SATURDAY afternoon. Walang pasok si Caleb sa trabaho pero sandaling umalis ito. May sandaling meeting lang ito sa labas sa lawyer nito para sa ilang legalities ng properties. Samantalang si Serena naman ay naiwan sa bahay kasama si Pao-pao. Nakabalik na rin ang mga kasambahay sa bahay. Isang araw lang na pinag-day off ito ng asawa para subukan siya sa pag-aalaga ng tuta na mag-isa. Naka-focus ang atensyon ni Serena kay Pao-pao simula nang dumating ito sa buhay nila. In fact, hindi na siya ulit bumalik sa kompanya ng asawa nang dumating ito. At hindi na pag-iinarte ang dahilan niya. Gusto niyang personal na alagaan ang tuta. Wala namang reklamo roon si Caleb. In fact, nagustuhan pa nito iyon. It's like being a traditional wife. Tinatawag-tawagan na lang siya ng Marketing para k

