LUMINGA-LINGA sa paligid si Crayon. Kanina pa kumakain ng tanghalian sina Connor, Bread at Shark pero si Riley, kanina pa niya hindi nakikita.
Sa malawak na bakuran ng shelter nakahanda ang tanghalian. May mga mesa silang hinanda at doon kumakain ang mga bata. Siya, si Antenna, si Ate Ellie at si Peanut ang nagluto ng mga pagkain. Hindi sila natulungan ng mommy niya dahil may duty ito sa ospital bilang isang doktor.
Tumingin siya sa malaking van na dala ng HELLO, dala kasi ng mga ito ang lahat ng instrumento ng mga miyembro.
Nasa'n na kaya si Riley?
"May hinahanap ka, Crayon?"
Nalingunan niya si Logan. Taon-taon din itong sumasama sa kanila simula nang magpasya siyang tumulong sa shelter na iyon. "Hinahanap ko si Riley. Nakita mo ba siya?"
Masuyong tinapik-tapik ni Logan ang ulo niya. "Crayon, mukhang napalapit ka na talaga kay Riley, ha?"
Naramdaman niya ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi. "Ahm..."
"Shh. Hindi mo kailangang magpaliwanag, Crayon," saway nito sa kanya. "Sa ngiti mo pa lang, alam ko nang mabuting impluwensiya si Riley sa'yo." Hinawakan siya nito sa magkabilang-balikat. "Crayon, you're twenty two now. Halos sampung taon na rin simula nang... simula nang mangyari 'yon. Masaya akong makitang nakakapag-move one ka na."
Naramdaman niya ang pangingilid ng mga luha niya. Nakikita niya kasi ang sinserong pagmamalasakit sa kanya ni Logan.
"Are you happy, Crayon?" tanong ni Logan.
Napangiti siya kasabay ng pagpatak ng mga luha niya. "I'm happy now, Logan."
"I'm sorry, Crayon."
"Bakit ka nagso-sorry?"
"Nangako ako sa'yo no'ng mga bata pa tayo na hindi kita pababayaan. Na parati akong nasa tabi mo para protektahan ka. Pero nitong mga nakaraang linggo, hindi ko na natutupad ang pangako ko sa'yo dahil inuuna ko ang sarili kong kapakanan. I've been very selfish."
She cupped his face. Mariin siyang umiling. "Hindi, Logan. Naiintindihan ko naman kung kinakailangan mong bawasan ang oras mo sa'kin. Isa pa, nakatulong ang paglayo mo sa'kin. Ikaw ang nagturo sa'kin maging malakas. Huwag kang makonsensiya kung inuuna mo man ang kaligayahan mo. Importante ka sa'kin, Logan, kaya importante din sa'kin ang kaligayahan mo. I'm okay now."
Matagal siyang tinitigan ni Logan. Bumuntong-hininga ito saka siya niyakap. "Masaya akong makitang mas malakas ka na ngayon, Crayon. Hindi man ako parating nasa tabi mo ngayon, huwag mong kalimutang nandito ako parati para sa'yo. You're my best friend."
Napangiti siya. It was clear to her now that Logan could never be anything more than a best friend to her because they both knew that was all they could ever be. Minahal niya ito, oo, pero marahil ay mas nangibabaw lang sa kanya ang pagiging dependent dito noon.
Naramdaman niyang may nakatingin sa kanya. Hindi kalayuan sa kanila ni Logan ay nakita niya si Riley na may mga kasamang bata. He obviously looked hurt. Bigla itong tumalikod sa kanya at pumasok sa loob ng malaking bahay kasama ang mga paslit. Kumalas siya sa pagkakayakap kay Logan para sundan si Riley.
Naabutan niya si Riley na nakaupo sa sahig. Umupo siya sa tabi nito.
"The kids love you, Crayon. I can see that."
