Chapter 30 WAYLON… PARA akong baliw na kung saan-saan nagpunta, mahanap ko lang si Vista. Kahit sa airport hinanap ko na siya, nagmakaawa ako sa mga guard na papasukin ako dahil hahanapin ko si Vista. Pero wala, hindi nila ako pinapasok at higit sa lahat hindi ko na alam kung saan ko hahanapin si Vista. “My men,” tawag sa akin ni Keiran na siyang kasama ko ngayon. Nasa loob lang ako ng apartment ko ngayon, kasama siyang lumalaklak ng alak. Wala na sumuko na ako, ayoko ng maghanap sa taong ayaw namang magpahanap. “Ang unfair niya, basta na lang siyang nang-iiwan.” Hindi naman kumibo si Keiran at inabot na lang ang isang bote ng beer na nasa tabi niya rin naman. “Kung kailan naman okay na, tanggap ko na nabago na lahat sa buhay ko. siya na ang priority ko, siya na ang uunahin ko sak

