Matapos niyang tumulong sa mga kasambahay na ligpitin ang pinagkainan nila ay nahagip ng mata niya nang mapadaan siya sa sala patungong kwarto niya ang tumatawang Isma kasama ang ina niya at si Zavia. Nang silipin niya ay nanonood itong Tom and Jerry. Walang ingay siyang lumapit sa likuran ni Isma at binulungan ito, “Let’s talk.” Umayos rin siya ng tayo agad at naglakad na patungong kwarto at hindi na pinapansin ang tanong nito. She crossed her arms over her chest while waiting for Isma to appear in front of her. Nang bumukas ang pinto ay agad niya itong nilapitan na may masamang tingin, “Akala mo ba nakalimutan ko na ang ginawa mo kanina?” Awang ang bibig nito habang umaatras hanggang sa lumapat ang likuran nito sa pinto. He chuckled and raised both of his hands, as if surrendering, “C

