Natagpuan na lamang niya ang sarili na nangangalahati na niya ang libro na nirekomenda sa kanya nang araw din iyun ay binasa niya iyun at Panay ang pang-aasar ng pinsan sa binabasa niya. Pambata lang daw ang binabasa niya pero napuna niya na malalim ang pagkakaenteres ni Doll sa kwento ng mga lobo.
Hanggang sa makauwi siya sa kanila pinagpatuloy niya ang pagbabasa hanggang sa makatulugan niya iyun.
"Doll?"pagtawag niya sa dalaga na nakatalikod sa kanya.
Hindi niya ipagkakamali ang pamilyar na buhok nito na nakatirintas at ang kulay niyun.
Blanko ang mga mata nito na humarap sa kanya. Bigla siya nakaramdam ng kaba.
May iba siya nakikitang ekspresyon sa silver nito mga mata.
Galit at pagkadismaya,ang dalawang emosyon na iyun ang nakikita niya sa blanko nito mga mata.
" Doll.."anas niya.
"Hindi ka naniniwala sa mga tulad namin! Anong karapatan mo para husgahan ako?! Kasalanan ko bang maging ganito ako?!"
Naguguluhan na tinitigan niya ang dalaga.
"H-hindi kita maunawaan,doll," aniya at tangka niya ito lalapitan pero bumagsik bigla ang hitsura nito.
"Kung ayaw mo sakin puwes mas mabuti pang tapusin ko na lamang ang buhay mo!"puno ng galit nito saad.
Dumilim ang paligid at lumakas ang hangin.
Nakita niya ang paglundag ng babae sa kanya at nagbago ito ng anyo. Anyo ng isang malaking lobo!
Malakas na napasinghap ang binata ng magising siya.
Humihingal na tinitigan niya ang libro na nasa gilid niya.
Napahilamos siya ng kanya mukha. f**k him! Nanaginip siya! Hindi lang yun si Senneth ang nasa panaginip niya at naging malaki lobo ito!
He chuckled." s**t,nasobrahan ata pagbabasa ko ng libro ito.."anas niya sa sarili at dinampot ang libro.
"Yeah,isang lobo at si Doll pa taLaga? That's crazy,right?" anas niya habang nakatitig sa hawak na libro.
It's old book. Pero mukha bago pa dahiL maingat ang may-ari o marahil wala pang nagtangka magbasa niyun.
Bumangon na siya dahil excited na siya makita muli si Doll. Ibabalik na lang niya ang libro hindi niya kaya panindigan ang pagbabasa nun dahiL hindi niya gusto na pati si Senneth ay paghinalaan niya ganun ang katauhan. He is not crazy to believe that.
Senneth Stonex,her real name. Pero mas gusto niya tawagin ito doll.
Heck,malala na siya. Hindi na naalis sa sistema niya ang dalaga.