Proposal HER Nakasimangot na nanonood sya sa mga masayang nagtatampisaw sa dagat. Maging ang anak nya ay nakisali na din doon. Kanina pa sya inaaya ng iba pero tumatanggi sya. Nawalan na talaga sya ng gana. Sino ang salarin? Ang lalakeng katabi nya na kanina pa nakangisi na akala mo ay nanalo sa lotto ng grand prize. "Kasalanan mo 'to!" singhal nya. Malapit lang silang dalawa sa isa't isa kaya alam nyang naririnig sya nito. Nakarinig sya ng tawa mula rito at akmang hahapitin sya nito sa bewang ng sikuhin nya ito sa tyan. "Huwag mo akong hahawakan! Sasamain ka talaga saken." "Don't be grumpy. It's still morning." tuwang tuwa na sabi ng loko. Inirapan nya ito. "Pakealam mo. May oras ba na nagsasabi na doon lang pwedeng magalit. Ha? Ha? Ha? Sinabihin mo kung sino at hahambalusin ko

