TBW SERIES5: THIRTEEN

463 Words
ILang minuto na lamang at magsasara na sila. Wala na rin naman na mga tao Kaya sinimulan na niya ang mag-ikot-ikot para suriin ang mga librong nawala at ayusin ang mga nagulo sa pagsasalansan. Inubos niya ang oras sa mga libro. Nasa gitnang hilera na siya ng shelves ng makaramdam siya ng pagkaluskos. Naging alerto siya,alam niya siya na lang ang naroroon. Napatingin siya sa taas. Mula sa mataas ng hagdanan na ginagamit para maabot ang libro na nakasalansan sa taas ay naroroon ang isang batang babae na hinuha niya ay nasa 12yrs.old pa lang,pilit nito inaabot ang isang libro. Hindi na sana niya aabalahin pa pero sarado na siya kaya kailangan na niya ito sabihan pero baka naman matakot ito sa kanya lalo PA at naririnig niya ang usapan mula sa mga kabataan na may white lady sa dulo ng shelves. She know that was her. Napailing na lang siya sa gawa-gawa ng mga kabataan iyun. Hahayaan na sana niya ang batang babae nang bigla ito sumablay sa inaapakan nito. Mahuhulog na ang bata at mabilis ito bumubulusok pababa. Bigla huminto ang lahat sa paligid. Walang paggalaw na nangyari . Pati ang pag-ikot ng kamay ng wall clock ay huminto rin. Tangi si Senneth lamang ang buhay na gumagalaw sa walang buhay na paligid. Mabilis na inabot niya ang bata mahulog at ilang dangkal na lamang ang taas nito bago ito mahulog sa sahig. Tuntong siya ng ladder at maingat na itinayo roon muli ang batang babae at pinakapit sa hawakan. Pagkatuntong niya ng sahig. Muli bumalik sa dati ang lahat. Muli nagkabuhay ang paligid at umiikot na Muli ang kamay ng wall clock. Narinig niya bahagya napatili ang batang babae. Kumubli siya sa likod ng shelves sa likuran lang nito ng maramdaman niya nagkukumahog bumaba ang batang babae at tumakbo palabas roon. She sighed. Muntik na taLaga ang batang iyun kung hindi malamang nabagok o napilayan na ito. Marahil nagtataka ang bata kung bakit ito nakatayo pa rin doon gayun alam nito nahulog ito kaya Siguro nagmamadali ito umalis dahiL sa takot. Muli na lang niya ibinalik ang atensyon sa mga libro. Siguro naman wala ng iba pang natira tao rito bukod sa kanya.. Ayaw niya ginagamit ang kakayahan niya iyun. She can turn back the time if she want pero limitado ginagamit lang niya iyun kapag may kailangan siya libro na gusto niya makuha na nagmula pa sa nakalipas na henerasyon. Ang mga personal collection niya ay pawang nanggaling sa nakaraan kaya ganun na lamang ang pagkamangha ng mag-asawang Wilson dahiL sa originality na nanggaling ang mga libro niya. Pero hindi niya gusto dayain ang oras at panahon kaya maingat siya sa paggamit nun at gaya na lamang kanina,gagamitin din niya iyun kung kinakailangan gaya ng pagligtas ng isang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD