Chapter 2: The Burning House
GLENN'S POV
.
THE OCEAN OF people are everywhere. Men are wearing tunics, women are wearing medieval corsets. Maingay at masikip ang paligid.
This is the town's marketplace. Habang nakahawak sa strap ng aking satchel bag, naglakad ako sa gitna ng mga tao.
"Oh, bili kayo diyan!"
"Ate, kuya! Mura lang ang karne!"
"Gulay, gulay kayo diyan!"
May helera ng mga tindahan sa gilid ng kalsada. Left to right, there are tents. Bawat tent ay may binebentang produkto: karne, gulay, at iba't ibang kulay ng tela.
Nariyan din ang mga tindero't tindera. Sigaw dito, sigaw doon. Nagtatawag sila ng mamimili, habang ang mga tao ay palipat-lipat ng tent.
As for I, hinanap ko kaagad ang lugar na palagi kong pinupuntahan dito. Nasa dulo iyon ng palengke.
After making my way down the crowd, I saw a small house on the side of the lane. A small gable-roof house, at may plaka sa pinto nito: "Jewelry Shop."
The chimes made noises as I entered the shop's door. It's warm here. Kagaya ng dati, unang-unang tumambad sa akin ay ang maliit na espasyo sa loob nito.
Sa pader, mayroong mga glass frames at naka-display sa bawat frame ang iba't ibang klase ng bato. Sapphires, rubies, emerald and other shimmering stones.
There are also some bookshelves. All books were organized. The place is tidy as usual.
I walked across the room, hanggang sa narating ko ang tapat ng wooden counter.
"Elmer, nandito na 'ko." I took off my satchel bag and dropped it at the counter's surface. "Si Glenn ho 'to."
May narinig akong mga yabag ng paa. Mula sa isang maliit na backdoor, lumabas roon ang isang payatot na lalaki. Matangkad at medyo matanda na.
It's Mr. Elmer, the shop's owner.
"Naku, naku, Glenn! Bakit ka na naman nandito? Wala na 'kong pera para ipautang sa'yong bata ka," panay ang reklamo ni Elmer habang naglalakad palapit sa counter.
Ngumisi ako. "Iba ngayon, Elmer. Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko."
Mr. Elmer stood behind the counter. He raised his brows. "Ano na naman ba iyan? Kung tungkol na naman 'yan sa mga discount at bills mo, naku! Hindi mo na ako mabobola. Sobra-sobra na ang mga tulong na---"
Natigilan ang ginoo.
Mabilis kong binuksan ang satchel bag, saka tinaktak ang laman nito. Ayun, kumalat ang mga mamahaling alahas sa counter.
Nanlaki ang mata ni Mr. Elmer, tila nakakita s'ya ng jackpot. "A-Anong... Oh, mahabaging langit! Saan mo naman nakuha ang mga iyan?"
"Hindi na po iyon mahalaga. Ang importante, mababayaran ko na po ang mga utang ko sa inyo," wika ko.
Naglabas ng magnifying glass si Mr. Elmer, saka niya 'to itinapat sa mga alahas na nasa ibabaw ng counter. He even bent low, eyes squinting while inspecting the jewelries through that glass.
"Ang mga batong ito. Totoong diyamante. Impossible..." Binaba ni Mr. Elmer ang magnifying glass niya, saka nag-angat ng tingin sa akin. "Umamin ka nga sa akin, ikaw bata ka! Saan mo nakuha ang mga 'to?"
"Um..." I pursed my lips and searched a word to say. "Sa... Ano... Sa trabaho ko. Tama, sa trabaho ko! Basta, huwag na po kayo masyadong maraming tanong. Kumuha na lang po kayo diyan ng alahas. Bayad ko ho iyan sa mga utang ko sa inyo."
I have no plan on admitting that those jewelries came from the palace. Hindi ko naman iyon nanakawin kung walang maayos na rason. I just badly need the money, that is all.
Tinitigan ako ni Mr. Elmer na tila hindi siya kumbinsido sa sagot ko.
"Glenn Mczeen, ikaw na bata ka, simula noong bulinggit ka ay kilala na kita. Alam ko kapag may hindi ka sinasabi sa akin at kapag may tinatago ka. Umamin ka nga..." Tinuro ni Mr. Elmer ang mga alahas sa ibabaw ng counter. "Itong mga 'to, ha? Saan mo nakuha ang mga alahas na 'to?"
Oh, shoot.
Napaiwas agad ako ng tingin. I felt butterflies in my stomach. This is not what I'm expecting.
"Glenn?" wika ulit ni Mr. Elmer, saka niya pinatong ang dalawang kamay sa counter. "Magsabi ka ng totoo. Saan mo nakuha ang mga alahas na 'to? Hindi ko 'to matatanggap hangga't hindi mo sinasabi ang totoo."
"Mr. Elmer naman e--"
"H'wag mo akong ma-Mr. Elmer Mr. Elmer diyan!" he raised his forefinger strictly. "Hindi ka tinuruan ng ama mong magnakaw, Glenn. Kilala kita. Kilala ko ang ama mo. Ano na lang ang sasabihin ni Gregory kapag nakita ka n'ya ngayon?"
Oh, come on! Kinokonsyensya niya ako lalo eh.
I rolled my eyes sidewards, saka bumuga ng hangin. "Gusto ko lang naman po ay mabayaran ang mga utang ko sa inyo, saka ang bahay na iniwan sa akin ni papa. Iyon lang."
There I said it.
"Glenn---"
"Huwag n'yo po sanang masamain," I cut in. "Nahihiya na po kasi ako sa inyo. Tambak na tambak na po ang utang ko sa'yo. Gusto ko lang naman ay masuklian ang tulong n'yo. At saka 'yung bahay naman na pamana sa akin ni papa..."
Lumungkot ako bigla. I felt my shoulders fell off. Mula sa likod ng counter, ramdam ko rin ang pagtitig sa'kin ni Mr. Elmer. Titig niya na tila ba'y naaawa.
"Iyung bahay na iyon..." I stare blankly down. "Iyon na lang ho ang natitira sa akin. Kapag hindi ko ho nabayaran ang lupa no'n---"
Creak! Biglang bumukas ang pinto ng shop. Iyon rin ang dahilan kaya ako tumigil. Tapos, magkasabay pa kaming lumingon ni Mr. Elmer sa may pintuan.
Isang pamilyar na lalaki ang dumating. Nanatili s'ya sa pintuan, pero bahagyang nakahawak sa tuhod at hinahabol ang kaniyang hininga.
"Ba... Bad news!"
"Bad news?" Kumunot naman ang noo ni Mr. Elmer, subalit nanatili siyang nakatayo sa likod ng counter. "Anong nangyayari? May rambol na naman ba sa labas?"
"Para ho kay Glenn ang balita," ani ng lalaking nasa pintuan. "Iyung bahay n'yo po kasi..."
I literally frowned. Bigla akong kinabahan. "Anong nangyari sa bahay ni papa?"
* * *
I FOUND MYSELF running faster and faster. Salty sweat on my forehead.
Green grasses are bristling as my feet move. Patakbo akong umakyat sa isang burol. Hindi ko alintana kung gaano 'to kataas. Dahil sa adrenaline rush, mabilis kong narating ang tuktok ng berdeng burol.
Unang tumambad sa akin ay ang mukha ni Madam Quilla, saka ang kulay lila niyang dress na may golden patterns, pati na rin ang nunal sa gilid ng ilong n'ya.
"Oh? An'lakas naman ng loob mo? May gana ka pa talagang magpakita rito matapos mo akong takbuhan at hindi bayaran, ha?!" bungad ni Madam Quilla habang nakataas ang kilay.
Pansin ko rin ang dalawang lalaki sa likod ni Madam. Nakasuot sila ng silver armours, kaya't sigurado akong mga bodyguards sila ni Madam Quilla.
I was panting hard when I walked toward her. Buong tapang kong hinarap si Madam Quilla, dahilan para taasan niya ulit ako ng kilay.
I pleaded, "Pakiusap, Madam, may pambayad na po ako ng lupa. H'wag n'yo na po sa'king agawin ang titulo---"
Hindi ko natuloy ang sinasabi ko dahil nawindang ako sa sunod kong nakita. Tumagos ang paningin ko sa likod ni Madam Quilla, lagpas sa dalawang gwardiya, at natulala ako sa 'di kalayuan.
There, my eyes instantly widened.
Nakita ko ang nag-iisang bahay na nakatayo rito sa tuktok ng burol. Ang bahay na iyon ay nasusunog. The gable roof, the wooden walls, everything was turning to ashes and smoke!
My father's house is on fire!
"No... No! No! No!" Hindi ko mabilang kung ilang beses akong umiling.
Tumakbo ako palapit sa nasusunog na bahay. Huminto lamang ako nang marating ko ang tapat nito. Doon, nag-collapse ang tuhod ko.
I fell on the ground, on my knees. Tumingala ako, saka tumulala sa higanteng apoy. Nakatunganga lang ako doon, pinapanood kung paano unti-unting nilamon ng sunog ang bahay... Ang nag-iisang bahay na pinamana sa akin ni papa.
I felt my face wet. Tears all over my cheeks.
"Well, a deal is a deal," boses ni Madam.
Kasama ng dalawang knights, tumayo si Madam Quilla sa gilid ko. Nakakrus ang mga braso n'ya at walang mababakas na awa sa kaniyang mukha.
Mga mayayaman nga naman. Tch.
"Tapos na ang kontrata natin. Kukunin ko na ang titulo ng lupa, kagaya ng napag-usapan," ani Madam.
Naiinis ako. Kaya naman, sinuntok ko ang lupa. Malakas na suntok. Tumayo ako at pumihit paharap kay Madam Quilla, saka ko sinalubong ang mga mata n'ya.
"Madam naman!" I yelled and used my hand to wipe off the tears from my cheek. "Dapat hinintay mo muna ako. Mayroon naman akong maipangbabayad sa'yo eh! Alam mo naman 'di ba? Itong bahay na lang ang nag-iisang iniwan sa'kin ni papa. Kaya bakit---"
"Ugh! Pwede ba, STREETRAT!? Ayoko ng drama." Maarteng umirap si Madam Quilla. "Nakasulat sa kontrata ang lahat ng kasunduan ko sa ama mo, pati na rin ang kasunduan namin tungkol sa titulo ng lupain."
Mula sa chest-part ng dress ni Madam Quilla, may nilabas siyang papel. It looks like a bronze paper. Mabilis na in-unfold ni Madam ang papel, saka binasa.
"Nasasaad sa kasulatan ng kontrata: if the tenant can not afford to pay the land's price after three months, the landowner has all the rights to demand the tenant to leave the owner's property. Even if it takes by force," aniya. "So, for your information; yesterday was the end of the third month. Which means expired na ang karapatan mo rito sa lupain ko kahit magbayad ka pa ng ilang milyon!"
Now, this is absurd! I want to shout but I can't. Nanghihina ako, nakatulala.
Sobrang nanghihina.
"Oh, ayan! Basahin mo nang malaman mo! PEASANT!" Binato ni Madam sa ere ang contract paper.
Lumipad ang papel, saka bumagsak ito sa tapat ng mga paa ko.
"This land is mine. I have the rights in my own territory. So I hope to not see your face here starting tomorrow, hm?" Iyon ang huling sinabi ni Madam Quilla.
Madam signalled her hand and turned her heels. She walks out, at sumunod naman sa kan'ya ang dalawa niyang bodyguards.
Nang tuluyan silang makalayo, doon ako bumigay.
My knees hit the green grass. I stare blankly, only to witness the burning house before me. Ashes are raining down, while the smoke arises.
I sobbed bitterly. "Papa, I'm sorry..."
_________________________________________
_________________________________________