Pararing na ang mga naimbitahang mga bisita para masaksihan ang pag-iisang dibdib ni Prinsipe Cedie at Reann. Ang mga bisita ay galing pa sa iba't ibang Kaharian ng Jevum. Ang mga Hari at Reyna sa apat na Kaharian ay nandito para sa kanilang kasala, ang mga Rama at iba pang malalaking Mahar ay naimbitahan at hindi nila pwedeng malampasan ang pinakamahalagang pangyayari ngayong taon. " Handa ka na ba, Reann? " tanong ng Mahal na Reyna ng Alora. " Handa na po ako, Inang Reyna, " sagot ni Reann sa kanya habang inaayusan siya ng tatlong babae. " Masaya akong makita kang nakasuot ng engradeng damit pangkasal, Reann, " nakangiti at naluluhang sambit ni Inang Reyna sa kanya. Nakasuot si Reann ngayong ng isang puting mahabang damit pangkasal na hapit na hapit na siyang nagpakita ng totoo

