Benedict Talagang nagulat na lang ako nang makita ko si Ellion sa mga bisita. Hindi ko siya nilapitan. Hinanap ko agad si Aurora para tanungin siya kung tama ba ýong nakita ko. Medyo masakit sa part ko pero kumalma lang ako. Naniniwala pa rin ako na ako na ang mahal ni Aurora, hindi na siya. Kailangan kong tanggalin ang takot kong ito ngayon kasi baka hindi ko magawa nang maayos ang marriage proposal ko mamaya. Hinanap ko siya nang hinanap. When I finally found her, kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Para bang nakakita siya ng multo pero pilit niyang tinatago sa akin iyon. Bakit? Bakit nga ba hindi mo sinabi sa akin ang totoo? ‘’Aurora, where are you going? Ayos ka lang ba?’’ I asked her. ‘’Oh, oo naman. Ikaw naman, ginulat mo ako,’’ sagot niya sa akin. ‘’Ah, nagulat ka ba? Pasens

