Kim & Tobe Her 2 weeks later "Nagugutom ka ba? Anong gusto mo? Apple? Banana?" hindi magkandaugaga na tanong ni Tyron sa kanya na nakapagpataas ng kilay nya. "Honey. Sumagot ka naman. Please." Hinawakan pa sya nito sa braso at inalalayan ng magsimula na syang maglakad. "Bitawan mo ako kundi itatapon ko 'yang lecheng damo na yan." ang tinutukoy nya ang ay vegetable salad na ginawa ni Tyron sa kanya pero nasusuka lang sya kapag nakikita nya repolyo. What else can she do? She's hormonal. "Honey naman." nagmamaktol ito pero patuloy lang sa pag alalay sa kanya. Tumigil sya sa paglalakad at hinarap ito. She gave him a death glare. Napapakamot naman sa ulo si Tyron saka binitawan sya sa braso. "Susunod din naman pala e." sabi nya saka ito tinalikuran. Napapangiti na

