Argon’s POV
Maaga akong nagising ngayon, siguro ay naninibago lang ako dahil alam ko na na di normal ang mundong ginagalawan ko. Na kung dati ay akala ko ay normal na Academy lang to, ngayon ay hindi na. Nagbago na ng tuluyan ang pananaw ko, kasabay noong nalaman ko ang isa sa mga sikreto ng Elysium Academy. Alam kong hindi lang ako ang nag iisa madami kaming nakaka alam. Ngayon ay alam ko na kung bakit sinabi ni Neon ang mismong depinisyon ng Elysium dahil nandoon na mismo ang sagot.
Mabilis na natapos ang klase at dumiretso na ko sa SSG Council may ipapagawa daw kasi si Monster ay este Master. Ilang araw na ang nagdaan nung araw na nadukot ako ng taga Black Dragon Organization, gaya ng inaasahan ko hindi ko na nakita si Lithia. Gusto ko sanang kausapin sila Francy at Titania kaya lang nag aalangan ako. Alam kong nangungulila parin sila sa pagka wala ng dating Leader. Naalala ko tuloy yung huling habilin sakin ni Lithia.
“Aray” bulong ko sa sarili ko. Naka bangga nanaman ako ng pader.May problema yata sakin ang mga pader ng Alysium academy eh. Nag angat ako ng tingin. Ganon nalang ang pagka gulat ko nang mapagtanto kung sino ang nabangga ko. Hindi sya pader.
“ long time no see, Ms. Argon” nakangiting bati sakin ni Xenon. Bakit ba lagi nalang akong nakakabunggo ng gwapo. Himala at nagpakita sya ngayon.
“ Oh? Tititigan mo lang ba ko? Namiss mo agad ako.” Ngayon ay nakangisi nyang sabi. Tssk. Bakit ganon parehas namn silang gwapo ni Krypton pero bakit mas may impact sakin yung smirk ni Krypton. Speaking of the devil. Baka umuusok na ang ilong non kakahintay. Ayaw na ayaw pa naman non ang naghihintay.
“H—Hindi kita tinititigan no. nahilo lang ako kase nabangga ako sayo kala ko pader” pagpapalusot ko sa kanya. Assuming ng lalaking to.
“Ouch!” umaarte pang nasasaktan ang puso, “ mukha pala akong pader sa tingin mo. Ok ka naba ? samahan kita sa clinic?” pag yaya nya sakin. Akmang hahawakan nya na yung kamay ko ng biglang may kumuha non.
“ You know Argon, I hate waiting right” sabi ng lalaking kararating. Siguro ay alam nyo na kung sino yon. Walang iba kundi ang monster/devil/dragon kong Master.
“Easy Kyp. High Blood ka nanaman eh” sabi ni Xenon kay Monster este Master.
“Let’s go”sa halip na sagutin si Xenon ay yun lang ang sinabi nya at tinangay na ko papunta sa Student Council
Pero bago kami pumasok ay huminto sya at humarap sakin. Now Argon you’re dead.
“Why you took so long?How many time I need to tell you that I hate waiting? And then I saw with other man talking about bullshit” sunod sunod n’yang sabi sakin. Mahina lang yun para di marinig ng ibang tao pero kitang kita ko ang mga nanlilisik na mata saking direksyon. Double dead ka Argon dahil sa fan girls nya.
“Look, I’m on my way nung nabangga ako ni Xenon then kinamusta nya lang ako that’s it” pagpapaliwanag ko. Sana paniwalaan nya. Kala ko ay magbabago na ang pakikitunggo nya sakin matapos ang nangyaring pag dukot sakin hindi naman pala balik lang kami sa Master/Slave o Cat/Dog na turingan.
“Whatever” yun lang ang sagot nya saka tumalikod na at naglakad na patungo sa SSG council. Bwisit talaga yun iniwan ako.
May sinabi pa sya pero di ko masyadong marinig kase mahina. Bipolar ba sya.
Pagbukas ko ng pinto akala ko ay si Krypton lang ang madadatnan ko. Nagkamali ako dahil nandito ang ibang Student Council officers. Ngayon ko lang sila nakita ah
“G--Good morning” batik o sakanila. Naiilang ako dahil bukod na alam kong matalino at kare respeto sila, ay di maidedeny na Magaganda at Gwapo sila. Napatingin ako kay Krypton. As usual ay seryosong seryoso ito sa mga pinipirmahang dokumento.
“Whaaa! You’re so cuteee! You must be Argon right!?” bukod sa nabingi ako sa sobrang lakas ng boses nya ay nabingi din ako sa compliment nya sakin, I take it compliment kesa sa insult. Muka kasi syang masayahin at mabait dagdag nyo na yung maganda.
