Argon’s POV Finally our final battle has come, the graduation. Tumingin ako sa paligid, Prente lang akong nakatayo sa taas ng rooftop, tinitingnan ang mga estudyante na abala sa pag aayos ng upuan at iba pang kailangan sa gaganaping na graduation day. Kung titingnan ay iisipin mo talagang walang mali sa lugar na ito, na simpleng studyante lang sila at simpleng paaralan lang ito. Pero sa likod ng pangalan ng paaralan na ito ay nakatago ang lahat ng sikreto, mga sikretong babago at gigising sa pagkatao mo. Naiisip ko, paano kung hindi ko nalaman ang sikreto ng Elysium Academy? Isa din kaya ako sa mga estudyante na may matamis na ngiti ngayong araw na ito, mga estudyante na walang ka edi-ediya sa mga nagyayari sa labas at loob ng paaralan na ito. Ang lahat ng ito ay pawing kathang isi

