" Tulungan mo ako, Prinsipe Cedie! " pagmamakaawa ni Reann kay Prinsipe Cedie. Kitang kita niya ang panginginig ng mga paa, katawan, at umiiyak na mata ni Reann. " Bitawan niyo siya! " sigaw na utos ni Prinsipe Cedie sa kanilang tatlo. " Huwag kang makialam dito, Prinsipe Cedie! Hindi ikaw ang pinunta namin dito kundi para kay Prinsesa Reann! " sabi ng isang lalaki sa kanya. Nanlisik ang mga mata ni Prinsipe Cedie. Alam niya na wala siyang pakialam kay Reann pero sa nakikita niya, bilang isang prinsipe at susunod na hari ng Arconia, hindi niya hahayaan na mayroong karahasan sa kanyang harapan! Kalmadong naglakad si Prinsipe Cedie palapit sa kanilang kinalalagyan. Naghanda ang dalawang kalalakihan na nakasuot ng itim at nakabalot ang buong mukha ng maitim na tela. " Alam niyong

