CHAPTER 11: THE SECRET OF EA

1129 Words
Argon’s POV   “Whaaaaa! Iloveyouuuu Argon! Totoo ba yang sinasabi mo!?” Tuluyan na yata akong nabingi dahil sa boses ni Beryl, ang akala ko ay ang magkapatid na walking speaker lang ang kayang  mag payanig ng eardrums ko. “Oo nga, ayaw mo ba si-“ “Syempre gusting gusto~ hehe , salamat at ako ang pinili mo Argon napakabait mong kaibigan” putol nya sa dapat ay sasabihin ko. Mukhang gusto nya talaga ang posisyon. “Ok, makipag ugnayan ka nalang sa mga miyembro ng Vocal Club, total ay nasabi ko na sa kanila ang tungkol sayo” paliwanag ko sa kanya. at agad ng umalis naglalakad ako sa corridor ng Elysium High Bigla kong naalala ang panaginip ko kagabi.  “anak ikaw na muna ang bahala sa kapatid mo ha?, aalis lang sila  mommy at daddy may aasikasuhin lang kami” sabi ng babaeng nasa 30’s ang edad hindi gaano malinaw ang mukha ng babae ngunit sapat na upang Makita ang lungkot sa boses nito. “Yes mommy! Ako muna ang mag aalaga sa kapatid ko at promise ko sa inyo ni daddy na magtatapos ako ng pagaaral at magiging isang magaling na doctor baling araw. Ako mismo ang gagamot kay Hydria!” may sigla sa mga tinig na sinasambit ng bata na mga nasa 12 to 13 na taon. Tanging ngiti lang ang tugon ng mag asawa sa sinabi ng anak. “Paalam Neo, mahal na mahal namin kayo ni Hydria” ang huling sambit ng babae na bakas ang lungkot sa mukha at tuluyan ng lumisan. Nagising na lamang ako na may luha saking mga pisngi, Hanggang ngayon ay bumabagabag parin sakin ang mga panaginip ko. Kailangan kong makausap ang leader ng Black Dragon Organization. Alam kong sya lang ang makakasagot nito, pero paano ko sya matatagpuan kung hindi ko manlang alam ang kuta ng Black Dragon. Dumiretso ako sa rooftop matagal tagal na din kasi noong huli akong pumunta ditto upang magbasa. Panay kasi ang utos ng magaling kong master sakin. Ngayon lang ako nagkaroon ng libreng oras para sa sarili ko.   Hayss, nakakalungkot isipin na ang akala mong payapa at simpleng paaralan ay nababalot pala ng hiwaga at kababalaghan.   “Argon” tawag ng isang tinig sa pangalan ko. “Oh, ikaw pala Neon. Ilang araw ka ding hindi pumasok ah?” tanong ko ngayon kay Neon na may hawak ding libro katulad ko. Syempre ano pa bang ginagawa ng isang nerd sa rooftop.   “A--Ano, nadala ako sa libro kong nabasa kaya di ako pumasok” sabi nya habang nakatingin sa ulap   “Mukhang maganda talaga ang libro nay un ah, anong title ng story? ”tanong ko sa kanya   “The secret of EA” sagot nya, mukhang horror yata o mystery yung genre “Ah, pagtapos mo pabasa ako ah” “Sure, sige Argon alis na ko ha” pagpapaalam nya sakin at tuluyan ng umalis. Mukhang hanggang ngayon ay apektado parin sya sa librong binasa nya, weird. Napatingin ako sa librong naiwan nya na ngayon ay nakapatong sa bench, nakataob ito ngunit kitang kita na ang kalumaan ng libro. Alangan na kinuha ko ito upang ibalik sana kay Neon nang makita ang title ng libro.   “The Secret of EA?”bulong ko, Weird.  hindi kaya ito ang libro na sinasabi ni Neon. Dahil sa pinanganak akong curious binuksan ko ito.   Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ang librong hawak ko. Bakit ba hindi ko to naisip! Kailangan kong mahanap si Neon.   Kung hindi man ako nagkakamali, ang ibigsabihin ng EA ay Elysium Academy. Sa madaling salita ay may alam si Neon sa nangyayari sa loob ng paaralan nato. Paano nya nakuha ang libro?   Dapat ko bang ibigay sa kanya to. O ipaalam muna sa mas may authoridad.   “Argon” muntik ko nang mahagis ang libro dahil sa boses na narinig ko. Agad kong tinago sa likod ko ang libro. “B-bakit nandito ka Kypton?” tanong ko. “Tss, bakit bawal ba ko dito?”inis na tugon nya “Ah eh, hindi naman “ kinakabahang sabi ko “May itinatago ka ba sa likod mo?” patay, pano nya naman nahalata. “W-wal-“ pero bago ko man maitanggi ito ay kinuha na nya ang libong hawak ko. Maging sya ay nagulat noong makita ang libro.   “Bakit na sa iyo to Argon?” may pagtatakang sabi nya. “Hindi saakin yan, napulot ko lang ang librong yan” pag sisinungaling ko, dapat ay protektahan ko ang kaibigan ko. Saka ko nalang sya tatanungin tungkol sa libro.   “Alam mo ba kung gaano ka panganib ang librong ito, hindi mo dapat mabasa ito” muli ay sabi nya at tumalikod   “Pero bakit? Ano ba yang libro na yan?” taking tanong ko   “Ito ang buong sikreto ng Elysium Academy, tanging makapangyarihang tao lang dito sa Elysium ang dapat humawak nito, mukhang may kumuha nito sa silid ng Principal” sagot nya.   Nanlaki ang mga mata ko, hindi maari. Paanong na kay Neon ang libro na yan. Hindi kaya sya ang kumuha ng libro sa mismong silid ng Principal? Ibig sabihin ay alam na din sya ang sikreto ng Elysium Academy   “Krypton!” sigaw ko   “Why” sagot nya habang daladala ang libro.   “Pwede bang magtanong?” tanong ko   “Nagtatanong ka na” Grr.! Pilosopo talaga tong dragon na to.   “Ano kasi, simula noong nalaman ko ang sikreto ng Elysium Academy, ay napapadalas na ang mga panaginip ko, may kinalaman ba yon sa nakaraang buhay ko?”   Tila nabigla s’ya sa tanong ko. “H-hindi ko alam Argon” yun lang ay umalis na sya. Hilig n’ya talaga na talikuran ako.   Imposible, yan ang tanging sagot sa sinabi ni Krypton, Dahil alam kong nag sisinungaling sya sakin alam kong alam nya ang sagot, at may tinatago sya. Gusto kong malaman yun. Pero paano.   Ringg~ ring~ Tiningnan ko ang telepono ko, ant ay tumatawag, di sya registered number. Kung nagtataka kayo kung bakit may cellphone  ditto yun ay dahil ilusyon lang ng nakaraang buhay ang Elysium Academy at maaring nagagamit ang mga gadgets sa lugar na ito.   “Hello?” tanong ko sa tumawag     “Kamusta ka na Argon” sabi ng boses sa kabilang linya. Tumaas ang mga balahibo ko. Hindi ako pwedeng magka mali, Sya ang leader ng Black Dragon Organization.   “B—Bakit  napatawag ka? Anong kailangan mo sakin?” nauutal kong tanong   “Relax, Hindi mo ba ko namiss, gusto ko lang makipag kita sayo mamayang gabi” sabi nya   “At bakit naman? Anong kailangan mo” tapang kong tanong.   “Ayaw mo bang malaman ang tunay mong katauhan?” sahalip ay tanong nya.   “Pwede ba wala akong oras para makipag lokohan!” sigaw ko sa kabilang linya   “Hahaha!, Hindi mo padin ba alam ang mga katanungan tungkol sa mga panaginip mo?” tuksong tanong nanaman nya   “W-wala akong alam sa sinasabi mo!”   “Mukhang hindi pa ito ang oras upang magkita uli tayo Argon, wag kang magugulat isang araw ay padudukot ulit kita, ingat ka hahah!” unbelievable! Nababaliw na ba s’ya, kelan n’ya ba ko titigilan! Napaisip ako sa sinabi n’ya, tama siya. Mukhang alam nya ang mga katanungan na bumabagabag sakin dapat ay tinggap ko na ang paanyaya nya. Pero wala, pinangunahan ako ng takot. Takot na baka pagsisihan ko ang mga malalaman ko, hindi pa ko handa upang malaman kung bakit nandito ako, at ang rason kung bakit ako namatay.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD