She’s enjoying her coffee and reading articles that may help her find a job. May mga dyaryong nakalatag sa coffee table niya habang tulog pa si Zavia. Iniisip niya kung sino ang magbabantay sa anak niya kapag nakahanap na siya ng trabaho nang makarinig siya nang katok sa pinto. “Good morning,” bati nito at agad na pumasok. She realize something, “Elijah, hindi ka busy ngayon, ‘no?” Nilapag nito ang dalang mga pagkain sa mesa at tiningnan siya nang may pagtataka, “Why?” “Wala--sagutin mo na lang,” giit niya bago ito sinundan sa kusina. “Wala akong trabaho dahil kulang na lang pati pagiging utility, aakuin na ni Isma,” natatawa na sabi nito. Her forehead creased, “Oh, wala ka naman pa lang gagawin,” she patted his shoulder, “Bantayan mo anak ko--thanks!” Agad siyang naglakad papasok

