" Bakit ganyan ang suot mo, Prinsipe Noah? " pagsabat ni Reann sa usapan ni Prinsipe Noah at Cedie. Ramdam na ramdam kasi na para bang may namumuong tensyon sa pagitan nilang dalawa. Nakasuot kasi ito ng kulay puting damit na naging kayumanggi na at sira at butas-butas na pantalon. May hawak din siyang sumbrero at kitang kita ang dumi sa kanyang mga damit. Tumingin si Prinsipe Noah kay Reann na nakangiti, " Galing ako sa sakahan, Reann. Tumulong ako sa mga umaani ng mga mais, " sagot niya. " Ganoon ba? Ang sipag natin, ah! " sambit ni Reann na may pagkamangha. Napakamot ng buhok si Prinsipe Noah dahil sa sinabi ni Reann, " Hindi naman masyado, " sagot niya. Napailing na lang si Cedie dahil sa kanyang narinig galing sa kanyang kapatid. ' Para diyan lang, pinupuri mo na siya! '

