Video Her Dalawang araw na ang nakakalipas simula ng matapos ang selebrasyon ni Mico. Tuwang tuwa ang bata! Madami itong natanggap na regalo. Noon, silang dalawa lang kasama si Butch ang palagi nitong kasama kapag mase-celebrate sila. "Here." napairap sya sa boses na narinig nya. Nandito pa din sila sa Tagaytay. Dito idadaos ang civil wedding nila. Ngayong araw! "What?" He chuckles. "Wear this." binigyan sya nito ng white dress. "You'll look lovely with that." Hinablot nya lang ito at pumasok sa banyo. Mabilis syang nagbihis. Naaalala pa nya ang mga sinabi sa kanya ni Tyron. Hindi maiwaksi sa kaisipan nya ang mga binitawan na mga salita ng lalake. Maniniwala na ba sya? Pinatulog na nya ang bata na may ngiting nakapaskil sa mga labi nito. She's happy as long as her baby boy is happy

