Attorney
HER
Hindi na sya nakipagtalo pa ng ihatid sila ni Tyron. Galit pa din sya at ang loko mukhang wala lang kung galit man sya o hindi. Mas lalo syang nagalit.
I have the right to be angry! Sino ba naman ang hindi magagalit kapag nalaman mong may tsikinini ka sa leeg. Hindi tuloy nya maipusod ang buhok dahil makikita ng ibang tao ang ebidensya ng galit nya kay Tyron.
Hindi na sila nakapag-usap. Kapag tinatangka nya ay iniiba nito ang usapan o kaya ay aalis ito bigla. Napapapikit na lang sya ng mariin. Paano nila maayos ang lahat kung hindi naman makikipag-usap ang lalake sa kanya. Yung matino!
Itinuro nya ang apartment na tinutuluyan nilang mag-ina. Pagkababa ay agad nyang kinuha ang anak. Wala syang balak papasukin ang lalakeng yun pero anak naman nya ang humila sa ama.
Ano pa bang laban ko? Sa anak ko pa lang ay talo na ako.
"Pasok ka daddy. Dito kami ni mommy nakatira." masayang hayag ni Mico. Tinuro pa nito ang kwarto nya. Inilibot sa buong apartment. Hindi naman malaki ang inuupahan nila kaya natapos agad ang mini tour ni Mico sa ama.
Hinayaan ko silang dalawa sa komedor. Umakyat sya sa kwarto at nagpalit ng damit. Naghilamos na rin sya para mahimasmasan ang galit nya. She needs to freshen up.
Lecheng lalakeng yun. Hindi ba nya nararamdaman na galit ako?
Bumaba sya sa kwarto ng madatnang seryosong nag-uusap ang dalawa. Agad namang tumakbo saken si Mico. Nakangiti ito sa kanya. Tumingin sya sa ama nito saka ibinalik ang atensyon sa anak.
"Yes baby? You need anything?" ngumiti sya sa anak nya. Hindi mahilig humiling si Mico sa kanya kaya hanggat maari kapag may hihilingin ang anak nya ay gagawan nya ng paraan para matupad iyon basta kaya nya.
Yumakap si Mico sa kanya. Mukhang may request ang batang gwapo. "Daddy asked me kung gusto kong pumunta sa house ni grandma sa weekend. Sabi ko ay pwede kung kasama ka."
Hindi sya tumingin kay Tyron kasi alam nyang nakatingin na ito sa kanya. "Mommy?" napa-puppy eyes na ang anak nya. Paano naman sya makakatanggi kapag ganito na nagpapa-cute na ito sa kanya.
Bumuntong hininga sya. "Fine. You can go to your grandma on weekend. Tutal may pupuntahan din naman ako sa weekend e. Ok lang ba sa iyo na doon ka muna habang nasa seminar si mommy?"
Lumabi naman ang kanyang anak. "Ilang araw ba mommy ang seminar mo?"
"One nigh and two days baby. Sa friday ang alis ni mommy. Why?" paliwanag nya sa anak. Mukhang mas gustong sumama nito sa kanya kesa magpunta sa grandma nya.
"Mommy pwede po bang---"
"No baby. I'm sorry. Puro adults lang ang pwede sa seminar. I hope you understand." masakit man na hindi pagbigyan ang anak nya pero wala syang magagawa.
Tumango na din kalaunan ang anak nya. "But promise me, uuwi ka kaagad. Sino po ang susundo sa inyo."
"Your tito Butch baby." hindi pa alam ng anak ko na bakla si Butch kaya tito ang pinapatawag ko dito sa ngayon. Next time na lang nya tawagin si Butch ng tita kapag may isip na ito.
Pumanhik na sa kwarto nya si Mico. Gusto nya daw mag-color. Hinayaan ko na lang sya. Inayos ko na lang ang ilang kalat sa sala. Yung ilang papel na naiwan nya noong sabado.
"Is it necessary?" napairap sya. Hindi na nga nya pinapansin e hindi pa din umaalis.
Humarap sya dito. "What?"
"The seminar? Do you have to be there?"
Napairap sya. "Of course! Para sa mga bata ang seminar na yun. Para mas matutunan namin kung paano at ano ang effective na pagtuturo at approach sa mga kabataan ngayon."
Itinuloy na nya ang ginagawa pero nagsalita ulit ito. "I'm not letting you to go there."
"And why is that? Sino ka para pigilan ako?!" napupuno na sya.
Pumikit ito ng mariin. "I am the father of your child."
"So?" tumaas ang kilay ko. "Hindi naman kita boyfriend o asawa para sundin ko ang gusto mo at para alamin kung pupunta ba ako o hindi. Pakealam mo ba sa buhay ko."
Nakipagtitigan sya dito. "Are you still angry because of the hickey?"
"Bakit? Mukha ba akong masaya?" pilosopo nyang sagot. Ayus ayusin nya talaga!
He cursed silently. Narinig nya iyon na lalong nakapagpataas ng kilay nya. "Look. I'm sorry. I gave you a hickey because I can't wake you."
Nagpapalatak sya. "Seriously? Kailangan pa bang bigyan mo ako ng tsikinini para lang magising ako. Paano kung nandito pa ito hanggang bukas? Edi magsosoot pa ako ng turtleneck na damit para lang matabunan ito. Jusko naman! Ang init init sa pilipinas. Ayaw kong mag-turtle neck!"
He's amused at her outburst. "Alright. No more hickeys for now." sabi nito "But your still not going."
"What? No way! Pupunta ako doon sa ayaw o sa gusto mo." singhal nya
Nagkibit balikat ito. "Then I'll come with you. Who's your principal. I'll talk to him."
"No!?" sigaw nya. Hindi pwede. Bakit sya sasama? Lalo lang syang maiipit sa gulo. Sinabi nya sa mga katrabaho nyang hiwalay na sya sa asawa. Tanging si Butch lang ang may alam ng totoo. "Ayoko."
"Then the choice is yours. You go then I'll go. You stay then I'll stay."
Padabog na umupo sya. Tiningnan nya ito ng masama. Mukhang desidido na ang isang ito. Ayaw patinag. "Fine!" kinuha nya ang phone at tinawagan si Butch. Nagtext ito kanina at sinabing sumama sya.
Pasensya na bakla. May panira na ng schedule ko!
Matapos nyang tawagan si Butch ay humarap sya kay Tyron na malawak ang ngiti. "Happy?"
"Very happy."
Tumayo na sya at dumiretso sa komedor. Sinusundan pa din sya ng loko. "Umuwi ka na nga bago ko pa bangasan yang mukha mo!"
Narinig nya itong tumawa. "We have to talk. About Mico." humarap sa dito. "About us." hindi ko na masyadong narinig yung huling sinabi nya. Ang hina e.
Kinumpasan ko syang ituloy ang sasabihin. "I want Mico to stay with me in one house."
"No."
Umiling ito. "I'm not taking a no. Mico will stay at my place. Whether you like it or not. I'm not taking him away from you. I just want to be with my son."
"Pwede ka namang pumunta dito kahit anong oras."
"Its not enough." matigas nitong sabi
Nag-isip ako. "I'll sue you. Ako pa din ang ina ni Mico."
He smirks. Akala ba nya ay hindi ko tototohanin. Manigas sya! "Then sue me. I'm not afraid."
"I will get the best lawyer in town." may kilala sya. Magpapatulong na lang sya sa kanya. Medyo mahal ang bayad dito pero pakikiusapan na lamang nya ito kung pwedeng hulugan ang bayad.
Tyron laugh devilishly. "Go on. Find that best lawyer in your town." may panghahamon na sabi nito. "But I want to remind you, I will win the case."
Nagtaka sya. Ang yabang ha. Lawyer ba sya? "Yes baby. If would like to know me then I'd be gladly to introduce myself. My name is Attorney Tyron Marc Wilhelm. An international lawyer. A graduate of Harvard University. With a 648****8 licence." sabi nya saka ako kinindatan.
Seryoso ba sya? L-lawyer sya. "If I we're you, I will stop this nonsense. I never lose a case Giana. Specially, this is a personal case for me. I will definitely win this."
Hindi na sya makapag-react. Nakita na lang nyang papalabas na ng apartment si Tyron. Thank Goodness! Panira sya ng oxygen level nya. Humarap muna ito sa kanya at nagsalita. "I'll give you five days to think. You know where to find me."
Bagsak ang balikat na napatungo sya. Agad nyang niresearch si Tyron online kung meron ngang ganung licence number. Putek! Halos mapamura sya ng makitang number 1 sa listahan si Tyron. Mukhang matinik na lawyer ang loko!
Saan naman ako kukuha ng lawyer na mas magaling sa lalakeng ito. Yung galing din sa Harvard university. Dapat top 1 din para may laban naman ako.
Naiiyak na sya. Ang kilala lang nyang lawyer ay yung kaibigan ni Mam Judit. Magaling din ito pero mukhang tataob ang kaso nya kung si Tyron ang kakalabanin nya. Paano na yan? Binigyan lang sya ng five days ng mokong! Binigyan pa sya ng deadline. Kapal ng mukha.
Wednesday ng mapag-desisyunan nyang pumunta sa bahay ni mommy Mildred. Hindi nya naman alam kung saan ang bahay ni Tyron e. Kaya doon na sya dumiretso. Ngayon araw lang din sya nakakuha ng agarang leave para makausap ang tusong ama ng anak nya.
