WHY DID I kiss him? Why did I kiss him? Iyon ang paulit-ulit na katanungan ni Diosa sa isip habang nakasandal sa tiled wall ng banyo at walang patid sa pagkuskos sa kanyang buhok na puro bula. Pagkatapos ng eksena kanina sa Clubhouse ay umuwi siya sa bahay ng Kuya Jigger niya kung saan pinili niyang tumuloy at nagbabad sa shower.
Hanggang ngayon ay isa pa rin iyong dambuhalang palaisipan para sa kanya. nagpasulsol lang ba siya sa Kuya Trigger niya kanina kaya nagawa niyang halikan na lang si Yozack? Pero wala namang iniutos sa kanya ang kapatid. At kung meron man, nunca na patulan niya iyon. She was fully aware of how her brothers manipulate the people around them. Kaya imposibleng ang kuya niya ang may kasalanan kung bakit niya nagawa ang kahindik-hindik na bagay na iyon. Kung ganon, siya lang ba ang dapat sisihin sa nangyari? Because not even Yozack told her nor asked her to kiss him.
“I didn’t kiss him!” sambit niya sabay abot sa botelya ng bago niyang paboritong shampoo. “Hindi ba, Stallion? I didn’t kiss that guy. Guni-guni ko lang iyon.” Inalog-alog pa niya ang botelya. “Ganyan nga, sumang-ayon ka lang.”
With her conscience cleared, mas nag-enjoy na siya sa kanyang paliligo. Subalit tila surot sa isipan niya ang paulit-ulit ding pagbabalik sa kanyang alaala ng init at lambot ng mga labi ng lalaking iyon. Idagdag pa ang tila kawalan nito ng reaksyon sa nangyari. Sa America, kapag hinalikan ng babae ang isang lalaki, magalang na kakausapin ng lalaki ang babae at pagkatapos ay aalis na sila at itutuloy na nila ang kuwento sa malamig at may kadilimang silid. Pero bakit ang Yozack na iyon, ni hindi man lang siya kinausap? Ni hindi man lang siya sinundan. Ewan subalit may munti ring inis na kumukutkot sa kalooban niya.
Bakit hindi niya ako sinundan? Bakit hindi niya ako kinausap? Is my kiss nothing to him? Nang mangawit sa kakakuskos ng buhok ay itinapat na niya ang katawan sa ilalim ng shower. My kiss IS something!
Imposibleng walang naramdaman ang kumag na iyon sa halik niya. Hello! Halik kaya niya iyon. Pagkatapos makipagbuno sa banyo ay dumiretso siya sa kanyang silid. She was brushing her hair when her brother called to her.
“Diosa, buhay ka pa ba?” Hindi siya sumagot. “Huwag ma munang magpakamatay. May aasikasuhin ka pang bisita dito sa labas.”
“Bisita?”
“Nandito si Yozack.”
“Yozack?” Ewan niya kung ano ang nangyari pero bigla na lang ang bundol ng kakaibang kaba sa kanyang dibdib. Sa unang pagkakataon ay nakagat niya ang kanyang dila dahil sa saglit niyang pagkawala sa kanyang sarili. “Aray! Aray!”
“Diosa, hindi na magbabago iyang mukha mo. Natural ka ng maganda kaya lumabas ka na riyan.”
Mabilis niyang binuksan ang pinto. Pero imbes na ang mukha ng Kuya Trigger niya ang sumalubong sa kanya ay ang guwapong mukha ni Yozack ang bumungad sa kanya. Her heart started beating unusually fast inside her chest.
“I brought you back your lunch,” wika nito saka itinaas ang paperbag. “Hindi ka pa raw kumakain sabi ng mga kuya mo. Kinuha ko lang ito sa iyo kanina para asarin ka. I didn’t mean to make you starve.”
“I’m…” Peste! Nasaan na ba ang peste niyang kuya? No where in sight. Tumikhim siya. “I’m not hungry.”
“Kung ganon iiwan ko na rin itong food para sa iyo. Para may makain ka kapag nagutom ka uli.”
Darn! What’s with her heart? “Huwag na. Kunin mo na iyan. On diet ako. O kaya ibigay mo na lang sa mga kuya ko. Tig-apat naman ang bituka ng mga iyon.”
