PAGBUKAS pa lamang ni Crayon sa pinto ng kuwarto ni Riley ay sumalubong agad sa kanya ang binata. Wala buhay ang mga mata nito. Nasa kalagitnaan ito ng pagpipinta dahil nakaharap ito sa isang malaking canvas. Gaya ng itsura nito noong unang beses na nakita niya itong nagpipinta, puno ng talamsik ng pintura ang suot nitong itim na V-neck shirt.
"Anong ginagawa mo rito, Crayon?" tanong ni Riley sa malamig na boses.
Sinara niya ang pinto sa likuran niya. Nilunok niya ang nakabara sa lalamunan niya. Alam niyang magiging mahirap at masakit ang usapang iyon para sa kanilang dalawa. "Ikaw? Anong nasa isip mo at nagkulong ka rito sa kuwarto mo sa nakalipas na tatlong araw?"
Itinuon muli nito ang atensiyon nito sa canvas. "Umuwi ka na, Crayon."
"Gusto mo bang tapusin na natin ang lahat sa pagitan natin?"
Natigilan ito. Dahan-dahang umangat ang tingin nito sa kanya. Gumuhit ang matinding sakit sa mga mata nito. "Siguro nga, iyon ang mas makakabuti para sa'ting dalawa."
Napahikbi siya. "You're really breaking up with me?"
"I don't deserve you."
"Dahil ba hindi mo ko natulungan no'ng mga bata pa tayo?"
Halatang nagulat ito. "Paano mo nalaman?"
"Sinabi na sa'kin ng mga kapatid mo ang lahat. You were there when I was..." Umiling-iling siya. "Ang sabi nila, nasaksihan mo ang ginawa sa'kin noon pero tumakbo ka dala ng takot."
Ang totoo niyan, nakahinga siya ng maluwag nang sabihin nina Connor at Madison iyon sa kanya bago siya dalhin ng mga ito sa bahay ng mga ito. Ang akala niya, iniiwasan siya ni Riley dahil nandidiri ito sa kanya. Ngayon ay naiintindihan na niya ang binata kung bakit ito lumayo sa kanya.
Nabitawan ni Riley ang brush na hawak nito at nag-iwas ito ng tingin sa kanya. Pero huli na ang lahat. Nakita niya ang pagpatak ng mga luha nito. "I'm sorry."
"'Yon ba ang dahilan kung bakit bigla kang lumayo sa'kin?"
Tumango ito. "Simula nang araw na iwan ko ang batang babaeng 'yon dala ng matinding takot, hindi na siya nawala sa isip ko. I was in shock after that incident. Gaya mo, tumigil din ako sa pag-aaral no'n para magpagamot. Hanggang ngayon, dala-dala ko pa rin ang guilt na 'yon sa puso ko. Madalas, napapanaginipan ko ang batang 'yon. Humihingi siya ng tulong sa'kin. Pero paulit-ulit ko lang siyang tinatakbuhan. Hindi kita natulungan noon, Crayon. I doubt if I can truly protect you."
Umiling siya. "Bata ka pa no'n, Riley. Wala kang kasalanan sa nangyari."
Nilingon siya ni Riley. Bakas ang pagtataka sa mukha nito. "Hindi ka galit sa'kin?"
"Bakit ako magagalit sa'yo? Hindi mo ginusto ang nangyari. Hindi kita masisisi kung natakot ka mang tumulong no'n. You were a child then."
Nagtagis ang mga bagang nito. "Logan was just a child then, pero nagawa ka niyang tulungan."
"Magkaiba kayo ni Logan. Hindi niya nakita ang ginagawa sa'kin noon. Pero ikaw, nasaksihan mo ang lahat ng 'yon. Ang sabi pa nina Connor, pinagbantaan ka raw ng walanghiyang matandang 'yon. How can a child like you blame himself for that?"
"I still should have helped you then," punung-puno ng pagsisisi na sabi nito. "I'm sorry."
Nadudurog ang puso niya sa nakikita niyang labis-labis na sakit at pagsisisi sa mga mata nito. "Riley, pinapatawad na kita. Patawarin mo na rin ang sarili mo. Please. Nasasaktan akong makita kang ganyan."
Bumuga ng hangin si Riley. Lumapit ito sa kanya. Tinangka nitong hawakan ang mukha niya, pero sa huli ay kinuyom nito ang mga kamay nito. He dropped his hands on his sides.
"Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa'kin ang malaman na ang batang babae na tinakbuhan ko noon ay ang babae ring mahal ko ngayon. Isipin ko pa lang ang mga pinagdaanan mo noon, nawawasak na ang puso ko. Wala akong nagawa para tulungan ka noon dahil sa kaduwagan ko. 'Yon pa lang sapat na para malaman kong hindi ako ang karapat-dapat na lalaki para sa'yo. There's someone out there who deserves you more."
No'n na pumatak ang mga luha niya. "Kung hindi ikaw, sino ang tinutukoy mong mas karapat-dapat sa'kin?"
Malungkot na ngumiti ito. "Logan."
"Pinapamigay mo na ba ko, Riley?"
Nag-iwas ito ng tingin sa kanya. "Siya ang may kakayahang protektahan ka. Siya ang mas nararapat sa tabi mo at hindi ako."
Tinatagan niya ang loob niya kahit masakit na masakit na ang puso niya. "Riley, you're asking for my forgiveness, right? Kung gano'n, handa kang gawin ang lahat ng hihilingin ko."
Nilingon siya nito. Tumango ito. "Kahit ano, gagawin ko para sa'yo."
"Isa lang naman ang hihilingin ko sa'yo." Hinawakan niya ang mga kamay nito at tiningnan ito ng diretso sa mga mata. "Huwag mo kong iwan."
Nanlaki ang mga mata ni Riley. "Crayon."
"Natatakot akong mawala ka sa'kin kaya please, dito ka lang sa tabi ko. You have to stay by my side hangga't gusto ko. 'Yon ang parusa ko sa'yo. Kaya mo ba?"
Tiningnan siya ni Riley. Kapagkuwan ay bumuntong-hininga ito at niyakap siya. "You're stubborn, Crayon."
Napangiti siya. "I missed you, too, Riley."
***
"I'M pregnant, Connor! Panagutan mo ako!"
"What the hell, Dolphin?! Paano kita mabubuntis eh ni hindi nga kita dinidikitan?"
Natawa si Crayon nang walang babalang itaas ni Connor ang blouse ni Dolphin at hilahin ang unan na nilagay ng huli sa tiyan nito para magmukha itong buntis. Nagtawanan din sina Antenna, Shark, Peanut at Bread na kasama niya sa Harury's Sweets ng mga sandaling iyon.
"Argh! Ayoko nang malanghap ang hangin na hinihingaan mo at baka mahawa ako sa kabaliwan mo," naiiling na sabi ni Connor, saka ito umalis.
Nilingon ni Crayon si Riley na hindi kakikitaan ng kahit anong emosyon habang pinapanood si Dolphin na habulin si Connor na lumabas na ng shop. Kahit na "nagkabalikan" na sila ni Riley ay hindi pa rin niya maramdamang bumalik na nga ito sa kanya. Pero nakapagdesisyon na siyang hindi niya ito susukuan.
Tumikhim siya. "Riley, nakakatuwa sina Connor at Dolphin, 'di ba?"
Tumango si Riley. "Oo nga."
Napatingin sa kanila ang mga kasalo nila sa mesa. May simpatya sa mga mata ng mga ito. Marahil ay napansin din ng mga ito na walang buhay si Riley ngayon. Ngumiti lang siya at inihilig ang ulo niya sa balikat ni Riley. Awtomatiko namang niyakap siya ng binata. Pero kahit hawak na siya nito ay hindi pa rin niya maramdaman ang init na hatid ng yakap nito sa kanya noon.
Gayunman, hindi pa rin sumuko si Crayon. Katulad ng hiniling niya kay Riley, hindi nga ito nawala sa tabi niya. Araw-araw ay hatid-sundo siya ni Riley, sa bahay at sa mga klase niya.
No'ng minsang naglalakad sila ni Riley papuntang canteen ay hinawakan niya ang kamay nito. Tinukso sila ng mga nakakita sa kanila. Ngumiti lang siya at ikinubli ang kalungkutan niya dahil kahit hawak niya ang kamay nito ay hindi naman nito iyon pinipisil gaya ng madalas nitong gawin noon.
Kaya nang masiksik sila ng mga estudyanteng papasok din ng canteen ay nabitawan agad ni Riley ang kamay niya kaya nagkahiwalay sila.
Nang minsan namang nanood sila ng sine, may nakatabi siyang matabang babae na may dalang malaking popcorn. Ubos na no'n ang popcorn na baon nila ni Riley sa loob ng sinehan. Pasimple siyang dumukot ng popcorn at nilagay iyon sa wala nang lamang box ng popcorn niya at pinakita iyon kay Riley para pagsaluhan nila. Pero himbis na matawa ito dahil sa kalokohan niya ay nanatiling blangko ang mukha nito.
"Kung gusto mo pa, ibibili na lang uli kita ng popcorn," sabi ni Riley saka ito tumayo.
Ngayon naman ay nakaupo si Crayon sa front porch ng bahay na pinagdadausan ng House Party ng HELLO. Hindi niya alam kung kaninong bahay iyon. Basta sumama lang siya ro'n dahil gusto niyang makasama si Riley.
Sa totoo lang, hindi na niya alam kung anong gagawin niya para bumalik si Riley sa kanya. Kahit kasi kasama niya ito physically, hindi naman niya ito maramdaman. Ni hindi nga nito magawang tumingin ng matagal sa mga mata niya. Sa tingin niya ay hindi pa nito lubusang napapatawad ang sarili nito. Nasasaktan siya sa mga nangyayari, pero ayaw niyang sumuko dahil alam niyang kailangan siya ni Riley.
Natigil lang ang pagmumuni-muni niya nang may maramdaman siyang mainit na bagay sa mga balikat niya – ang jacket ni Riley. Nang mag-angat siya ng tingin ay nilahad ng binata ang kamay nito sa kanya.
"Ihahatid na kita sa bahay niyo," malamig na wika ni Riley.
Nilunok niya ang nakabara sa lalamunan niya. Tinanggap niya ang kamay ni Riley. Hinila siya nto patayo. Pilit niyang ngumiti sa kabila ng pagpiga sa kanyang puso dahi sa malamig na trato nito sa kanya. "Riley, bakit hindi muna tayo mag-dinner? May alam akong restaura –"
"Hindi na, Crayon. Gabi na masyado." Hinawakan siya nito sa kamay at hinila na.
Pinigilan niya ito. "Riley."
Binitawan siya ni Riley at humarap ito sa kanya. "Crayo –"
"Nasasaktan na ko," sansala niya sa sinasabi nito. "Akala mo ba hindi ko alam ang ginagawa mo? Ipinaparamdam mo sa'kin na hindi ka karapat-dapat sa'kin para ako na mismo ang lumayo sa'yo, hindi ba?"
Nag-iwas ito ng tingin sa kanya. Ang pananahimik nito ang naging kumpirmasyon niya na tama nga ang hinala niya. No'n na tahimik na pumatak ang mga luha niya.
Nakita niyang lumabas na rin ng bahay sina Shark, Bread at Connor pero natigilan ang mga ito nang makitang umiiyak siya. Narinig niyang palabas na rin ang mga bisita sa bahay, pero hinarang ang mga ito nina Shark at Bread at muling tinulak papasok ng bahay.
"Tuloy ang kasiyahan! Kakanta ako ng libre para sa inyo!" sigaw ni Shark sa pinasiglang boses.
Si Connor naman ay sinara ang pinto ng bahay pero hindi ito umalis sa kinatatayuan nito. Hindi nito inaalis ang tingin nito kay Riley.
Pinunasan ni Crayon ang mga luha niya, pero patuloy pa rin sa pagpatak ang mga iyon. "Akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan, Riley? Kung meron mang tao na gustong kalimutan ang nakaraan, ako 'yon. But I'm trying to be strong. Alam mo kung bakit? Kasi ayokong hayaang sirain ako ng nakaraan ko. I don't want my past to ruin what we have now. Dahil natatakot akong mawala ka sa'kin. But I don't want to do this alone!"
Pinaghahahampas niya sa dibdib si Riley, pero mahihina lamang iyon. "Why won't you fight with me, Riley? 'Wag mo naman akong iwan! Stop being a coward! Please..." Dinikit niya ang noo niya sa dibdib nito. "Please come back to me."
"I'm sorry."
"You're making me feel alone, Riley."
Nang wala pa rin siyang reaksyong makuha mula rito ay lumayo na siya rito. Naramdaman niya ang paghawak ng kung sino sa braso niya – si Connor.
"Ako nang maghahatid sa'yo, Crayon," sabi ni Connor saka siya inakay paalis.
Wala man lang ginawa si Riley para pigilan siya. Nang makasakay na sila sa taxi ni Connor ay do'n na siya napaiyak ng malakas. Kung hindi siya iiyak na parang isang bata, baka tuluyan na siyang hindi makahingi sa sobrang paninikip ng dibdib niya.
"Crayon..." Napabuntong-hininga na lang si Connor. Mayamaya lang ay inakbayan na siya nito at hinayaan siya nitong umiyak sa dibdib nito.
Lalo lang siyang naiyak. Pareho kasi ng pabango sina Riley at Connor.
Kainis!
