Chapter Six

1360 Words
LOGAN calling. Crayon turned off her cell phone when she saw Logan's name on the caller ID. Hindi pa siya handang harapin ito. Matagal na niyang alam na espesyal sa puso niya si Logan. Ito ang naging tagapagtanggol niya sa loob ng mahabang panahon. Akala niya ay pareho sila ng nararamdaman, subalit alam na niya ngayong mali siya dahil nahulog ang loob nito sa ibang babae. Ga'no man niya gustong ipaglaban ang nararamdaman niya para kay Logan ay hindi niya magawa dahil wala namang dapat ipaglaban. No'ng una pa lang naman ay one-sided love na talaga ang pagmamahal niya. Halos buong buhay ni Logan pati ang malaking bahagi ng oras nito ay nilaan na nito para protektahan at alagaan siya. Pinasaya siya nito sa nakalipas na sampung taon at pinaramdam sa kanya na wala na uli masamang mangyayari sa kanya. Sa pagkakataong ito, si Logan naman ang dapat sumaya. Nakakalungkot man pero si Paige ang nakakapagpasaya rito at hindi siya. I have to let him go para sumaya siya. Nangako ako sa kanya na hindi na ko 'yong batang Crayon na kailangan niyang protektahan. Kailangan kong ipakita sa kanya na kaya ko nang mag-isa. Tinutok na lamang niya ang atensiyon niya sa pinapanood niyang movie. She was currently at the movie house. Nasa kalagitnaan na siya ng pelikula nang mag-crave siya sa popcorn. Habang naglalakad sa madilim na pasilyo ay may napansin siyang pamilyar na pigura na nakatayo sa pinto ng men's room. Tall figure in all gray and black outfit. "Riley?" Napalakas ang pagsambit niya sa pangalan ng binata dahil lumingon ito sa kanya. As usual, his jet-black hair was messy, and his eyes were sleepy. Mukhang kagigising lang nito. He c****d his head at one side. "Crayon? Kilala mo ko?" Tumaas ang kilay niya. "Natural. Parati kang kasama ng boyfriend ni Antenna." Bahagyang tumaas ang sulok ng labi nito. "Oh. I'm glad you know I exist." Tumaas ang kilay niya. Para kasing masayang-masaya si Riley na kilala niya ito. Nilagpasan na niya ang binata pero nagulat siya nang bigla siya nitong hilahin sa strap ng mailman bag niya. Napilitan tuloy siyang tumayo sa tabi nito. "Ano ba?" angil niya kay Riley. Luminga-linga ito sa paligid. Pagkatapos ay may kung ano 'tong tinuro sa loob ng CR. "Look." Sumilip naman siya sa loob ng CR. A fresh bag of popcorn was sitting unattended on the bathroom sink. Kunot-noong nilingon niya si Riley. "Sa'yo ba 'yon?" Umiling ito. "I'm wondering whether to eat it, or not..." "Hoy, Riley. Mahiya ka. Hindi sa'yo 'yan kaya bakit mo kakainin? If you don't have money, ililibre na lang kita." "I'm not poor, thank you," seryosong wika nito na tila ba nainsulto nang akalain niyang wala itong pera. Sabagay, sa itsura at tindig pa lang nito, halatang nanggaling ito sa maykayang pamilya. "Pero bakit pinagti-trip-an mo ang inosenteng popcorn na 'yan?" He turned to her. Nangislap ang mga mata nito. "It's healthy to do crazy things once in a while, you know." "Crazy things such as stealing someone else's food?" "We're not stealing it. Kanina ko pa hinihintay na may bumalik at kumuha niyan pero wala pa ring dumadating." Tumaas ang kilay niya. "Ano'ng 'we'? 'Wag mo nga akong idamay sa kalokohan mo. And, what if may lason 'yan, or worse maliit na bomba kaya 'yan iniwan d'yan?" "Don't be pessimistic, Crayon." Ipinaikot niya ang mga mata niya. "Sige, tikman mo," aniya saka ito nilayasan na. Talagang iiwan na niya si Riley nang pumasok ito sa CR. Natigilan siya sa plano niya at sinilip ang binata sa loob. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang kinain nga ni Riley ang popcorn! "Riley, okay ka lang?" Tumango ito. Pagkatapos ay lumapit ito sa kanya saka inabot sa kanya ang popcorn. "Try it." "Honey, I'm sorry. Para 'yon lang, nagagalit ka na." "Ano'ng 'lang?' I'm craving for popcorn! How dare you forget it in the movie house bathroom, no less!" Napasinghap siya. Sigurado siyang ang magkasintahang iyon na naglalakad sa pasilyo patungo sa kanila ang nagmamay-ari sa popcorn na walang pag-aalinlangang kinakain ni Riley! Na-frustrate siya sa pagiging nonchalant ng binata sa nangyayari. Inagaw niya rito ang bag ng popcorn at hinawakan ang T-shirt nito. Pinigilan siya nito sa pulsuhan niya bago pa niya iyon maingat. Nagulat siya sa pagkakadikit ng mga balat nila pero dahil siya naman ang unang humawak dito, hindi siya nag-react. But she could feel the loud thumping of her heart. "Crayon... 