“Sigurado ka? Medyo malayo rito ang mga restaurants at kapag nagutom ka, medyo matatagalan kung magpapa-deliver ka pa rito ng pagkain.” Naglakad ito pabalik sa sala at inilapag sa ibabaw ng center table ang paperbag. “In any case, I’ll just leave it here. Sige, paalam.”
Paalam? Iyon lang? Ni wala man lang itong babanggitin tungkol sa nangyaring halikan nila kanina sa Clubhouse? How could he ignore a thing like that?
“Sandali,” pigil niya rito saka ito nilapitan. g**o-g**o pa ang basa niyang buhok na nakatabon sa kanyang mukha pero wala siyang pakialam. “Nasaan si Kuya Jigger? Kanina lang ay naririnig ko ang boses niya rito.”
“He just left. Ayaw daw niyang marinig ang pag-uusapan natin.”
“Bakit, ano ba ang sinabi mo sa kanya na pag-uusapan natin?”
“Wala naman. Tungkol lang talaga dito sa pagkain ang ipinunta ko rito. Siyanga pala, sorry sa ginawa ko kanina.”
“K-kanina?” Teka, kung meron mang dapat na mag-sorry ay siya iyon dahil siya ang humalik dito.
At teka rin, bakit ako magso-sorry? I. Did not. Kiss him.
“Basta na lang kasi kita iniwan sa restaurant samantalang ako ang nagyaya sa iyong kumain. Pagkatapos inagaw ko pa itong pagkain mo.”
Iyon lang? She knew she didn’t do anything wrong. Pero bakit parang may iba pa siyang inaasahan na sasabihin nito? At bakit ba kanina pa niya napapansin na tanong siya ng tanong?
“Oo,” sang-ayon niya rito. “Tama lang na mag-sorry ka. Kasalanan mong lahat iyon.”
He just smiled at her. Hayun at tila sinipa naman ngayon ng kabayo ang kanyang dibdib. Pakiramdam kasi niya ay parang may biglang humampas sa kanya at muntik na lang siyang mapasinghap. Asar! Nilapitan niya ang paperbag at sinilip ang laman niyon, para lang ma-distract niya ang kanyang sarili sa kung ano man itong peste niyang nararamdaman.
“Mukhang expired na ang mga ito,” aniya. “Hindi ako—“
“Nah, I don’t think so.”
Doon na siya tuluyang napasinghap dahil nasa tabi na lang niya si Yozack, sa bandang likuran niya, at nakikiusyoso sa paperbag. His position placed him so close to her, his face were almost touching hers. Lalong tila nagwala ang pasaway niyang puso. Pero hindi siya nagpahalata. No way! Kaya nanatili lang siya sa kinatatayuan.
“Expired na ito,” giit niya. She opened the bag wider. “Amuyin mo.”
“Yeah, I can smell it.”
Napansin niyang iba ang tinutukoy nitong naamoy nito. He was sniffing her. May kung anong kilabot na hatid sa kanya ang init ng hininga nito na nararamdaman niyang malapit na sa kanyang punong tenga. Doon na siya hindi nakatiis kaya humakbang na siya palayo rito. Saka niya ito muling hinarap.
“Magkaliwanagan nga tayo. May gusto ka ba sa akin?”
Saglit itong nag-isip. Pagkatapos ay ngumiti na lang uli sa kanya. And darn him! She was getting addicted to his smile by the minute! And darn him again for noticing it!
“As far as I know, ikaw ang humalik sa akin.”
“I…I’m…” Shucks! I can’t believe he could put me into this kind of situation! And still act as if it was nothing to him. How dare him! “Guni-guni mo lang iyon. Hindi kita hinalikan, ‘no?”
“Hinalikan mo ako.”
“May ebidensiya ka? May witness?”
“Meron.”
“Sino?”
“Ako.”
“You’re not counted.” Kinuha niya ang paperbag at hinipan ang mga hibla ng basang buhok sa kanyang mukha. Walang nangyari. “Okay, fine. I did kiss you. So what? Wala naman iyon. Ginawa ko lang iyon para ma-distract ka at makuha sa iyo ang paperbag.”
