"AKO NA ANG bahala kay Seb, Daddy." Masiglang wika ni Serena sa ama. Halatang nahihirapan na ang Daddy niya sa pag-aasikaso ng isang taong gulang niyang kapatid. Gusto niyang tumulong sa pag-aalaga rito. Ten years old na siya. Malaki na siya. Kaya na niya ang responsibilidad na iyon. "Sigurado ka ba, Anak? Malikot ang kapatid mo. Baka hindi mo siya kayanin." "I'm a big girl na, Daddy. Kayang-kaya kong alagaan si Seb." Kinindatan pa ni Serena ang ama. Itinaas rin niya ang kamay para makita ng ama na seryoso siya. Kinuha niya rito si Seb. Bumuntong-hininga ang ama. "Sige na nga. Nag-aalala na rin kasi ako sa Mommy mo, eh. Pupuntahan ko muna siya." "Okay, Daddy!" wika ni Serena. Ibinigay na ng ama ang kapatid sa kanya. Masayang nilaro niya si Seb. Sinamantala ni Serena ang pagkak

