Aurora Feliz At iyon na nga, nagpaalam na ako sa kanila. Ang hindi ko alam, ay nakasunod pala sa akin si Benedict. Nagulat na lang ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Para bang nabuhusan ako ng malamig na tubig noong sinambit niya ang pangalan ko. ‘’Aurora, where are you going? Ayos ka lang ba?’’ he asked me. ‘’Oh, oo naman. Ikaw naman, ginulat mo ako,’’ sabi ko sa kanya. ‘’Ah, nagulat ka ba? Pasensya ka na, kanina pa kasi hinahanap sa buong place. May itatanong sana kasi ako,’’ sagot naman niya sa akin. ‘’Sige lang, baby. Ano ba ýon? Anong itatanong mo sa akin?’’ sagot ko sa kanya. ‘’Inimbita mo ba si Ellion? Parang nakita ko kasi siya kanina sa mga bisita,’’ sabi niya. Nang marinig ko iyon ay parang tumigil na talaga ang mundo ko. Mukhang kailangan ko na nga talagang sabihin s