"Hija. I'm happy you're here." masaya sya nitong pinapasok. "Bakit ka napadaan? May problema ba?"sa teresa sya nito dinala para doon makapag-usap ng ayos.
Huminga muna ako ng malalim. "Nasaan po si Tyron?"
"He's not living here hija. He's not here especially weekdays. Last weekend lang sya nagawi dito. May condo unit sya malapit sa tinitirhan nyo. Here's the address." binigay nito ang isang kapirasong papel. "Hindi ba nya nasabi sa iyo?"
Ngumiti na lang sya ng pagak bilang sagot. Nagkwentuhan lang sila ng konte at nagpaalam na din sya. Kailangan pa nyang kausapin ang tusong Tyron na yun.
Malapit nga lang ang condo building nito sa kanila. Isang sakay lang sa jeep. Pinahanap nya sa front desk kung nandoon si Tyron. Kinumpirma naman iyon ng babae. Agad namang binigay sa kanya ang floor at room number ni Tyron. Nagtaka pa sya. Ang alam nya ay bawal mag-disclose ng kahit anong information tungkol sa mga clients nila.
"Binigyan na po kami ng consent ni Mr. Wilhelm na kapag may naghanap na babae sa kanya na ang pangalan ay Ms. Giana Claire Cariedo ay ibibigay namin ang floor at room number nya kasama na ang key cards nya." agad na paliwanag nito ng makitang nagugulumihanan ako.
Napapa-tsk na lang sya. Masyadong malaki ang kompyansa ni Tyron na pupuntahan nya ito. Kung hindi lang sya takot na mawala ang anak nya ay lalayo na talaga sila. At kung hindi lang sya magaling na lawyer ay talagang kakalabanin nya ito.
Kinausap nya si Mr. Anton Virtucio, ang lawyer na kilala ni Judit. Sinabi nya ang problema nya. Sinabihan naman sya nito na tutulungan pero ng malaman na si Tyron Wilhelm ang magiging kalaban ay agad itong nag-back out. Sure ball na daw kasing mananalo ito. Wala pa kasi itong natatalong kaso e!
Sige, ikaw na ang magaling na abugado!
Kumatok sya ng tatlong beses. Binuksan naman agad nya at ang bumungad saken ay ang pamoso nitong ngisi. Mukhang hinihintay na talaga nyang magpunta sya dito. Sakalin na kaya nya ito? Ano kayang kaso ang isasampa nito?
"Welcome to my abode."
Inirapan nya lang ito at naupo sa cushion nito. In fairness, malambot! I cleared my throat. "Hindi na ako magsasampa ng kaso."
"I can see that." nakangisi nitong sabi
Kung pwede lang talagang makasapak ng lawyer ay nagawa na nya kanina pa. "So, anong kapalit?" alam nyang may kapalit ito. Tuso nga si Tyron, diba?
Tumawa ito. "Very clever. I like that." komento pa nito. "I want you to be the mother of my children. I want you to stay with us. You. Mico. And me." tumigil ito. "Stay with me."
Napatayo sya. "No way! Ang hirap naman ng kapalit. Ang unfair ha."
Nagkibit balikat ito. "Then see you in court." tumalikod na ito at akmang lalabas na ng pigilan ko.
"Sige na. Sige na. Payag na ako." masama ang loob na sabi ko. Mukhang defeated na talaga ako.
"Ok then. We're settled." bigla itong lumapit sa kanya at hinila palabas.
"Teka nga. Saan ba tayo pupunta? Saan mo ako dadalhin?" sunod sunod kong tanong. Ayaw kasing bitawan ang kamay ko.
"We'll find a house."
Nagulantang ako. "Agad?"
"Yeah."
Binitawan naman sya nito ng nasa loob na sila ng elevator. Nagpapasalamat sya ng sila lang dalawa ang nasa loob. Pwede nyang sigawan ang tusong lawyer na ito. "At may balak ka bang sabihin kung kelan mo kami balak palipatin? Aber."
"As much as possible, today."
"What?" nagulantang na talaga ang buong sistema nya. Ngayon agad? Excited lang! "Hindi pa kami nakakapag-ayos."
Hinawakan na ulit sya nito sa kamay dahil biglang bumukas na ang elevator. Nasa parking lot na sila. "Don't worry. You won't need anything. I'll buy you new clothes and things."
Bagsak ang balikat na hindi na sya umimik. May magagawa pa ba sya? E, mukhang planado na nito ang lahat. Naiiling na lang sya. Sa tanang buhay nya ay ngayon lang sya nanghinayang sa kursong law. Bakit ba kasi naging lawyer ang lalakeng ito? Hindi tuloy sya makapanalo sa kanya kahit isa sa naging argumento nila.