Ellion Jase Isang buwan na ang nakakaraan nang mag-birthday si Aurora. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggal sa isip ko na ikakasal na siya kay Benedict. Masaya ako para sa kanya pero minsan, naiisip ko na sana, ako pa rin iyon. Pero wala na akong magagawa eh, nag-yes na siya. Simula noong marinig ko iyon ay sinabi ko na rin sa sarili ko na kailangan ko na talagang mag-move on sa lahat ng pain. Iyon na lang ang kailangan kong gawin eh. Hindi pala kailangan, dapat pala. ‘’Hey, birthday girl. Actually, hindi ko alam ang sasabihin ko sa iyo ngayon kasi kahit sabihin na ikaw ang may birthday ngayon, ako yata ang reregaluhan mo. Well, regalo ka naman na talaga sa akin ng Diyos. When I met you, sobrang saya ko na. Akala ko, hanggang doon na lang iyon pero hindi pala. Magiging girlfrien

