BASANG-BASA na ng pawis ang face towel ni Caleb. Kabadong-kabado siya. Sabi nila, kapag nanganganak daw ang isang babae ay parang nag-aagaw buhay na rin ito. Pakiramdam niya ay ganoon rin siya. Pagod na pagod at hindi siya mapakali habang naghihintay sa labas ng delivery room. “Nahihilo na ako sa `yo, Anak.” Cool lang na wika ng ama ni Serena. Kasama niya itong naghihintay. Treinta minutos na simula nang ipasok sa delivery room ang asawa. Nanganganak ito ngayon sa panganay nila. Nabuo ang anak nila nang mag-honeymoon sila sa Paris, France. Nasa labas si Caleb dahil ayaw na ni Serena na papasukin siya sa delivery room. Sabi nito, mas mukhang mauuna pa raw siyang mawalan ng malay rito. Takot na takot siya sa lagay ng asawa at ng magiging anak. “Dad, paano kung may mangyaring masama kay Se
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


