Chapter 71

1066 Words

Aurora Feliz Nang pauwi na kami ni Benedict ay may nakita akong isang pamilyar na kotse. Pati si Benedict ay napalingon din dito dahil kilala rin niya ang kotse na iyon. Kay Ellion. Bigla akong kinabahan sa pag-iisip na baka kay Ellion nga iyon. Naiinis din ako, pero hindi ko pinapahalata kay Benedict iyon dahil baka kung ano na naman ang isipin niya. ‘’Sabihin mo sa akin, kay Ellion iyon na kotse, hindi ba?’’ tanong niya na labis ko namang kinagulat. ‘’Ah, oo. Kaparehas. Hindi ko alam kung siya talaga iyon kasi hindi ko naman nakita ang plate number kanina,’’ simpleng sagot ko lang pero kabado na talaga ako. Kabado ako dahil posibleng dinalaw ni Ellion si Mommy habang wala ako. Ano na naman kaya ang pinag-usapan nila? Isa pa, bakit niya kakausapin si Mommy? Para saan? Para bilugin ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD