Halos hindi na niya mahagilap si Isma s aumaga dahil maaga itong umaalis at gabi naman na kung umuwi. Naiintindihan naman niya na kailangan nga ito sa Negosyo at lalo na sa magaganap na anniversary party dahil ito ang man of the event. "Wow. Hindi ka talaga nakakasawang purihin, Perry. Lagi kang may mas i-gaganda pa," saad ng Madame nang magkita sila sa sala ng mansiyon matapos niyang ayusan. "Ikaw rin naman, Madame. Ang ganda n'yo po lalo," ganting puna niya dahil totoo naman. Sa edad nito na halos singkwenta ay hindi mo mahahalata na nalalapit na itong maging senior citizen. Nauna na ang mga lalaki sa party dahil may importante pa raw itong mga lakad. At oo, Elijah is home with Avery. Naglalakad na ito pababa ng hagdan na suot ang kulay dark red na long gown. Ilang beses muna sila

