Chapter 36 WAYLON… KANINA KO pa siya tinitignan, mula pa nang umalis kami sa opisina ko hanggang ngayon na nakasakay kami sa sasakyan ko. Para kasi akong nananigip habang tumatagal na kasama ko siya. “Eyes on the road, d**k head!” ani Vista sa akin. I look at the road as she said, hindi naman kami mababangga. Una sa lahat hindi kami umaandar, nasa parking lot pa lang kaming dalawa at naghihintay ako ng sasabihin niya. Although nakasakay na nga kami sa sasakyan ko kanina pa. Gusto kong matawa pero pinigilan ko ang matawa, mahirap kasing espelingin si Vista. “Alam kong natatawa ka, subukan mo lang talagang tumawa baba ako.” banta pa niya sa akin. Mas lalo kong ginalingan na hindi matawa, at kailangan ko ng distraction kapag ganito. I look at her again, nakatingin pala siya sa akin.

