Chapter 38 VISTA… TOTOO BANG NASA loob na ako ng bahay ni Waylon at kasama ko ngayon na kumakain ang mga kapamilya niya. “Ma, please hindi pwedeng kumain ng marami si Vista.” saway ni Waylon sa Mama niya. Ako naman tahimik lang na tinatanggap ang lahat ng pagkain na inilalagay o iniaabot sa akin ng Mama ni Waylon. Hindi lang ang Mama ni Waylon ang may inaabot na pagkain sa akin, maging ang kapatid ni Waylon. “Anak, huwag kang ma-offend ha. Ang payat mo kasi, kailangan magkalaman ka muna bago kayo mag-baby ng anak ko. Aba hindi madaling magbuntis tapos payat ka,” ani ng Mama ni Waylon. I felt weird but I didn’t answer her by words, ngumiti na lang ako. I don’t want to speak about pregnancy at this point. Tinignan ko si Waylon, akala ko sasawayin niya ang nanay niya pero nakangiti lan

