CHAPTER 18 Mabilis lang kaming nakarating sa yate na naghihintay sa ‘min. Sa likuran ko ay tanaw ang makapal na usok at kulay dilaw at pulang apoy na tinutupok ang daungan na West Bay. Sa deck ng yate ay kita kong naghihintay na roon sina Shanon at Leron. Kahit na papikit-pikit na ang mga mata ko, kita ko ang pagkapanatag sa kanilang mga mukha. Tinulungan kami ng mga guard paakyat sa yate, inalalayan na rin ako ni Brian. Kinaya ko namang tumayo at umakyat kaya lang ay nahihilo pa talaga ‘ko. “You better take some rest, Ian,” aniya nang tuluyan kaming makasampa. Isang beses akong pumikit bago tumango sa kanya. Pinasadahan ko muna ng tingin sina Liam at Shiro na ngayon ay bitbit ang tulog na naming bihag. Bumaba ang tingin ko sa benti nito at mas lalo ko lamang nakompirma ang hinihinala