“Hindi naman ako na-distract. At hindi mo rin nakuha ang paperbag.” He reached out a hand to her and gently tucked the wet strands of her hair behind her ear. “Masyado kang tense, Diosa. Kung ako sa iyo hindi ko na aalalahin ang munting halik na iyon. Wala naman din iyon sa akin. Sanay na ako sa mga ganong bagay.”
Napamaang na lang siya. Somehow, his words seemed to have cleared her head. Though her heart didn’t stop beating crazily.
“Women kiss me all the time, for no particular reason. I don’t mind. Ikaw, kung gusto mo uli akong halikan, go ahead. I won’t mind at all.”
Tinapik niya ang kamay nito at muli itong nilapitan. Halos magdikit na ang kanilang mga katawan. Pero kinailangan pa niyang tumingala rito upang magdikit ang tungki ng kanilang mga ilong at mas ma-emphasize ang mga sasabihin niya.
“Hindi kita papatulan,” wika nito. “Dahil alam kong mas baliw ka kaysa sa akin.”
“Hmmm. Paano ba iyan? Pumapatol naman ako sa mas baliw sa akin.”
“And your point is?”
“This.”
Ikinulong nito ang kanyang mukha sa mga palad nito at hinalikan siya sa mga labi. Hindi niya inaasahan ang ginawa nito kaya hindi siya nakapag-react agad. Pero bakit naman ilang sandali na ang lumilipas na magkahinang ang kanilang mga labi, wala pa rin siyang reaksyon? Dahil kaya sa nagustuhan din niya ang mainit at malambot nitong mga labi? O ang paraan nito ng mayuming paghalik sa kanya?
Diosa! Wake up! The guy was…kissing you! Eeekk! Tila nagulantang naman ang sistema niya. A guy was kissing her without her permission! This guy! Subalit bago pa man siya makakilos upang lumayo rito ay naunahan na siya nito. Tinapos na nito ang halikan nilang iyon.
No! Hindi naman ito halikan! Siya lang ang—ah, what the heck!
“Quits na tayo, Diosa.”
“What?”
“Hmmm.” Iyon lang at tinalikuran na siya nito.
He headed for the door and she was left dumbfounded. What did just happen? Or was there something did happen? Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, hindi na tuloy siya siguro kung nangyari nga ang mga naiisip niyang nangyari. Idinampi niya ang mga daliri sa kanyang mga labi. But it seemed so real…
“Kumusta ang naging pag-uusap ninyo ni Bruno?”
“Sinong Bruno?”
“Trigger’s talking about our sister.”
Nabaling ang atensyon niya sa labas ng nakabukas na pinto ng bahay. Naroon ang dalawa niyang kuya at si Yozack.
“Its fine.”
“Wala kang kalmot at pilay. Siguro nga naging maayos ang pag-uusap ninyo.” Nilingon siya ng Kuya Jigger niya. “Diosa, pumasok ka na sa kuwarto mo. At huwag kang lalabas hangga’t hindi ka nakakapagsuklay.”
Lumingon na rin sa direksyon niya si Yozack at ang Kuya Trigger niya. Ngunit mas natutok ang mga mata niya sa una. Paanong siyang nagkakaroon ng ganitong reaksyon dito? Bakit hindi siya makakilos ngayon samantalang kanina ay napakayabang pa niya? Ganon lang ba siya kadali patiklupin? Halikan lang, ayos na? Ang cheap! Ang babaw! At hindi rin siya papayag na maisahan ng ganito! Nilapitan niya ang grupo ng mga ito.
“Diosa, hindi ba’t sinabi ko na sa iyong magsuklay ka muna? Lumapit ka pa dito—“
“He kissed me.”
“Ano kamo?” sabay na tanong ng mga kuya niya.
“Hinalikan niya ako.” Itinuro pa niya si Yozack. “Kanina. Habang wala kayo.”
Hinintay niyang pulbusin sa bugbog ng mga ito si Yozack dahil sa paglapastangan sa kanya. Subalit nagpalipat-lipat lang ng tingin ang mga ito sa isa’t isa sabay ngisi.
“Awesome!”
“Let’s call Mom.”