“A--Ako nga” yun lang ang nasagot ko. Sabi sa inyo may allergy ako sa mga magaganda at gwapo. Side effect nito ay ang pag uutal ko.
“Pagpasensyahan mo na si Arsenica , Ms Argon. Ganyan talaga sya” sabi naman ng nakasalamin na lalaki.May katangkaran ito. My looks din sya kahit may glass. Arsenica pala ang name ni ateng Hyper daig pa ang nakainom ng isang galong kape at nakakain ng dalawang kahong chocolate.
“But Boron! Gusto ko lang naman syang maging friends!” muli ay nabasag nanaman ang ear drums ko dahil sa tili nya.
“Arsenica Mia Smith! Tumigil ka sa pagtili mo. Nakakabingi!” Sigaw ni Boron kay Arsenica.
Teka, ano ulit ang apilyedo nya? Smith, don’t tell me kapatid nya si Francy Smith
“Smith?, Related ka kay Francy Smith” tila curious kong tanong, wala naming masama sa pagiging curious basta bawasan at ilugar.
“Whaaa! Kilala mo si Ate Francy?” sigaw nya nanaman, di ba sya sanay magsalita ng di sumisigaw. Pano kaya kung magsama pa sila ni Francy
Oh well di nako magtataka bakit ganyan ang ugali nya, magkahawig sila at mag sing ganda. Kamukang kamuka nya ang ate Francy nya. Mas maingay lang yata si Arsenic ng konti.
“hmm. Yeah, na meet ko s’ya minsan dahil nag hated ako ng document sa Vocal Club” pagpapaliwanag k okay Arsenic
“Talagaaa! Whaa! I like you na Argon!” Muli ay tili nya. Hays. Kawawa ang mapapangasawa nito.
“Arsenicaa!” pagbabanta ni Boron na may halong dead glare.
Nakakatawa lang isipin na napapatiklop nya si Arsenic, fit na fit sila sa isat isa. Tahimik at maingay. Perfect Combination. Argon kelan ka pa nagging match maker!
Kanina ko pa napansin yung dalawang Tao dun sa sofa. Bakit sila nag titigan? Ano yun may laro ba sila na patagalang pumikit?
“Sila naman sila Copper at si Vanadie, kung titingnan mo para silang nag tititigan pero hindi, naglalaro sila ng Chess” pagpapaliwanag ni Boron. Teka Chess? Nasan yung Chess Board?
“Chess? Nasan yung Chess Board?” nagtataka kong tanong
“Nasa isip nila. Memorize nila ang tira ng bawat isa” sagot ni Boron
“Ahh, mukhang focus talaga sila” Pag kuwan ay sabi ko. Di mapagkakaila na matatalino lahat ang mga SSG Officers
“Hi! Argon” nakangiting sabi ni Vanadie
“Yo!” Baling sakin ni Copper
Sabay na bati sakin ng dalawa. Mukhang aware silang nandito ako kahit na naglalaro sila.
Napansin ko naman yung babae sa tabi ni Kyprton. Siguro ay isa din sya sa SSG Officer, napatingin lang sya sakin. At umirap sakin.bumalik sya sa panggugulo sa ngayon ay iritadong Dragon. Tskk. Akala ko ay mababait at makaksundo ko lahat ng SSG hindi pala.
“Pagpasensyahan mo na si Chlorie. Ganyan talaga sya masyadong sipsip kay Pres. Mukha namang linta yuck” mukang hindi lang ako ang may ayaw kay Chlorie pato pala si Arsenica”
Nginitian ko nalang sya bilang tugon.
Biglang bumukas ang pinto. Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung sino ang pumasok
“Oh nandyan na pala si Vice Pres. Eh” sabi ni Copper, habang nakatitig parin kay Vanadie. Seriously? Bakit nya nakita kung sino ang pumasok habang nakatingin sya kay Vanadie. Mukang madami syang mata.
“Morning Vice” bati ni Boron
“Gooood Moorningggg Xenon!” sigaw ni Arsenica.
Oo tama, si Xenon Lee, Sya ang tinaguriang Vice President ng Student Council.Pano nangyari yon? Sabagay wala naman akong pake nung nag botohan eh
“Mukang pinagtatagpo tayo ng landas Ms Argon” Nakangising sabi ni Xenon. Nang aasar ba sya?
“Ikaw pala ang Vice Pres. Bat di mo sinabi sakin?” taking tanong ko.
“Di mo naman tinanong eh” pamimilosopo nya. Tskk. Kaano ano nya ba talaga si Krypton, parehas silang pilosopo.
“Ms Argon, hindi kita pinapapunta dito para makipag kwentuhan”epal ni Krypton, hayan na bubuga na sya ng apoy.