iyon mauubos. Pang isang barangay ata ang handaan nila dito.
Natatakam ako sa mga pagkain kaya naman kumuha na ako agad ng plato. Nag lagay lang ako ng chicken cordon blue, pork cutlet, at mga dessert sa plato ko. At agad na sinundan si Elizabeth sa isa mesa na nasa labas ng bahay malapit sa pool area.
Habang kumakain kami ay bigla na lamang nagsalita ang MC.
"Good evening ladies and gentlemen i hope you are all doing good tonight. Thank you for being here with us as we all gather to celebrate the 27th birthday of Mr. Claude Faulter!"
Agad namang nag palakpan ang lahat ng tao kaya sumunod nalang din kami. Tila hindi ko masubo ang pagkain na nasa bibig ko nang makita kong umakyat si Claude stage.
Napakagwapo niya sa suot niya tuxedo at napaka clean ng pagkakaayos ng buhok niya ngayon.
Wala akong narinig ni isang salita sa speech niya dahil nakatingin lang ako sa kaniya the whole time kaya naman laking gulat ko nalang nang bigla din siyang tumingin sa akin.
"Girl! Tapos na akong kumain aalis muna ako at makiki party ah? Malay mo may mahanap akong boylet. Maghanap ka na din madaming gwapo dito!"
Naiwas ko ang tingin ko kay Claude nang mag salita si Elizabeth.
"Ha? Iiwan mo ako dito?" Tarantang tanong ko sa kaniya.
"Ano ka ba girl malaki kana, sabay naman tayong uuwi eh. Text nalang kita mamaya kung uuwi na tayo. Good luck! Sana may mahanap kang pogi ngayon. Ang gwapo pa naman ni sir Claude!" Usal nito na animo'y kinikilig.
Tatawagin ko pa sana siya kaso bigla nalang siyang umalis. Pag tingin ko sa stage ay wala na dun si Claude kaya naman agad akong kinabahan na baka puntahan niya ako.
Napaka assumera ko naman kung iisipin kong pupuntahan niya ako dito matapos niya akong makita. Hindi ko alam pero ganun ang naging kutob ko kaya naman agad akong naglakad papasok papunta dun sa dining area. May nakita kasi akong marshmallows dun at may chocolate fountain din kaya plano ko iyong punteryahin.
Gusto kong iwasan si Claude ngayon dahil una, nahihiya ako sa kaniya at pangalawa, ayokong makita siya ng mga bisita niya na nakikipag usap siya sa isang gaya ko dahil mapapahiya lang siya.
Kumuha ako ng bowl at nilagyan iyon ng marshmallow at isa isang ni-dip dun sa chocolate fountain.
Pagkatapos ay naghanap ako ng pwedeng ma tambayan dahil iniwan na ako ni Elizabeth at ayaw ki namang makipag halubilo sa iba dito dahil hindi naman ako makaka relate sa pag uusapan nila dahil malamang tungkol lahat iyon sa negosyo.
Siguro sa mga oras na to ay may nahanap ng lalaki si Elizabeth at sinusulit ang gabing ito.
Naglalakad lang ako dahil hindi ko naman kabisado ang bahay na to hanggang sa dumating ako sa isa pag garden na may coffee table sa gitna. Wala masyadong tao dito dahil nasa likod na parte ito ng bahay kaya naman agad akong pumunta dun.
Tahimik kong nilalantaka ang mga marshmallow na may chocolate nang bigla na lamang may nagsalita sa likod ko.
"There you are! Ang bilis mo namang makawala, hinarang lang ako ng mga bisitang bumati sa akin nawala kana agad sa paningin ko."
Nagulat ako ng mapag tantong si Claude nga iyon.
"B-bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi mo ba ako babatiin?" Tanong nito kaya agad naman akong napayuko.
"H-happy birthday," mahinang bati ko sa kaniya at nilapag ang bowl na may lamang marshmallow sa coffee table.
"Thanks! You look good in your dress," he said and looked at me intently. Actually ilang segundo lang naman siya tumingin sa mukha ko, at agad din yung bumaba sa dibdib ko kaya naman agad kong tinakpan yun.
Sana pala hindi nalang ganito ang sinuot ko!
"T-thank you," pag papasalamat ko sa kaniya sa pag puri niya sa akin.
"Anyways, may regalo ka ba para sa akin Solange? Okay lang din kung wala pero dapat pumayag kang sumayaw kasama ako," sabi nito at kumindat pa.
Naalala ko ang binili ko kanina. Nag dadalawang isip ako kung ibibigay ko ba iyon sa kaniya dahil nahihiya ako pero ayaw ko din namang makasayaw siya mamaya. Kaya labag man sa kalooban ko ay dahan dahan kong kinuha ang maliit na box sa loob ng purse ko.
"Wow! Meron nga thank you!"
Hindi ko pa naman inaabot sa kaniya ay agad niya naman itong kinuha sa kamay ko. Masyado naman atang excited ang lalaki to. Bakit naman ganun nalang siya ka saya eh andami dami namang regalo ang natanggap niya ngayong araw.
"It's cute!" Bulalas niya nang makita ang laman nito.
"Sorry yan lang ang kinaya ng budget ko," nahihiyang sabi ko sa kaniya.
"No it's okay i really love it," usal nito at tinaas pa sa ere ang binigay ko.
"Bakit nga pala ulap?" Tanong nito sa akin.
"Ah katunog kasi ng pangalan mo. Nakita ko lang yan kanina sa department store at bigla kitang naalala. Magkasing tunog kasi yung Cloud at Claude kay ulap," paiwanag ko sa kaniya.
"Really? Ako ang naalala mo nung makita mo to?"
"H-ha? A-ah---"
Di ko matapos ang sasabihin ko dahil sa sobrang ilang. Napaka seryoso kasi ng tingin niya sa akin ngayon kaya napipilitan akong tingnan din siya sa mata.
"Solange, i can't take it anymore," sabi nito kaya naman naguguluhan ako.
"Ha? Anong ibig mo sa---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na lamang siyang lumapit sa akin at ilang saglit pa ay tinawid niya ang distansya naming dalawa. The next thing i know he's kissing me already.
Claude is kissing me right now. Damn it!
______________________________________