"MAHIGPIT na bilin po ni Sir Caleb na hindi kayo puwedeng lumabas, Ma'am." Seryosong wika ng security guard sa bahay ng asawa nang subukang lumabas ni Serena. Expected na rin naman dapat iyon ni Serena. Nang makita ng mga kasambahay na mukhang aalis siya ay ilang beses siyang pinigilan ng mga ito. Pero pabebe si Serena. Hindi siya mapipigilan. Inikot ni Serena ang mata. "Nagpaalam na ako kay Caleb. Pumayag siya," Nagkatinginan ang security guard at ang dalawang kasambahay na sinundan siya hanggang sa gate ng bahay. Ayaw rin siyang pagbigyan ng driver kaya naisip niyang magbiyahe na lang. Hinarang naman siya ng security guard. "Wala po kaming naririnig na tawag kay Sir Caleb, Ma'am. Susundin lang po namin kayo kapag may narinig na po kami na tawag kay Sir." Matalino ang mga ta

