" Huwag kang gumawa ng eksena kung ayaw mong pagtinginan tayo ng mga tao dito, " babala ni Prinsipe Noah kay Reann. " Sabihin mo muna kung saan mo ako, dadalhin, " sabi ni Reann na sila lang ang nakakarinig. Hindi sinagot ni Prinsipe Noah ang tanong ni Reann at hinila na lang niya ito. " Teka lang naman, Prinsipe Noah! Saan mo ba ako dadalhin?! " may pagkairitang tanong ni Reann kay Prinsipe Noah habang hinihila siya papunta kung saan. Hindi sumagot si Prinsipe Noah sa tanong ni Reann kaya hindi siya tumigil sa pagtatanong at pinilit din niyang kumawala sa pagkakahawak ni Prinsipe Noah. Swerte naman at abala ang mga tao s akani-kanolang mga sarili kaya hi di nila napapansin sina Prinsipe Noah at Reann maliban na lang kay Prinsipe Cedie at Precious na nakatingin sa kanioa. Dumaa