***
NAKAUPO si Riley sa pasamano ng hagdan habang naggigitara. Walang buhay at hindi maganda sa pandinig ang musikang nabubuo niya sa pagkalabit niya ng mga strings. Blangko ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.
Mahal niya si Crayon, kaya nga hindi niya matanggap na nasaktan ito noon dahil sa karuwagan niya. Pero ngayon, kahit hindi na siya bata, nasasaktan pa rin niya ito sa parehong dahilan.
"You're making me feel alone, Riley."
Naputol na ang string ng gitara niya. Napabuga siya ng hangin at binato ang gitara. Dahil sa pag-iisip niya sa sarili niyang sakit ay hindi na niya namalayang nasasaktan na niya ng husto si Crayon. All she wanted was to be with him. 'Yon din naman ang gusto niya, kaya hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit nagkukulong lang siya sa clubroom ng HELLO ngayon.
"Riley Mac Domingo!"
Nagulat siya nang pumasok sa kuwarto si Logan. Dumiretso ito sa kanya at walang babalang sinuntok siya sa mukha. Napaatras siya at napahawak sa gilid ng bibig niya. Dumudugo iyon.
"That's for hurting Crayon," mapait na sabi ni Logan. Sunod na sinuntok naman siya nito sa sikmura. "That's for being a jerk."
Tumayo siya ng diretso sa kabila ng pamimilipit sa sakit ng sikmura niya. "Kung para kay Crayon ang lahat ng suntok na 'yan, sige pa. Beat me."
"I would love to do that, asshole! Pero hindi ko gagawin 'yon dahil alam kong masasaktan si Crayon," mapait pa rin na wika nito. "Riley, mahiya ka nga sa balat mo. Sa inyong dalawa ni Crayon, siya ang may mas mabigat na pinagdaanan. But look at her. She's doing her best to be strong. Don't let her go through this alone. Both of you are damaged. If you stay as the broken boy you were years ago, babawiin ko si Crayon. She doesn't deserve a boy who can't even get over his past." Pagkatapos niyon ay umalis na ito.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang dahil sa mga sinabi ni Logan. He was right. Kung may higit mang nasasaktan sa nangyayari, si Crayon 'yon. Pero kung sino pa ang mas may pinagdaanan ay 'yon pa ang pilit na nagpapalakas sa kanya. He was really an asshole.
"s**t! What have you done, Riley?" kondena niya sa sarili, saka siya tumakbo palabas ng clubroom.
He was going to where Crayon was. Hindi niya alam kung nasaan ito, but he would find her. Natigilan lang siya sa pagtakbo nang bigla na lang sabay-sabay na nagpalipad ng saranggola ang mga estudyante sa paligid niya. Tumingala siya para sundan ng tingin ang paglipad ng mga iyon. Nagulat siya nang makitang may mga nakasulat pala sa bawat saranggola.
I LOVE YOU, RILEY.
He was overwhelmed. Iisang tao lang naman ang maaaring gumawa niyon para sa kanya.
"Can anyone please tell me where Crayon is?" malakas na tanong niya sa mga kapwa niya estudyante sa paligid.
"You're a jerk, Domingo," naiiling na sagot ng isang lalaki na may kulot na buhok. "Bakit hinahayaan mong suyuin ka ng babae?"
Tinamaan siya sa sinabi ng lalaki kaya hindi na siya umimik.
Tumikhim naman ang babaeng mukhang may dugong banyaga na kahawak-kamay ng lalaking kulot. "I saw Crayon Anne Pacia at the flower shop across Empire. I think she's buying flowers... for you." Ngumiwi ito. "My seaweed is right. You're a jerk."
Bully.
Pero dahil alam niyang tama ang magkasintahan, pinagpasensiyahan na lamang niya ang mga ito. "Salamat," aniya saka siya tumakbo palabas ng unibersidad.
Habol niya ang hininga niya nang makita niya si Crayon. Nasa kabilang kalsada ito at may hawak na isang bungkos na pulang mga rosas habang hinihintay na huminto ang mga sasakyan. Hindi siya nito nakikita dahil nakayuko ito habang inaamoy ang mga bulaklak.
"Crayon!" sigaw niya. Napamura na lang siya nang makitang may nakapasak na earphones sa mga tainga nito.
Natigilan siya nang makita niyang tumawid agad ang lalaking kasabay ni Crayon na naghihintay kahit hindi pa naman pula ang ilaw. Inakala yata ni Crayon na oras na para tumawid kaya bigla rin itong tumawid. Pakiramdam naman niya ay huminto sa pagtibok ang puso niya nang makitang may rumaragasang sasakyan patungo sa direksiyon ng dalaga.
"Crayon!"