Napangiti siya. May mainit na bagay na bumalot sa puso niya. "Mahal ko rin ang mga bata, Riley."
"Rodrigo sees you as a hero. Every child here probably does. You're amazing, Crayon."
Nilingon niya si Riley. Punung-puno ng paghanga ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "I'm not that amazing, Riley. Bukod sa bigyan sila ng tahanan, makakain at maisusuot, wala na kong ibang magawa para alisin ang emotional scar ng mga bata rito."
"That's not true, Crayon. Dahil may mga taong tulad mo, sigurado akong ilang panahon lang ay gagaling na rin sila."
She sighed. "Sana nga, Riley. Sana nga."
"Mukhang malapit ka sa kanila, huh? Why, Crayon?"
Because I used to be one of them.
Marahang ipinilig niya ang ulo niya saka pilit na binura sa isipan niya ang masasakit na ala-alang nanunumbalik sa kanya dahil sa tanong ni Riley. "Malapit lang talaga ang loob ko sa mga bata," simpleng sagot na lang niya. "Bakit hindi ka muna manghalian? Kailangan mo ng lakas lalo na't tutugtog ka mamaya."
"Ayokong lumabas."
"Bakit?"
"Ayokong makita kayong magkasama ni Logan," naghihinanakit na sabi nito.
Pinigilan niyang mangiti. "Bakit?"
Riley playfully glared at her. "Nagseselos ako. Masaya ka na?"
Natawa siya. "Bakit ka nagseselos? Tayo ba?"
"Ouch."
Pabirong siniko niya ito. "Sira ka talaga. Let me guess. Iniisip mo ba uli na sinama kita rito para gamitin na pang-display sa harap ni Logan?"
"Hindi ba?"
Siya naman ang sumimangot. "Hindi ko alam na ganyan pala kababaw ang tingin mo sa'kin."
Matagal bago sumagot si Riley. "I'm sorry." Ipinatong nito ang kamay nito sa kamay niya na nasa sahig. "Nasaktan lang ako nang makita ko kayong magkayakap ni Logan. 'Yong nasasaktan ka at nagseselos kahit wala kang karapatan... mahirap."
Bumuntong-hininga siya. "Para sa peace of mind mo, naging malinaw na sa'kin na hindi ko mahal si Logan ng higit pa sa isang kaibigan."
"You don't love Logan?" hindi makapaniwalang tanong ni Riley.
"Malalim ang pagkakaibigan namin ni Logan, pero hanggang magkaibigan lang talaga kami."
"Then –"
"No," sansala niya sa sinasabi ni Riley. "Huwag ka munang umasa, Riley. Hindi ko alam kung kaya ba kitang tanggapin sa buhay ko."
Marami siyang gustong ipaliwanag kay Riley pero hindi niya magawa dahil napapangunahan siya ng takot. Kapag nalaman nito ang nangyari sa kanya ilang taon na ang nakakalipas, baka hindi siya nito matanggap. That was what scaring her.
***
NAPABUNTONG-hininga si Crayon habang nilalagay sa malaking itim na plastic bag ang mga Styrofoam na pinagkainan nila. Hindi niya alam kung pang-ilang beses na siyang bumuntong-hininga simula nang magligpit sila ni Antenna ng mga pinagkainan nila.
"Anong problema, Crayon?" tanong ni Antenna.
Umiling siya. "Sige na, Antenna. Lumabas ka na para mapanood mo si Shark tumugtog."
"Ano ka ba? Kahit araw-araw, puwede kong mapanood tumugtog si Shark. Ano bang nangyari? Nagkaganyan ka na simula nang magkausap kayo ni Riley kaninang tanghali."
"I turned him down." Nagulat siya sa kalungkutang narinig niya sa boses niya.
Matagal bago nagsalita si Antenna. "Why? I mean, no'ng una, alam kong tatanggihan mo siya, pero nagbago ang tingin ko nang makita kong nagkakalapit na kayo. Mukha namang masaya ka kay Riley, kaya bakit?"
Napayuko siya. "Natatakot ako na baka hindi niya ko tanggapin kapag nalaman niya ang nangyari sa'kin noon."
"Crayon..." Niyakap siya ni Antenna. "Huwag mong hayaang pigilan ka ng nakaraan mo para sumaya. Huwag mo ring hayaang nakawin sa'yo ng nakaraan ang mga bagay na mahalaga sa'yo ngayon."
Napahikbi siya. "I don't want him... to get disgusted by me."
"Shh... tahan na, Crayon. Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko 'to pero sa nakikita ko kay Riley, hindi mababaw ang nararamdaman niya para sa'yo, at nakikita ko rin na mahal mo na siya."
Tuluyan na siyang napaiyak. Tama si Antenna. Mahal na niya si Riley kaya nga natatakot siya ng gano'n ngayon. "I want to be with him, Antenna."
"Take a chance on him then."
Ilang saglit siyang tumahimik habang nag-iisip. Mahal niya si Riley, at okay naman sila kahit wala itong alam sa nakaraan niya. Marahil ay hindi na nito kailangang malaman ang nangyari noon, tutal naman ay kinakalimutan na rin niya iyon.
Kumalas siya sa pagkakayakap kay Antenna at pinunasan niya ang mga luha niya. "Antenna, I love Riley."
Natawa ito. "I know. We can all see that in your eyes."
Natawa rin siya. Lumabas na sila ni Antenna ng bahay. Sa bakuran ay naabutan nilang nagkakagulo ang mga bata at ang mga dalagang tauhan sa shelter na nagkakagulo at naghihiyawan habang pinapanood tumugtog ang HELLO.
Nang magtama ang mga mata nila ni Riley ay hindi na nito inalis ang tingin nito sa kanya habang kumakanta ito.
"Matagal ko nang gustong malaman mo. Matagal ko nang itinatago-tago 'to. Nahihiyang magsalita at umuurong aking dila. Puwede bang bukas na. Ipagpaliban muna natin 'to. Dahil kumukuha lang ng tiyempo upang sabihin sa'yo..." Naglakad palapit sa kanya si Riley habang patuloy sa pagkanta. Hinawakan nito ang kamay niya at tumingin ng diretso sa mga mata niya na para bang sinasabi nitong para sa kanya ang kantang iyon.
Natawa siya. Ang rakista na 'to na walang habas na inaalayan siya ng wagas nitong pagkanta ang lalaki ring walang permisong umentra sa buhay niya. At ang walanghiyang lalaki, walang babalang pinaibig din siya. Everything was unexpected and fast, but she was happy she had him. Pakiramdam niya, si Riley ang reward sa lahat ng pagsubok na kinaharap niya noon.
"Mahal kita, pero 'di mo lang alam. Mahal kita, pero 'di mo lang ramdam. Mahal kita, kahit 'di mo na ko tinitingnan. Mahal kita, kahit lagi mo na lang akong dinededma."
Natawa siya kasabay ng pagpatak ng mga luha niya. "Wow. Tinamaan ako sa huling lyrics. Riley, pasensiya ka na kung parati kitang nababale-wala noon."
Pinunasan ni Riley ang mga luha niya gamit ang mga daliri nito. "Bakit ka umiiyak, Crayon?"
Hinawakan niya ang kamay nito na nasa pisngi niya. "Natatakot kasi ako."
Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. "Natatakot saan?"
Humikbi siya. "Na baka hindi mo na ko habulin uli dahil parati kitang nasasaktan."
Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "You want me to chase you again? You're cruel, Miss."
Natawa siya ng marahan. "Malay mo, baka magpahuli na ko sa'yo sa pagkakataong ito."
Halatang nagulat ito, pero nang makabawi ay napangiti ito kasabay ng pagkislap ng mga mata nito. "Let the chase begin all over again, Crayon."