“Yikes, Daddy! You’re being a baby!” Zavia exclaimed. “Why? I’m also her baby,” giit niya habang umiiling lamang na natatawa si Perry. “Breastfeeding na kasunod niyan,” sumama ang tingin niya sa kakarating lang na si Elijah at naupo sa harap nila kasama si Avery, “May bata, Elijah,” sita nito. Inabot ni Zavia ang ulo niya at nilapit sa bibig nita, “What’s breastfeed, Daddy?” mahinang tanong nito sa kanya. Ilang ulit siyang napakurap upang maghanap nang masasagot. Tumingin siya kay Perry ngunit pigil ang ngiti na umiwas lamang ito ng tingin. Si Avery at Elijah ay gan’un din ang ginawa dahil sa malamang ay narinig nito ang tanong ni Zavia. “It’s when a baby is having milk from her mother--like you when you were still a very little baby,” paliwanag niya. Ilang ulit na tumango ito na na