'wag dito..." halatang nagbibirong sabi nito dahil sa pagkislap ng kapilyuhan sa mga mata nito. "Sira! Hindi kita gagahasin, 'no!" Tinaas niya ang T-shirt nito. Napalunok siya. Who knew this sleepyhead had a washboard stomach? Ipinilig niya ang kanyang ulo saka mabilis na isinilid ang popcorn sa damit nito. "Weren't you supposed to be the one doing this?" bagot na tanong ni Riley. Inirapan niya ito. "Hindi ko pinangarap na mapagkamalang buntis sa edad kong 'to. Halika na!" Siya na ang humawak sa pulsuhan nito at hinila ito palabas. "Excuse me," pigil sa kanila ng lalaki. Kay Riley ito nakatingin. "Dude, d'yan sa CR mo ba nakuha 'yang –" "No," sansala ni Riley sa sinasabi ng lalaki, saka siya hinila patakbo na ikinagulat niya. Habang tumatakbo sila ay narinig pa nila ang usapan ng magkasintahan na nag-e-echo sa pasilyo. "Hoy, bumalik kayo rito!" "Hmp! Bumili na lang tayo ng bago at hayaan na natin 'yon sa mga walang pambili!" pasaring ng babae na alam niyang sila ang tinutukoy. Alam niyang mali at nakakahiya ang ginawa nila. Pero habang tumatakbo sila ni Riley, may kakaibang saya siyang naramdaman. The air brushing against her face and the thrill she was feeling were all new, but they were refreshing. A strange, yet warm feeling flooded throughout her system. She found herself laughing. Naramdaman niyang nakatingin sa kanya si Riley kaya nilingon niya ito. He smiled at her and squeezed her hand. That mere gesture sent thousands of sparks throughout her body. Pati ang itim na itim nitong mga mata ay nakangiti sa kanya. Nag-iwas na lang siya ng tingin nang tila lumihis bigla ang t***k ng puso niya. "T-teka, malayo na tayo." Huminto siya sa pagtakbo at hinila ito para tumigil din ito. Agad na binitawan niya ang kamay ng binata. Tumaas-baba ang dibdib niya dala ng hingal. Nakarating na sila sa pinakasentro ng mall na iyon. "I can't believe na napagkamalan akong nagnanakaw ng popcorn! Kasalanan mo 'to, Ri –" Hindi na niya natuloy ang sintemyento niya nang subuan siya ng popcorn sa kanyang bibig ni Riley. Napilitan siyang nguyain at lununin 'yan. "Now, I'm guilty, too!" "Admit it, it's fun. We're now popcorn stealers." Natawa uli siya. "Nakakahiya, pero masaya nga." "Never be afraid to try new things, for in those new things you may find happiness." Tumingin ito sa relong-pambisig nito. "Shoot. I need to get going. Connor is waiting for me." "Shoot din! Hindi ko natapos ang movie!" "Ah, now that you mention it, I didn't finish the movie, too." Bigla itong yumuko para silipin ang mukha niya. Napaatras tuloy siya. Their faces were dangerously close. "What?" "Let's go watch the movie together next time." Tinapik niya ang noo nito. Ngumiwi ito at dumiretso ng tayo habang hinihimas-himas ang nasaktang noo. "Kung magsalita ka naman, para kang nag-yayaya ng date." "Exactly. I'm asking you out." Nagulantang ang isip at puso niya sa sinabi nito. "A-ano?" He brushed the side of her mouth with his thumb, and smiled gently at her for the first time. "I like you, Crayon." "In a platonic way, right?" Umiling ito. "I like you. ." He c****d his head at one side. "'Yong may malisya." Ipinaikot niya ang mga mata niya. "I don't li –" "Ah, you don't have to give your reply now," mabilis na sansala nito sa sinasabi niya. He touched her cheek. "Though you're perfect even when you cry, I still prefer to see you smile, Crayon." Then, he started to walk away. Awtomatikong umangat ang mga daliri niya sa pisngi na pinanggigilan ng binata. She felt her cheeks burn, and she had a feeling that his cute smile was tattoed on her mind forever. Riley confessed to me!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD