TBW SERIES5: FIFTEEN

396 Words
Nagkamali ata siya ng desisyon na tanggapin ang pakikipagkaibigan ni Gil. Hindi naman kasi kaibigan ang inaasta nito sa kanya. Feeling boyfriend ito kung umasta,kailangan alam nito ang naging araw niya daig pa nito ang reporter dapat alam ang lahat na detalye na nagyayari sa kanya. "Bakit wala kang celpon? Paano kita makokontak Nyan?" bulalas ni Gil. Hapon na iyun at madalang na ang mamimili sa shop niya. She sighed. "Hindi ko kailangan ng celpon o anupaman bagay,mabubuhay ako na wala ang mga iyun," malamig niya saad habang iniiisa isa niya ang mga shelves. Nakabuntot naman sa kanya ang binata. "Ganun? Eh di bilhan na lang kita para naman magkakontakan tayo," nakangiti nito saad. Malamig niya ito tinitigan. "Sa tingin mo wala akong pambili nun?"supla niya rito "Uh,hindi naman sa ganun,doll.."kakamot-kamot sa ulo nito turan. "Araw-araw ka na nga nagpupunta dito hindi ba? Kailangan pa ba nun? Higit sa lahat hindi tayo magkasintahan para alamin ang bawat minuto na nangyayari sa buo araw natin?" pagtataray na niya rito. Ngumuso ito na parang bata na sinermunan ng magulang. "Gusto ko lang naman malaman ang ginagawa mo araw-araw at gusto ko ganun din ikaw sakin,alam mo yun..Yung feeling na lagi mong iniisip kung ano ginagawa mo araw-araw sarap kaya sa pakiramdam na nalalaman mo ang ginagawa ng tao espesyal sayo,"anito. She sighed. " Matanong nga kita,Gil.." Napangiti ito ng sambitin niya ang pangalan nito. Pinatili niya blanko sa emosyon ang anyo niya pero mukha immune na ito sa kanya. "What is it,doll?" "Tapatin mo nga ako,ano ba taLaga intensyon mo sa paglapit-lapit mo sakin ha?" Hindi agad ito nakaimik pero agad din nakabawi. "I want to know you more..." "Why?" tanong niya muli. Bigla ito sumeryoso. "Actually,hindi ko din alam basta ang alam ko gusto ko mapalapit sayo,hindi ka na mawala sa isip ko,Sen...hindi ako mapakali kapag hindi kita nakikita,I don't know why,hindi naman ako ganito sa isang babae,Sen.." anito at humugot ng malalim na hininga. Mataman siya nito tinitigan ng mga mata nito. "Pakiramdam ko kasi may malaki tayo koneksyon sa isa't-isa...alam mo yun,like a soulmate.." Nanatili siya nakamata lang sa binata hindi siya nakapalag ng abutin nito ang kamay niya at mahigpit nito iyun hawakan. "Hayaan mo lang ako mapalapit sayo,doll...just let me be with you until the end," may pagsusumamo nito saad. Naiintindihan niya kung bakit ito ganun. Konektado sila sa isa't-isa like a soulmate,right.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD