She woke up catching her breath. It must be a dream, right? Hindi totoo na pumayag siya sa alok ni Vern na kasal. Hindi totoo na sinukuan na siya ni Isma. Hindi pwede dahil magsasama na sila ni Isma. "Persia, how are you feeling? May masakit ba sa'yo?" nilingon niyang mukha nang nag-aalala na si Vern. Nasaan siya? Puro puti ang nakikita niya. "Vern—" "Dinala ka namin sa hospital dahil nawalan ka nang malay habang inaayusan," paliwanag nito. So, it's true… magpapakasal na nga siya sa lalaking hindi niya mahal. "Vern, I want to tell you something," usad niya at kinuha ang kamay nito. "Vern, we can't do th—" "Anak! Gising ka na pala!" bungad ng ina niya na dumating kasunod ang ama niya at ang mga Romulo. Agad siyang dinaluhan ng mga ito at tinanong ang nararamdaman niya. "Pers

