" Dahil sa iyo? Bakit? Ano ang dahilan? " sunod-sunod niyang tanong sa kanya. Napayuko si Prinsipe Noah dahil sa mga tanong ni Reann sa kanya. " Sa totoo lang ay sobrang malapit kaming dalawa ni Cedie, Reann, " pagsisimula niyang pagkwekwento. Pinilit ni Reann na maupo sa kama at nakinig sa kwento ni Prinsipe Cedie. " Isang taon lang ang pagitan ng edad namin ni Cedie. Noong bata kami, kami ang palaging magkasama, kami ang palaging magkalaro at kami ang palaging magkakampi. " " Sabay kaming pumapasok sa paaralan noon. Dahil hindi ganoong malakas ang pangangatawan si Cedie, ako ang nagsilbing tagapagtanggol niya kapag may mga nangungutya kanya dahil sa kanyang kalampaan. " " Hindi kami mapaghiwaly na dalawa, maganda ang aming samahan hanggang sa aming pagbibinata. " Napangiti si

